CHAPTER 16

4.3K 146 5
                                    


CHAPTER 16

NAPAKASARAP NG SIMOY ng hangin, parang hinehele ka ng tunog ng dagat. Bawat alon ay tila musika sa iyong panaginip. Damang-dama mo ang katahimikan ng paligid. Hayyyyy... ang sarap sa beach!

'SA BEACH?! ANONG GINAGAWA KO SA BEACH? Ang sarap na panaginip ko...' Naisip ni Knight. Niyakap niya ang unang katabi. Napadilat siya sa nakakapa niyang unan...

ANG INIT AT GUMAGALAW ANG UNAN?

"Aaahhhhhhh!" Ubod nang lakas ang sigaw ni Aisha. Napatayo si Knight, gayon din si Aisha.

"Anong ginawa mo sa'kin?!" Akusa ni Knight kay Aisha. Nakayakap pa siya sa topless niyang katawan. Tiningnan niya si Aisha mula ulo hanggang paa. Suot pa nito ang wedding gown niya.

"Ang kapal mo! NASAAN AKO? PERVERT KA!" Bulyaw ni Aisha na binato pa ng unan si Knight. Sabay nilang iniligid ang mga mata nila sa silid.

Eeennkk!

ANO NGA BA ANG NANGYARI?

...

Papunta si Knight noon sa silid niya upang i-check si Venice nang makasalubong niya ang pinsan niyang si George. Nagkabungguan sila at natapunan ng wine si Knight na noon ay hawak ni George. Agad namang tinanggal ni Knight ang suot niyang suit at polo, nasa pinto na sila ng silid ni Knight.

"Where is your wife?" Tanong ni George na muli ay sinalinan ng wine ang basong hawak niya.

"Dancing with my brother?" Tugon ni Knight. Bago kasi siya pumasok ay natanaw niya ang dalawa.

"I see. It's a good thing they hang out pretty well. May magbabantay sa maganda mong asawa. Let's drink to that!" Sabay abot ng baso kay Knight.

"Tss! Bantay-salakay kamo." Mahinang bulong ni Knight bago inumin ang wine. After that, wala na siyang maalala. Grabe! Kakaiba talaga ang mga pinsan niya. They are all good in playing games and they love surprises!

...

Habang inililigid nila ang paningin nila ay napagtanto nilang maganda ang silid na kinaroroonan nila. Malaki iyon, parang honeymoon suite, hugis puso ang malaking kama na nakaharap sa isang glass sliding door. Napakaganda ng view mula roon, tanaw na tanaw ang dalampasigan. Nagkatinginan sila ni Aisha pero agad na nag-iwasan muli ng tingin. Lumigid pa sila sa silid, magkahiwalay na direksyon nilang inikot ang silid at napagtanto nila na isang napakalaking silid nga lang iyon. May mini sala na at kitchen na divider lamang ang naghihiwalay. Meron pa ngang shell curtain na division naman ng sala at... BATHROOM? Walang pinto ang bathroom? Shell curtain lang? Kurtina na gawa sa maliliit na shells?

Nagpapadyak si Aisha "Waaaaaaahhhh! Gusto ko nang umuwi! Sabi mo hindi mo 'ko paparusahan, eh ano 'to?"

"I have nothing to do with this, okay? Sa tingin ko na-set up tayo! Teka nga, pinainom ka ba ni George ng wine kagabi?" He asked.

Napaisip si Aisha. Natatandaan niya na magkasama sila ni Jin. Kagabi lang ata iyon? Pagkatapos nagyakapan sila! Ayieeehhh! Napangiti si Aisha sa naalala, feeling nga niya nagba-blush pa siya.

"Hoy!" Tinapatan pa ni Knight ang mukha ni Aisha ng mukha niya. Natulala na kasi si Aisha habang nakangiti.

"Bwisit naman ano ba?! Nag-iisip yung tao eh!" Bulyaw ni Aisha, napahiya kasi siya. Naitulak niya nang bahagya ang mukha ni Knight.

Ngumisi naman si Knight, "Akalain mo may isip ka pala." Tinulak pa niya ang sentido ni Aisha gamit ang hintuturo. "Oh, ano? Binigyan ka ba ni George ng wine?"

When Miss Gangster Meets Her Match (Volume2)Where stories live. Discover now