Chapter 8 - Xiumin

2K 79 6
                                    

(Luhan's POV)

Alas dyis ng umaga ako nagising pag katingin ko sa katabi ko wala na si Sehun, nag kibit balikat na lang ako at saka bumaba. Nakita ko syang nasa kusina, nagluluto.

"Aalis ako mamaya, kelangan kong sunduin si Xiumin" cold na sabi ko at umupo sa may silya. Napalingon naman sya sakin at kumunot ang noo

"Hindi. Dito ka lang Luhan." mariing utos nya pero inirapan ko lang sya.

"At sino ka para pigilan ako?! Ang natatandaan ko nung pinigilan kita noon para huwag pumunta kay Miranda sinunod mo ba ako?! Di ba, hindi din naman?! Tsk. Patas lang!" sigaw ko. Napabuntong hininga sya at lumapit sakin

"Hanggan ngayon pa rin ba? Ayan ang dahilan mo?! Takte Luhan! Pinili na kita, ano pa bang gusto mo?!" napatigil ako sa sinabi nya.

"At punyeta Sehun! Oo, pinili mo ako! Oo, nasa akin ka! Pero shit lang yung pag mamahal mo.. Yun ang gusto ko, bakit parang napipilitan ka lang nung pinili mo ako? Bakit parang kahit anong gawin ko ako pa rin yung talo? Kelan ba ako yung magiging bukambibig mo? Kelan ko ba maririnig yung i love you mo? Sehun, patagal ng patagal pero nararamdaman kong lumalayo ka sakin lalo." hangga't maaari kung kaya kong pigilan ang luha ko, gagawin ko pero hindi ko kaya e. Naging asawa ko yung bestfriend ko. Naramdaman kong niyakap nya ako.

"Luhan, hindi ibig sabihin non hindi na kita mamahalin. Kaya nga ikaw yung pinili ko e para makapag simula tayo muli, ibabalik natin ulit yung dati, basta Luhan mag tiwala ka ulit sakin ok? Hindi ako nag sisisi dahil ikaw ang pinili ko. Huwag mong isipin yon ha?" napatango ako sa sinabi nya. Ngumiti sya at hinalikan ang noo ko.

**

(Sehun's POV)

"Hindi nga, Sehun? Sasama ka?" tanong ulit ni Luhan, ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok nya.

"Pang sampung tanong mo na yan, Mrs. Oh. Oo nga po, bakit ayaw mo ba?" nilapit ko ang mukha ko sa kanya, umiling naman sya at takang tumingin sakin

"Ang pag kakaalam ko, ayaw mong makita si Xiu. Anong masamang hangin at sinamahan mo ko?" taas kilay nyang tanong, pero ngumiti lang ako.

Gusto ko lang naman ipakita sa baozing yon na akin ka na.

@ Airport

"Hintayin na lang natin dito si Xiu." sabi ni Luhan at tumingin sa cellphone nya, nag taka naman ako kung sino ang katext nya. Maya't maya na lang syang tumitingin sa cp nya tas ngingiti na parang tanga, nakakairita.

"XIUUUU!" sigaw ng asawa ko at lumapit kay Minseok hyung, nagyakapan sila at nag tatalon, parang mga bata.

"Kamusta ka na? Mukha ka ng kambing ah." natatawang sabi ni Xiumin at ginulo ang buhok ng asawa ko.

"Ah? Eh?.. Ahm.." nauutal na sabi ni Luhan, hinila nya si Xiumin at lumapit sa pwesto ko

"Xiumin, asawa ko na nga pala si Sehun" napanganga si Minseok hyung at tumingin sakin

"H-hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong nya, hinapit ko ang bewang ng asawa ko saka ngumiti ng mapang asar kay Minseok hyung

"Expect the unexpected hyung, matagal ka nawala at nung mga panahong wala ka maraming ng nag bago." ngisi ko sa kanya.

Umalis si Xiumin noon at sa America nag aral, pero sa tingin ko hindi pa rin nag babago ang tingin nya sa asawa ko. 5 years na syang may pag nanasa kay Luhan.

"Yeah. Saktan mo ulit sya at baka mapasakin ang bagsak nya." seryosong sabi nya at tinap ang balikat ko. Naiyukom ko ang kamao ko. Gusto ko syang patulan pero baka mag kaaway na naman kami ni Luhan kapag gumawa ako ng eksena

"Masyado ata kayong hot? Tara na!" Pumagitna si Luhan, habang nag lalakad nasa unahan silang dalawa, naka akbay si Luhan kay Xiumin. Napairap na lang ako, nag mumukha tuloy akong body guard. Putaragis.

Habang nag dra drive ako hindi ko maalis ang tingin sa kanilang dalawa, nandun kasi sa likod at nag lalandian. Pinreno ko bigla ang kotse dahilan para mapatigil sila, tsk!

"Ano ba Sehun?! Mag ingat ka nga!" iritang sigaw sakin ni Luhan, umirap lang ako at nag drive. Yari ka sakin mamayang usa ka! I will make you scream my name. Napangisi ako sa naisip ko.

Hinatid muna namin si Xiumin sa condo nya habang nasa byahe nasa likod pa rin sya nakaupo.

"Dito ka umupo sa unahan Luhan, nag mumukha akong driver mo." malamig kong utos sa kanya napairap naman sya at sinunod ako. Sumulyap ako sa kanyang nakadungaw lang sa labas at nakasimangot. Hinawakan ko ang kamay nya hindi naman sya nag reklamo.

"Lu, i'm sorry..." bulong ko sapat na para marinig nya, marahan kong pinisil ang kamay nya. Lumingon sya sakin habang nakasimangot

"Bakit kasi ganon ang inakto mo kanina?" kalmadong tanong nya, napatigil ako at napaisip, hindi ko rin alam basta ayokong makita silang mag kasama ni Xiumin, nag fla-flashback sa isip ko nung high school kami. Patay na patay sa kanya si Xiumin, hindi ko maiwasang mag isip na baka maagaw nya ang asawa ko. Nag buntong hininga ako saka sumagot

"Nag-seselos ako, natatakot akong baka makuha ka nya sakin. Bumabalik kasi sa isipan ko na naging crush mo sya noon at baka sya ang pilipiin mo sa aming dalawa. Gago ako at sya yung naging ideal type mo noon." sagot ko pero sa kalsada nakatingin, sumulyap ako sa kanya at halos matunaw ang puso ko nung ngumiti sya sakin.

"Pero ikaw na ang asawa ko ngayon. Sehun, noon yon nakalipas na at ikaw na ang mahal ko." nakangiting sabi nya, natunaw ang inis at galit na naramdaman ko kanina.

"Uy! Ngumingiti na sya." natatawang sabi nya at sinusundot ang pisngi ko, ngumiti ako at hinuli ang kamay nya.

"Luhan, behave. Baka mabangga tayo." natatawang sabi ko dahil ang kulit ng usa ko nang mapagod sya kakakulit sakin, hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"I love you Sehunnie..." sincere na sabi nya, mag sasalita pa sana ako pinigilan nya ako.

"Hep! Hep! Shut up, baby. Alam kong di mo pa ako mahal, mag hihintay ako. Ok?" nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa pisngi, napangisi ako sa ginawa nya.

"Huwag ka ngang tumingin baka mabangga tayo!" namumulang sabi nya.

"Ok lang basta saba'y tayong mamamatay."

"Aba! Oo naman!"

"O sige, ibabangga ko na tong kotse natin"

"Namo Sehun! Umayos ka!"

I like you baby. I like you..
**

TAGLANDI ULIT ANG HUNHAN! :D Chill lang tayo guys :) Sorry sa grammatical errors at typos.

I'm just his husband (HunHan FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon