Unedited...
Suot ang earphone, sumakay siya sa train. Kagaya ng inaasahan, busy hour kaya medyo siksikan ang train.
"Madam," pagsagot ni Benjo.
"Si Elias?"
"Hindi ko ho alam. Ang sabi magdi-dinner daw."
"Alam mo kung saan?"
"Hindi ho eh. Pero kakaalis lang."
"Ang aga pa for dinner. Okay," sabi niya. Wala naman siyang pupuntahan kaya guluhin muna niya si Elias. Alam naman niya kung saan ito makikita, sa VM o Viva Madrid. Sana lang ay hindi siya magkamali. Lumipat siya ng train at bumaba sa Sevilla tapos naglakad patungo sa Viva Madrid.
"Ba't ka nandito?"
"Napadaan lang. Ikaw lang ba ang may paborito ng bar and resto na 'to?" pagtataray niya saka kinuha ang menu book para pumili ng makakain. "Remember, mas nauna si Jose Rizal tumambay rito.""
"Oo na. Order ka, libre ko na."
"Sure ka? Oorder ako ng pinakamahal na drinks and food!" pagbabanta ng dalaga.
"Go ahead," sabi ni Elias. "Pero ayaw kong mag-alaga ng lasing."
Buti at nawala agad ang kissmark sa leeg niya at ayaw na niyang malagyan pa ulit.Fries lang ang in-order ng dalaga.
"Oh, ba't 'yan lang ang order mo! Akala ko ba bibili ka ng pinakamahal?"
"Alam ko namang afford mong bayaran kaya wag na. Isa pa, alas singko pa lang, masyado pang maaga for dinner," sagot ni Madrid at kinain ang fries. "Kwento ka naman."
"Kung wala kang kukulitin, maghanap ka ng iba pero wag mo akong istorbohin," saway ng binata. Hindi kasi siya palakwento na tao kaya iilan lang ang kaibigan niya.
"Hmm? Kwento ka na tungkol sa ex mo," sabi ni Faith.
"Hindi na kailangan. Wala na kami."
"Malay mo, magkabalikan kayo," sabi ni Madrid.
"Malabo."
"Paano kayo nag-break? Sino ang nakipag-break?" curious na tanong niya pero napalamon ng burger nang tumingin si Elias sa kanya.
"Hindi ko ugaling ikwento ang buhay ko sa iba, Madrid," malamig ang boses na tugon ng binata at tinungga ang laman ng bote nang maalala ang pakipaghiwalay nila ni Faith.
Flashback....
"Puntahan ko lang si Faith," sabi ni Elias.
"Saan ba siya?" tanong ng pinsan niyang si Kaitlyn habang karga ang anak nito.
"Nandito sa hotel," sagot ng asawa nitong si Orange.
"Ha? Nandito ba si Faith?" tanong ni Kaitlyn. "Akala ko nasa Cebu siya?"
"Malay ko," ani Orange.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Elias dahil hindi maganda ang kutob niya. Hindi siya kampante kapag si Orange ang magbigay ng impormasyon dahil noon pa man, halata namang hindi na nito gusto si Faith. Ni respeto nga bilang, parang hindi pa nito maipakita. Si Faith ang buhay niya. Lahat ng pagsisikap ay ginagawa niya para sa kasintahan.
"Room three zero one," sigaw na pahabol ni Orange.
Sumakay si Elias sa elevator at bumaba sa third floor saka nang lumabas ay nag-doorbell.
"E—Elias," gulat na wika ni Faith nang pagbuksan siya.
"Babe," usal niya dahil naka-bathrobe lang ang dalaga. "Dito ka na pala."
BINABASA MO ANG
Healed in Madrid
RomancePagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa kasamaang palad, naiwan niya ang kanyang wallet sa sasakyan. Doon siya tinulungan ng kapwa-pilipino...