CHAPTER 15

5.3K 151 20
                                    

CHAPTER 15

"Waaaahhh! Wag kang lalapit! Waaaaaahhh!" Mula sa pagkakaupo sa kama ay napatayo pa si Aisha sa ibabaw nito sabay hablot sa lampshade at ibinato iyon kay Jin.

Sapul sa ulo si Jin! Natumba ito sa ibabaw ng kama at nawalan ng malay!

Lalong nataranta si Aisha. Hinaplos niya ang ulong tinamaan ng lampshade, wala namang dugo.

"Waaaaaaahhh! Jin, gising! GUMISING KA!!!" Niyugyog pa ito ni Aisha. Ayaw gumising ni Jin. Natahimik si Aisha, hindi kaya?

Kinalabit niya si Jin sa noo nito.

*Poke...Poke*

"Pssst... buhay ka pa ba?" Mahinang bulong ni Aisha.

NO RESPONSE

"Uwaaaaaahhhh! Patay na si Jin!" Ang ingay ni Aisha! Binato niya ang unang bagay na nahawakan niya, cellphone iyon ni Jin!

BASAG!!!

Napabalikwas nang bangon si Jin!

"Cellphone ko yun ah!?" O__O

Napayakap naman si Aisha sa kanya, akala niya talaga napatay niya si Jin!

"Waaaahhhh! Bwisit ka, akala ko napatay kita. Ayokong makulong! Waaahhhh!"

"Yung cellphone ko..." nanghihinang sabi ni Jin. Iyon kasi ang kauna-unahang naipundar niya sa sariling pera niya noong nagtrabaho siya sa St. Benedict Academy.

"Uwaaah! Buhay ka nga!"

Tuwang-tuwa si Aisha na hinahawak-hawakan pa ang pisngi ni Jin at kinukurot kurot pa iyon. Natigilan siya nang biglang hawakan ni Jin ang magkabilang kamay niya at malamlam siyang titigan nito sa mata.

*gulp*

...

Pinaharurot ni Knight ang sasakyan ni George. Katatapos lang nilang magusap ni Franco. Mabuti na lang at nilagyan ng isa sa mga tauhan nila ng tracking device ang motor ni Aisha nang makita nila ito sa parking lot ng venue ng Bridal Shower para kay Aisha at bumaba mula roon si Jin. Pinamatyagan kasi talaga ni Knight ang kapatid niya sa mga ito.

Narating ni Knight ang isang maliit na building. Para iyong apartment building, hindi gaanong matao pero masikip ang kalye doon. Napansin ni Knight ang isang tila parking lot na may gate. Bahagyang nakaawang iyon kaya binuksan niya ito. Iniluwa noon ang MV Agusta na motor ni Aisha. Pabagsak niyang isinara ang gate at mabilis na tinungo ang hagdan. Hindi siya sigurado kung saan naroroon sina Aisha at Kingson pero tila doon na siya dinadala ng mga paa niya. Narating niya ang isang rooftop. May tila silid o apartment doon na may ilaw. Nakaawang din ang pinto noon, kaya marahan siyang lumapit. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan pero kailangan niyang malaman ang kinaroroonan ng dalawa. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto...

Kinakabahan si Aisha. Kung bakit? Hindi niya alam! Katulad iyon nung kaba niya nang hinalikan siya ni Knight. Malalaglag na ata ang puso niya! Hahalikan din kaya siya ni Jin? Pero malayo naman ang mukha ni Jin sa mukha niya, hawak lang nito ang dalawa nyang kamay.

Si Jin naman ay hindi makapagsalita. Ano ba ang ginagawa niya? Nagkunwari siyang nawalan ng malay. Pero masakit naman talaga ang tamaan ng lampshade sa ulo. Nabasag pa nga yun. Kapag si Aisha ang kasama niya ay maraming kakaibang bagay ang nangyayari. Katulad ngayon, baka 'pag sinabi niyang gusto niya si Aisha akalain na naman nitong JOKE yun. Masakit kayang pagtawanan matapos mong magtapat!

Hawak lang niya ang mga kamay ni Aisha. Nakatingin siya sa mga mata nito. Kung hahalikan niya kaya ito, ano kayang susunod na ibabato ni Aisha?

Si Jin na kaya ang ibato niya mula sa rooftop?

When Miss Gangster Meets Her Match (Volume2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum