Chapter 43

16.7K 309 12
                                    

Cassie's POV

Andito ako ngayon sa office. Hinihintay ang pagdating ni Jib. Ngayon ang dating niya, hindi na siya nagpasundo ang sabi na lang niya ay pupuntahan na lang niya daw ako sa office.

Tumunog naman ang intercom ko.

"Miss, sir JB is here." My secretary said.

"Papasukin muna."

Pumasok naman ang isang lalaki. Lalo ata siyang gwumapo ngayon. Sinalubong ko naman siya ng yakap.

"I miss you Jib." bulong ko sa kaniya.

"I miss you too."

Niyaya naman niya ako sa isang resraurant. May sasabihin daw kasi siya sa akin.

-------

Habang kumakain kami, nagsalita naman siya.

"Long time no see." he said.

"Yeah, nice seeing you again after 2 months, I think?" nakangiting sabi ko.

Napatawa na lang siya.

"Naging busy kasi ako, kaya hindi ako agad nakauwi." paliwanag niya sa akin.

"Oh, I see."

"Cass." seryosong tawag niya sa akin.

Binitawan ko naman ang hawak kong spoon and fork bago tumingin sa kaniya ng diretso.

"Why?"

"I'm courting a new girl." What?! May nililigawan siya?

"Huh? Why?" takang tanong ko.

"Sorry for that. I thought I still love you, pero hindi na pala. Akala ko na lang pala yun." Hindi na niya ako mahal? Bakit parang ang saya ko nung narinig ko yun?

"Really? Masaya ako para sayo Jib." nakangiting sagot ko.

"So, magkwento ka naman." sabi ko sa kaniya.

"Ok. So this is the start, may meeting conference kami nun sa Singapore, doon ko siya nameet. She's half filipino and half british. She's beautiful like you. Hindi ko alam kung kailan nagsimula basta ang alam ko I like her from the very start." nakangiting pagkwekwento niya.

"I'm happy Jib. Finally, after how many years nakahanap ka na rin ulit."

"Well, that's life Cass. Baka hindi talaga tayo para sa isa't isa." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Kailan ko pala siya pwedeng makilala?" nakangiting tanong ko.

"Soon." Tumango na lang ako.

"So, what's your plan pala? Tinuloy mo ba ang revenge thingy na binabalak mo?" tanong niya sa akin.

"Hindi na. Kasi tama ka naman eh, hindi na importante ang pagrevenge. I'm a better woman now. Hindi na ako yung Cassie na mahina." nakangiting sabi ko.

"Good."

Nagkwentuhan naman kami with random topics. Hanggang sa napunta ang kwentuhan namin sa kaniya.

"Mahal mo pa ba siya?" Matagal bago ako makasagot.

"Honestly, I thought I already moved on. Pero nung nakita ko siya bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kaniya. Wala ng galit. Pero ayoko na Jib, kung sakali man. Baka masaktan lang ako ulit." seryosong sabi ko sa kaniya.

"Paano mo malalaman kung masasaktan ka ulit kung hindi mo pa nasusubukan? Malay mo may sapat na rason siya." seryosong sabi niya.

"Kahit na. Ayoko na. Once is enough."

"Everybody deserves a second chance." nakangising sabi niya.

"Subukan mo lang Cass." dugtong niya.

"Bahala na." yan na lang ang nasabi ko.

After ng kwentuhan namin nagpaalam na kami sa isa't isa.

Habang nagdridrive ako pauwi, napaisip naman ako. Kaya ko bang balikan si Alex ulit? Tama bang mahal ko pa rin siya? Tama pa kaya?

JB's POV

Akala ko mahal ko pa si Cassie, pero hindi na pala. Baka siguro namiss ko lang siya kaya nasabi kong mahal ko pa siya o kaya naman naguiguilty ako sa nangyari noon.

Buti na lang narealize ko na hindi ko na siya mahal. Salamat sa taong yun. Baka kapag hindi niya pa sinabi ang totoong niyang dahilan ay hindi ko bibitawan si Cassie.

Flashback

Kakararing ko lang sa Pilipinas kanina nang makatanggap ako ng text message sa kaniya.

Pinuntahan ko naman siya sa restaurant kung saan daw kami magkikita.

Pagkadating ko dun ay nandun na siya. Umupo na rin ako sa katapat niya.

"How are you?" pagsimula ko.

"I'm fine."

"So bakit mo ako pinapunta dito?" diretsong tanong niya.

"It's all about Cassie." Napatigil naman ako sa pagkain nang narinig ko ang pangalan ni Cassie.

"What about her?"

"Can you help me?" Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Help you? Why?" takang tanong ko.

"I just want to say sorry to her. Sasabihin ko lahat lahat bakit kami nagkaganto." Tinignan ko naman siya na may halong pagtataka.

"Ok, ganto yan. The deal is true. Niloko ko siya, but believe me or not I love her, I really do. Nung nalaman niya yung deal namin nagalit siya. Gusto niya akong sumama sa kaniy a sa Paris pero hindi ako pumayag. Nung flight na niya pupuntahan ko sana siya pero naaksidente ako at hindi na tumuloy. I know na nasaktan ko siya ng sobra. Hindi ko na siya sinundan because I want her to pursue her dreams na walang sagabal. Nung una, tinanggihan niya ang scholarship niya sa Paris kasi ayaw niya akong iwan. But nung nalaman nga niya ang about sa deal ay tumuloy siya at hindi ko na siya sinundan." pag-eexplain niya.

Now I know kung bakit hindi na niya nasundan si Cassie. Atleast alam ko na may rason siya kaya niya yung nagawa. Nakapagpasya na ako.

"I will help you."

End of Flashback

Sana maging ok na sila. Gusto ko din namang sumaya si Cassie. Masaya na rin naman ako dahil nakahanap na ako ng babaeng mamahalin ko rin.

I hope na mapatawad ni Cassie si Alex sa mga nagawa niya. I know that Alex loves Cassie so much.







A/N:

What can you say?

Add me on facebook para naman makakwentuhan niyo ako.

Christine Sagum is my name in fb.

Kakagawa ko lang ng new one shot. Mahilig talaga ako sa sad ending. Pinagiisipan ko tuloy kung happy ending ba or sad ending ang TPTTAN.

The Princess turns to a Nerdحيث تعيش القصص. اكتشف الآن