Chapter 10 - XiuHan Bros

1.8K 72 18
                                    

(Luhan's POV)

"Baby, aalis na ako ha? Ingat ka." hinalikan ako ni Sehun sa noo, ngumiti ako sa kanya saka tumango.

"Ikaw din." hinatid ko sya sa may labas ng gate.

"Sehun.. Ah... Hmm.." mag papaalam sana ako, mag gagala kami ni Xiumin mamaya.

"Baby, sabihin mo na agad. Ano yun?" tanong nya at hinawakan ang pisngi ko.

"P-pwede bang gumala mamaya?" kinakabahan na pag papaalam ko. Pumayag ka please?

"Sige ba, si Rea ba ang kasama mo?" tanong nya ulit, umiling ako.

"Si X-xiumin" napaiwas ako ng tingin dahil naging seryoso ang aura nya.

"Ok." napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin lang din sakin, hinalikan nya ang labi ko at bumaba ang halik nya sa leeg ko.

"S-sehun, baka may makakita.." mahinang ungol ko, tumigil sya sa pag halik sa leeg ko.

"Ingat kayo mamaya." nakangiting sabi nya, niyakap ko sya sa sobrang tuwa ko.

"Thank you, Sehun" sabi ko habang yakap yakap ko sya, naramdaman kong pinaikot nya sa bewang ko ang braso nya.

"Anything for you, baby." humiwalay sya sa pag kakayap at hinalikan ang pisngi ko.

"Wag kang mag papagabi ha? 7pm dapat nandito ka na." seryosong sabi nya, ngumiti lang ako.

**

Naligo na ako at nag bihis, tinawagan ko si Minseok para sabihin na tuloy ang gala namin. Ilang ring lang may sumagot na agad

"Minseok Kim! Asan ka na? Sunduin mo ko! Thank you." pambungad ko sa kanya, huminga sya ng malalim.

"Luhan Oh, uso muna mag hello at takte ka nasa kalagitnaan ako ng pag tae. Pang gulo ka!" inis na sambit nya, napangiti ako.

"Nag babawas ka o nag papalabas ng ehem?" pang aasar ko sa kanya, tumawa naman sya ng sarkastiko.

"Ulul. Di ako ganon! Teka mag dadala ako mamaya, patutunayan ko sa'yo. Bye!" pinatay nya na ang tawag, natawa na lang ako.

Umupo muna ako at nag hintay, maya maya nag text na si Minseok

Minseok:
Nandito na ako sa labas ng bahay nyo, lumabas ka na dyan.

Dali dali akong tumayo at nakita kong nandun na sya nakasandal sa kotse, lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Kaninong kotse yan?" tanong ko, ang pag kakaalam ko kasi ayaw nya mag kotse at baka maaksidente pa daw sya. Tsk

"Sa fiancé ko." sagot nya at sumimangot, nanlaki ang mata ko.

"Sht! Kelan pa?!" gulat na tanong ko, pinag buksan nya ako ng pinto at agad syang umupo sa driver seat

"Nung isang buwan pa." tipid na sagot nya, napatango na lang ako.

"May picture ka?" inabot nya sakin ang cellphone nya, napatingin ako sa wallpaper at ang gwapo nung lalaki.

"Minseok, ang gwapo ng fiancé mo!" kinikilig na sabi ko, inagaw nya ang cellphone sakin.

"Gwapo ka dyan! Nakakaasar kaya ang lalaking yan! Ang hilig nyang mantrip tapos hindi nya ako binibigyan ng privacy, lagi pang nakabuntot sakin! Nakakainis" litanya nya na kinatawa ko naman. Mukhang nakahanap na sya ng katapat

"Ano bang pangalan nya?"

"Jongdae."

**

Matapos ang ilang minuto nakarating na kami sa centro mall, lumingon sakin si Xiumin. Nag taka naman ako sa tingin nya, napansin kong nakatingin sya sa leeg ko. Ngumisi sya sakin

I'm just his husband (HunHan FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon