22

2.5K 223 55
                                    











Unedited...





"Ihahatid na kita," yaya ni Elias dahil pagbalik mula sa toilet, kaunti na lang ang naiwang bisita.

"Bukas na," sagot ni Madrid at humarap sa dalagang namumungay ang mga mata.

"Iuwi mo na siya," sabi ni Kaitlyn.

"Lasing ka?" tanong ni Elias.

"Konti lang," sagot ng dalaga at matamis na ngumiti sa binata.

"Anong-" kinuha niya ang bote ng alak na ininom ni Madrid. 4.5% alcohol. "Bakit ka uminom ng may alcohol?"

"Sorry, hindi ko rin napansin na may alcohol pala 'to," paumanhin ni Kaitlyn na nakalahati pa lang siya pero si Madrid ay nakadalawa na dahil ang bilis nitong uminom. Ibinilin pa naman ni Elias na wag silang uminom ng may alcohol content.

"Cousin dear!" malakas na tawag ni Madrid kay Orange sabay kaway nang palapit ito sa kanila dahil may kinausap pang bisita. "I miss you, cousin!"

"Are you drunk?" tanong ni Orange.

"A little," sagot ni Madrid saka matamis na ngumiti.

"Iuwi mo na siya, Elias," sabi ni Orange.

"Isabay na natin siya," suhestiyon ni Kaitlyn.

"Ako na, kaya ko na siya," sabi ni Elias sabay hawak sa kamay ng dalaga. "Let's go home."

"Ayaw!" parang batang tanggi ni Madrid. "Inom pa ko eh."

"Wala nang tao," sabi ni Elias.

Humarap si Madrid sa kanya saka ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito at tinitigan siya.

"Pero marami pang alak," sabi ni Madrid na titig na titig sa mukha ng binata. "Why so serious? Pogi ka pa naman."

"Mauna na kami," paalam ni Elias sa mag-asawa at binuhat na para bang isang sako ng bigas ang dalaga.

"Hey, baba mo 'ko!" sabi ni Madrid sabay hampas sa likod ng binata pero walang epekto ito kay Elias hanggang sa nakapasok sila sa elevator pero hindi pa rin siya binababa ng dalaga.

Nang bumukas ang elevator, lumabas si Elias.

"Oh, hola!" masiglang bati ni Madrid sabay kaway sa mga bisitang naghihintay sa mga sundo kahit na buhat siya ng binata. "I'm with my boyfriend!" proud na sabi niya sabay turo kay Elias. "Adios!"

Ibinaba siya ni Elias at binuksan nito ang pinto ng sasakyan saka pinasakay. Umikot ang binata sa driver's seat saka inayos ang seatbelt ni Madrid at nagsimula nang magmaneho.

"Wag kang makulit!" saway ng binata nang hawakan ni Madrid ang kamay niya at gigil na kinagat ang daliri niya. "Oh, shocks! Ang sakit, Madrid!"

"I'm hungry," nakalabing sabi ng dalaga.

"Pagluluto kita kapag makarating tayo sa bahay," sabi niya. Buti at wala nang traffic sa ganitong oras kaya napabilis ang pag-uwi nila. Bumaba siya at muling binuhat si Madrid na parang sako ng bigas.

"Kyah! Baba mo 'ko!"

"Quiet!" saway ng binata sabay hampas sa pwet ni Madrid na parang bata lang.

"Argh! You spanked me!" ani Madrid sabay kagat sa kanang balikat ni Elias para makaganti. "I hate you!"

"Wag kang gumalaw, matutumba tayo," saway niya habang umaakyat ng hagdan dahil matagalan pa sila sa elevator. Isang floor lang din naman. Nang buksan niya ang pinto, agad na ibinaba niya si Madrid sa kama.

Healed in MadridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon