Chapter Three

5K 67 5
                                    

"GABI na," tinapik siya ni Sean kaya nagising siya bigla. Nakatulog pala siya sa espasyo ng kama ni Sean. Kumurap-kurap pa siya at humikab. Tumayo naman si Sean at lumabas ng kubo. Sinundan na lamang ito nang tingin ni Dionne. Nakatulog pala siya? 'Di niya namalayan, paano kasi, titig na titig talaga siya sa binata kanina. Napailing na lamang siya sa iniisip at pinunasan niya ang mga mata na maluha-luha sa pagkakahikab niya. Doon ay lumabas din siya sa kubo at nakita niya lamang si Sean na nakatayo at nakatingin sa dalampasigan.

"'Di ka ba maghahapunan?" Tanong niya rito, yumuko naman ito at kasabay niyon ay hinawakan siya sa kanyang mga kamay. May kung ano'ng kuryente siyang naramdaman sa pagkahawak sa kamay niya ng binata. Napatingin siya rito, parang wala naman kay Sean iyon. Hindi niya rin matanong sa binata kung saan sila pupunta? Pero alam naman siguro nito kung saan.

Malayo-layo na ang nilalakad nilang dalawa hanggang umabot na sila mismo sa bayan. Hindi rin pala masiyadong matao rito, maliit lang kasi ang isla. Mistulang mga artista silang dalawa dahil pinagtitinginan sila ng mga tao roon. Nasa karinderya sila ngayon, bukas kasi ito twenty four hours. Inalalayan siya ni Sean na umupo at um-order na ito. Nilakbay ng paningin ni Dionne ang paligid at napakasimple lang ito. 70's ang style ng kainan at tiyak mga mamahaling cuisine ang mga sini-serve dito. Pero nagkamali siya, dahil mura lang mga pagkain dito. Mayamaya'y nakabalik na si Sean dala-dala ang nilagang baka at dalawang kanin sa isang tray. Sakto rin naman ang piniling ulam ng binata dahil medyo malamig na sa labas.

"Akala ko ang mahal dito? Mukha kasi siyang classy," ani Dionne at pinunasan na ng tissue ang kutsara't tinidor. Takam na takam na rin kasi siyang kumain dahil gutom na siya. Hindi na nakapagsalita pa ang binata at sinimulan na nito ang kumain. Napatitig lang naman siya rito, at dahil doon hindi na siya nakakain pa hanggang sa pinagsinabihan siya ng binata.

"Kakainin mo ba, o ako pa ang magsusubo niyan sa 'yo?" Sa sinabi niyon, namula naman ang pisngi ni Dionne. Animo'y umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang mga pisngi. She blushed, yes. Banat ba iyon ng binata o inaasar lang siya? Yumuko na lamang si Dionne at sinimulan na ang pagkain. Pero pansin niyang hindi nilagang baka iyon, dahil maitim ang karne. Hindi rin naman kasi sinabi ng binata kung ano iyon. Nang sinalok niya ang sabaw, pansin niyang kulay itim ito kaya huminto muna siya.

"Bakit, Miss?" Tanong nito sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin kilala ng binata ang pangalan niya. Hindi niya rin alam kung bakit parang ayaw niyang itanong. Napakagat ng labi ang dalaga 'tsaka inilagay sa gilid ng pinggan ang kutsara't tinidor.

"Ano'ng pagkain ito?"

"Nilagang karne ng kalabaw." Simpleng sagot nito.

"Shit!" Napatingin naman sa kanya ang mga tao roon. Bigla naman nakaramdam ng kaunting hiya si Dionne. Tumigil din pansamantala si Sean sa pagkain at napayamukos na lamang ng mukha.

"S-Sorry," ani Dionne.

Pinagpatuloy naman ni Sean ang pagkain at kumain na rin si Dionne. She has no choice. Kailangan niyang kumain kaysa naman magkaka-ulcer siya sa pagpapalipas ng pagkain. Pero sa kinikilos ng binata, ramdam niya ang inis sa kanya. Hindi niya alam, pero bakit?

NAGLALAKAD na silang dalawa pauwi pero ni isa sa kanila ay hindi nagsasalita. Huminto naman si Sean sa isang tindahan at bumili ng isang bote ng beer at isang pakete ng yosi. Napatingin na lamang si Dionne sa gawi nito. Wala namang bisyo si Jaye dati, ah. Bakit kaya? Aniya sa isip. Pero kung tutuusin, hindi na niya alam ang nararamdaman niya sa lalaking ito. Nahulog na ba siya talaga ng gano'n kabilis? Kahit 'di pa niya masiyadong kilala ang binata ay nahulog na siya kaagad?

"Ano'ng gusto mo?" Tanong nito sa kanya, nasa harapan niya na pala iyon. Kumibit-balikat na lamang siya nang maalala niya na tatawagan niya ang numero ni Dee. Tatalikod na sana ang binata nang bigla niyang tinawag ito.

Lost In Paradise (HSS: Dionesia)Where stories live. Discover now