Chapter 34

18.5K 360 7
                                    

Third Person's POV

"Cassie, be ready, 30 minutes na lang, aalis na tayo." Napatango na lang ang dalaga sa sinabi ng kaniyang kuya Christian.

Ngayon araw na ito ang kanilang alis papunta sa Paris, doon, mag-aaral si Cassie ng fashion designing na dati niya pang gusto.

Masakit man sa loob ng dalaga na umalis sa Pilipinas, ngunit kailangan masyadong masakit ang mga nangyari noon mga nakaraang araw.

Tinawag naman ng announcer ang mga pasahero sa eroplano na patungo sa Paris.

Pagkasakay ni Cassie sa eroplano, ay umupo na siya at muling natulala. Naalala nanaman niya ang mga nangyari noong nakaraang araw. Napakasakit ang mga nangyari. Hindi hindi niya ito makakalimutan.

Flashback

Isang taon na sila, isang taon na puno nang pagmamahal.

Pauwi na sana si Cassie, nang hinarang siya ni Trixie.

"Can we talk?" tanong ni Trixie kay Cassie.

"Sorry, trix. Pero nagmamadali kasi ako eh." sabi ni Cassie, at nagsimula na ulit maglakad.

Nagtext kasi sa kaniya ang kaniyang boyfriend na si Alex, na susunduin siya sa apartment nito.

"Itigil niyo na to Cassie." Bigla naman natigilan sa paglalakad si Cassie at humarap kay Trixie.

"Anong itigil?" tanong niya kay Trixie, naglakad naman si trixie papalapit kay Cassie.

"Can't you see Cassie? Alex doesn't love you." Nagpantig naman ang tenga ni Cassie sa sinabi ni Trixie.

"Wow lang Trixie, hindi ka pa ba nanahimik? Kung prank lang to, please stop it. Magkikita pa kami ni Alex. Mauuna na ako." Humakbang na muli si Cassie upang umuwi nang narinig niya ang boses ni Alex.

"Wala lang." - Alex

Napatingin naman siya kay Trixie, may hawak na phone ang dalaga at dun nagmumula ang boses ni Alex.

"Wala lang daw. Aminin mo nga kuya, mahal mo pa ba si ate trixie?" - Jessie

Biglang natahimik ang nasa recorder

"Silence means yes." - Jessie

"Eh paano si Ate Cassie?" - Jessie

"I love her pero mas mahal ko si Trix." - Alex

Pagkarinig ni Cassie sa huling sinabi ni Alex ay kusa na lang tumulo ang kaniyang mga luha.

"I love her pero mas mahal ko si Trix"

Pauulit ulit na naririnig ni cassie ang boses ng binata kung saan sinabi ng binata na mas mahal niya pa ang dating kasintahan.

"Ayaw mo pa bang maniwala Cassie?" Napalingon naman si cassie kay Trixie, hindi niya napansin na andiyan pa si Trixie.

"Cass, deal lang ang lahat. Remember, ginasgas mo ang kotse ni Alex?" Bigla naman naalala ni Cassie ang mga panahon na ginasgas niya ang kotse ng binata.

"Kilala mo naman si Alexander right? He is the BadBoy of the L University, lahat ng bumabangga sa kaniya pinapahirapan niya. Nagkataon lang na babae ka. Alam mo ba kung ano ang parusa niya sayo? Yun ang paibigan ka niya at sa huli, kapag inlove ka na sa kaniya ay sasaktan ka niya." Napamura na lamang si Cassie sa kaniya isip. Bakit nga ba niya nakalimutan yun, naalala naman niya na mabilisan lang ang panliligaw sa kaniya ng binata at biglaan pa.

The Princess turns to a NerdWhere stories live. Discover now