Chapter 25

27 1 0
                                    

Hindi ko alam kung handa ba akong marinig iyon mula sa kaniya dahil ilang minuto akong nakatulala lang pagkatapos niyang sabihin iyon.

My mind refuses to believe what he just told me. Hindi rin kayang tanggapin ng isip ko na sa loob ng tatlong taon, nakasama ko ang isang taong ginustong mawala ako para sa pansarili niyang kagustuhan. All this time, naniwala ako na mabuti ang imahe ng kapatid ko dahil iyon ang pilit na pinapaalala sa akin ng isip ko, pero nagkamali pala ako.

Sa kabila ng lahat ng iyon, kaliwa't-kanang mga tanong din ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Kagaya na lang ng: kung nagtatago nga si ate Diana sa katauhan ni Heidi, nasaan ang tunay na Heidi? O kung meron nga ba talagang Heidi? O gawa-gawa lang din iyon?

Napadaan din sa isip ko ang panibagong tanong na nabuo ko nito lang. Kung sina Damien pala ang nakakita sa akin nang nabaril ako at dahilan kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon, paano ako napunta ulit sa pangangalaga ni ate Diana? Itinakas niya ba kami ng anak ko at nag-ibang katauhan para maitago ang kaniyang sarili?

Sa sobrang dami kong tanong, pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa kaiisip sa lahat ng iyon. Gusto ko ring malaman kung paano niya nalaman o kung ano ang basehan niya para sabihin iyon, ngunit sa tono pa lang ng pananalita niya, tila ba pinal na sa isip niya ang nalaman niya sa araw na ito at may matibay na siyang ebidensya para doon.

Tanungin ko man, pakiramdam ko ay hindi ko na rin maiintindihan dahil sa labis nitong pagiging kumplikado kaya nagpasya akong ipagpaliban na muna ang pagtatanong tungkol doon at ibaling na lang sa mas simpleng tanong ang lahat.

"K-Kung gan'on naman pala, ibig sabihin ba ay huhulihin niyo siya? O parurusahan?"

"I ordered some of my men to do that already. I'm just waiting for them to report to me about it," tugon niya kaya napapikit ako. Saka lang rumehistro sa akin na totoo na Ang mga nangyayari.

"Pagtitibayin ko pa rin ang seguridad ng mansion," pauna niya. "For now, we have to be cautious. Hindi dapat basta na lang makampante kahit mahuli pa siya dahil alam kong gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya. Gan'on ang ginawa niya noon, paniguradong gan'on din ang gagawin niya ngayon," aniya sa isang kalmado ngunit may diing tono.

Napahilamos na lamang ako ng palad sa aking mukha. All of this happening right now makes my head ache. Akala ko pa naman noong isiniwalat niya sa akin ang tungkol sa nakaraan naming dalawa ay tapos na, pero nagkamali ako dahil mas nagiging kumplikado lang ang lahat ngayon.

Dahil sa ginawa ko ay hindi ko na namalayan ang kaniyang paglapit. Nakaluhod na siya ngayon sa paanan ko at kung hindi niya pa hinawakan ang magkabila kong siko ay hindi ko pa mabibigyan ng sapat na atensyon.

"Let me worry about all of this, okay? Everything's going to be fine. I promise," he gently said. Hinuli niya rin ang aking mga kamay na kanina ay nakatakip sa aking mukha at dinala iyon sa kaniyang labi para mahalikan.

"You should be resting right now. I know you're still tired," aniya sa mas malambing pang boses. Ngayon ay hinahaplos naman ng kaniyang hinlalaki ang aking kamay na hawak niya. Dahil sa rahan ng pagkakasabi niya niyon ay nakaramdam ako ng pagkalma. The gentleness of his voice made me feel sleepy for an unknown reason.

"Paano kung bigla na lang siyang magpakita rito tapos... gawan tayo ng masama?" Puno ng pag-aalala kong sinabi, ngayon ay naiiyak na. Iniisip ko pa lang ang kaligtasan ng mga taong narito, para na akong nasasakal.

"I won't let that happen," he said. "Wala ka bang tiwala sa asawa mo?" He added with a hint of amusement plastered on his face. Sa halip na takot ang maramdaman, ngayon ay naiinis na naman ako sa kaniya dahil mukhang nagsisimula na naman siya sa mapang-asar niyang mga salita.

"Sa kama mo lang ba ako pagkakatiwalaan?" Umarko ang isa niyang kilay at kung kanina ay nagagawa niya pang itago ang kaniyang ngisi, ngayon ay tila ba hindi niya na nakayanan.

Nahablot ko tuloy sa kaniya ang kamay ko at mabilis siyang nahampas sa braso. Sa halip na um-aray ay lalo lang siyang natawa.

"Nasa seryosong sitwasyon tayo pero puro ganiyan ang nasa isip mo. Can't you be serious even just for once?" Halos irapan ko na siya sa labis na pagkainis.

"Seryoso naman ako kanina. I just think that you don't trust me enough to not worry about what's happening kaya tatanungin ulit kita. Do you trust me?" Aniya habang hinahaplos na ngayon ng likod ng kaniyang hintuturo ang aking pisngi pababa sa aking panga. His touch was just so gentle that it made me dizzier.

Dahil hindi ako nakasagot at nagpatuloy siya. Nagsisi nga lang ako na binigyan ko ulit siya ng pagkakataong makapagsalita dahil iba na naman ang lumabas sa kaniyang bibig.

"Of course you trust me. You let me thrust in and out of you—"

Hindi niya pa man natatapos ang sasabihin niya ay muli ko na naman siyang nahampas. I am not really that v-olent but he's just pissing me off. Though, I can't deny that it made me somehow forget about the issue that we're facing right now.

"I'm just trying to make you feel better," pang-aalu niya at kalaunan ay hinila ako patayo. Nagpatianod naman ako sa gusto niyang mangyari habang tahimik lang siyang pinapanood.

Nang nakatayo na kami, hinuli niya ang magkabila kong kamay at dinala iyon sa kaniyang balikat. Isinampay niya iyon doon at nang maayos na ay gumapang naman ang kaniyang mga palad sa aking bewang.

"I'll train you to be better," aniya habang unti-unting niyang iniuugoy ang aming mga katawan kahit na wala naman talagang musika. We were just dancing peacefully, guided by the serene beats of our hearts.

"Kahit pa alam ko namang mas magaling ka kumpara sa akin," natatawa niyang sinabi nang hindi man lang inaalis sa mga mata ko ang kaniyang titig. I was just watching him talk. He was as calm as the moment we're sharing at the moment, but my heart ached for some reason.

Habang patagal nang patagal, lalo lamang nabubuo ang mga luhang bumabalot sa aking mga mata. Sinubukan ko iyong pigilan ngunit sa huli ay hindi na kinaya kaya hinayaan ko nang makawala ang mga ito.

"You don't know how broken I was when you were taken away from me. Sinisi ko ang lahat, lalo na ang sarili ko dahil masyado akong nagtiwala. Kaya naman ngayong nabigyan na ulit ako ng pagkakataong protektahan ang mag-ina ko, hinding-hindi na ako papayag pa na maulit ang mga pagkakamali ko noon," aniya na tila ba nangangako.

Iniwan ng kaniyang mga kamay ang aking bewang para lang masapo niya ang aking mukha. He held my face so gently as if I'm a porcelain that could break with just one wrong move. Kahit pa malabo ang aking paningin dahil sa pag-iyak ay kitang-kita ko ang iba't ibang emosyon sa kaniyang mga mata. There's sadness, guilt, and vulnerability all at once.

"I'm sorry for being emotional, sweetheart. I'm just glad that you're both back into my arms now," nanghihina niyang sinabi pagkatapos patakan ng halik ang aking noo.

"It's okay..." I assured him by smiling.

Hinalikan niyang muli ang aking noo bago niya ako tinulungang punasan ang mga luhang halos mamuo na sa aking mukha. "Enough with being too emotional," natatawa niyang sambit habang ginagawa iyon. I pouted as I watched him take care of me with so much tenderness. Manghang-mangha na ako sa ginagawa niya nang magsalita siya ulit.

"Do you know who helped me find out about Heidi's real identity, though?" Pagbabalik niya sa naunang topic kanina kaya nanumbalik ang pagkakakunot ng aking noo.

"Who?" I curiously asked. Akala ko pa kanina ay tapos na kami sa usapang iyon pero hindi pa pala. Siguro ay hinayaan niya lang talaga muna akong kumalma dahil may susunod pa siyang isisiwalat.

"It was our daughter," he said and I have never been so confused in my entire life.

What does he mean by that? Iyon ang tanong na paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko nang mga oras na iyon.

Marrying The Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon