Chapter 14

5.3K 179 14
                                    

A/N: Hahaha Sorry guys! Natagalan. Anyway hindi ko na ito na-edit ha. Pagtyagaan nyo nalang . XD

CHAPTER 14

Papunta na sana si Knight sa kotse niya para puntahan si Venice nang may mapansin siyang mga lalaking nakaitim. Tila pumupuslit ang mga iyon papasok sa mansyon. Sinundan niya ang mga ito. Hindi niya namalayan na may tao na pala sa likod niya. Bigla nalang niyang naramdaman na may tumama na pala sa likuran niya. Napaharap siya sa kung sino iyon. Nakita niya ang isang lalaking nakabonnet at may hawak na baril na may silencer. Shit! Ikakasal nalang siya mamatay pa?

Nagising si Knight sa isang silid, madilim doon. Pinilit niyang bumangon.

"AHHHH!" Sigaw niya dahil sa sakit ng ulo.

BIGLANG BUMUKAS ANG ILAW!!!

"SURPRISE!!!" Nagsigawan ang ilang mga naroroon, puro mga lalaki!

"HEY KNIGHT!!! What can you say? It's your STAG PARTY!!!" sabi ni George na pinsan niya.

"Dude, you're getting married!" sigaw pa ng isa.

"You'll gonna love this. Come on Girls!!!" Sigaw ng isa pa nilang pinsan. Naroon din si Jin na natatawa sa nangyayari. Hindi niya alam kung paano napatulog ng mga 'to ang kuya niya dahil alam niyang lalaban at lalaban ito. Niyaya kasi siya noon ng mga pinsan niya na lumabas kaya hindi niya nakita ang mga pangyayari.

Naglabasan ang mga Brazillian girls na nagsasayawan habang naka bridal costume pa. Ang iba naman naka-two piece lang. Napailing-iling si Knight, nangingiti-ngiti siya. Kelan nga siya huling nakakita ng mga naggagandahang katawan? Mahigit isang lingo?

"It's my lucky day..." bulong niya.

Nanonood lang si Jin sa mga babaeng nagsasayawan. Pero kahit pinapanood niya ang mga ito wala naman ang atensyon niya sa mga 'yon. Naiisip niya si Aisha!

'Kung may stag party, eh di meron ding Bridal Party? Sh*t!' naisip niya. Kakaiba pa naman magtrip ang mga pinsan niya lalo na si Jasmin! Naitulak niya ang babaeng sumasayaw sa kanyang harapan at tuloy-tuloy na lumabas ng silid.

Nasaan nga ba sila Aisha? Tinawagan niya si Jasmin pero hindi ito sumasagot . Mabuti na lang at nakuha niya ang number ni Lala.

"Lala nasan kayo?"

'Sekrit!!!' sabi ni Lala

"Lala, sabihin mo na! Si Aisha ba kasama niyo?"

'Hende pa nageseng ang bride! I can't tell where we are.' Ampotek nag-english na si Lala!

"Kapag sinabi mo sa'kin kung nasaan kayo bibigyan kita ng complete series ng Twilight Saga!"

'mwahahaha kompletu na ku nun koya!'

"Tsk! Oh sige, Harry Potter na lang."

Natahimik saglit si Lala, 'Ite-text ko sa'yo. Hehehe! Kelan mo bebegay?' Pumayag din!

NANG MARECEIVED NI JIN ANG TEXT NI LALA ay agad siyang nagmadali papunta sa Hotel na iyon. Ang sabi pa ni Lala na may tatlong Gigolo daw silang kinuha. Yung pinakahuli daw artistahin! Iyon daw ang sasayaw sa harap ni Aisha. Naisip ni Jin. Baka mabugbog ni Aisha yung Gigolo! Tsaka ang bata pa ni Aisha para makakita ng ganun. Ay! Talaga naman si Jasmin!

Pumasok si Jin sa Hotel room kung saan naroon yung tatlong gigolo...

"Oh Dude! Mali ata napasok mo." sabi nung isa.

Sinapak iyon ni Jin. Dinikitan ba naman sya! Akala siguro bakla siya.Bwisit!

"Relax dude! May raket kami. pwede pagtapos na lang ikaw aasikasuhin namin?"

When Miss Gangster Meets Her Match (Volume2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon