Chapter Five

4.2K 63 12
                                    

NAPAHAWAK si Dionne sa kanyang likod at uminat-inat dahil kakatapos lang niyang maglaba ng kanyang mga damit. Pinunasan niya rin ang pawis na tumatagaktak sa noo niya. Ilang araw na siyang naroon sa isla pero mukhang nasanay na siya. Pero minsan, gusto niya pa ring bumalik ng Maynila. Wala na kasi siyang perang pangastos sa araw-araw. Napakamot siya ng ulo at nakita siya ni Sean na kakalabas lang ng kubo. Kunot-noo niyang tinitigan iyon.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Dionne?" Tanong nito habang may hawak na baso na naglalaman ng kape at hinigop iyon.

Umiwas ng tingin si Dionne at agad namang rumehistro ang nangyari n'ong isang araw. Tumungo na lamang siya sa loob nang bigla siyang hinawakan ng binata sa kanyang braso. Napahinto siya at nilingon niya ito. Tiningnan niya ito diretso sa mga mata.

"You're weird," iyon na lamang ang nasabi niya.

He smirked at her, drinking the remaining coffee on his mug.

"Am I? Baka ikaw, Dionne? Nananahimik ang buhay ko—"

"Eh, bakit namimilit ka na mahalin kita? Ano iyon, stage play, huh? Bitawan mo nga ako!" Aniya't kinalas ang kamay niya sa pagkakahawak nito sa kanya. Humalukipkip siya at hindi niya alam kung bakit inis ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Napabuga na lang siya ng hangin. Mahal niya pa rin si Jaye, pero hindi naman siya papayag na magmahal pa ulit ng iba. For she know that there was a second chance on her and Jaye. She simply shook her head.

"You know what? I can't read you." Inis na turan ng binata sa kanya.

Hinarap niya ito. "Paano hindi mo pa ako lubos na kilala. Tanga ka ba, Sean? 'Di ba tinuro iyan sa Guidance ang courting na dapat getting to know each other muna bago dating, huh? Hindi ka ba nag-aaral?!"

He became serious while staring at her. His lips formed into line. Napikon yata ito sa sinabi ng dalaga. He smirked at her, "kaya ka sigu—"

Sinampal niya ito ng matindi.

"Damn you!" Sigaw niya. Napailing na lamang ang binata at ngumisi muli, ngunit sa pagkakataong 'to, may halo itong sarkasmo. Nakita niyang kumuyom ang kamao nito kasabay ng pagtagis ng kanyang bagang.

Walang sabi siyang hinila papunta sa malayo. Sa higpit ng pagkakahawak ng binata sa kanya, halatang-halata na galit na ito. Paano kasi, below the belt na ang pagkakasabi niya no'n kaya siguro nagalit ang binata. Napahinto na lamang ang binata nang nasa pampublikong lugar na sila. Binitawan nito ang kamay niya at sinuntok na lamang ang poste street light.

Napatutop na lamang ng bibig si Dionne nang maalala ang nangyari bago sila maghiwalay ni Jaye. Biglang uminit ang ilalim ng kanyang mata at nagbabadya nang tumulo ang mga luha niya. Pero pinipigilan niya pa rin kahit ano'ng mangyari. Huminga siya ng malalim habang naiiyak na.

"Iiwan na kita rito. Huwag mo na akong susundan pa, Dionne." Anito at tumalikod na at humakbang paalis. Kasabay niyon ay ang pagtulo na ng luha niya sa kanyang pisngi.

The flashback came to her mind...

"Oo, mahal pa rin kita, pero hindi ko na kaya pa ang relasyon nating dalawa."

Pinunasan niya na ang kanyang mga luha pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtulo. Napalinga siya sa paligid, maraming tao ngunit hindi na niya maaninag pa si Sean. Napaupo na lamang siya ng 'di oras habang nakasandal sa street light. Masakit din iyon, kahit na sabihin na... sandali lang silang nagkakilalang dalawa. Napayakap na lamang siya sa kanyang mga tuhod at humagulhol ng iyak. Hindi na niya alam ang gagawin pa. Napag-iwanan na nga siya ng kanyang mga kasamahan noon, iniwanan na rin siya ng taong nakilala niya roon. Pakiramdam niya, doble-dobleng sakit ang naramdaman niya sa mga oras na iyon.

Lost In Paradise (HSS: Dionesia)Where stories live. Discover now