Chapter Eight

3.2K 49 3
                                    

TULALANG nakamasid ang dalaga sa labas ng bintana ng kuwarto niya. Kahit isang linggo na ang lumipas mula n'ong makita niya ang pangyayaring iyon. Hindi niya pa rin masikmura't matanggap na gano'n si Sean. Hindi niya alam na dati itong kalaguyo ng asawa ng Mayor. Ayaw niya naman isumbong iyon dahil alam niyang matatanggal din sa trabaho si Sean at baka madamay na rin siya. Napabuga siya ng hangin at napapunas ng luha na dumaloy na naman sa pisngi niya. Hindi niya alam—pakiramdam niya kasi, nasimulan na niyang mahalin ang binata kaya gano'n na lamang ang sakit na naramdaman niya n'ong makita niya iyon.

Humiga siya sa kama, tumingin sa kawalan. Hindi niya alam kung papansinin pa niya si Sean dahil lang doon. Si Sean na ang lumalapit sa kanya ngunit hindi niya pa rin magawang pansinin iyon. At tingin niya, hindi pa niya kayang patawarin iyon. Bakit naman kasi siyang nagselos ng gano'n kung wala namang may namamagitan sa kanilang dalawa? Napailing na lamang siya sa iniisip. Ang alam niya lang, may pagtingin na siya sa binata. Gumawi ang tingin niya sa bumukas na pinto at doon pumasok si Panyeng. Nag-aalala ang tingin nito sa kanya kaya nilapitan siya.

"Dionne, ayos ka lang?" Anito nang umupo na ito sa tabi niya. Hindi na lamang nakasagot si Dionne. Tinakpan niya na lamang ang mukha at humagulhol ng iyak. Walang magawa si Panyeng kundi ang i-comfort siya.

"Ang sakit, eh!" Iyon na lamang ang sinabi niya at sumunod na roon ang paghikbi niya. Hinagod naman ni Panyeng ang likod niya para lang mapatahan siya. Hindi rin kasi alam nito kung paano nito mapapatahan si Dionne.

"Nag-away ba kayo ni Kuya Sean?" Humiwalay si Dionne dito. Pinunasan niya ang luhaan niyang mga mata. Mugtong-mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Pulang-pula na rin ito sa kakakusot niya.

"G-Gusto ko nang bumalik ng Maynila, Panyeng. May pantawag ka ba r'yan?" Pinilit niya ang sarili niyang huminahon kahit naiiyak pa rin siya sa t'wing masasagi ng isip niya iyon. Tumango na lamang si Panyeng at nagtungo sa tokador at doon kinuha ang cellphone nito. Iniabot nito sa dalaga. Mayroon namang signal doon sa mansyon ng mga Balbuena kahit dalawa lang. Malapit kasi sila sa boundary kung saan naroon ang mga may kalakihang pump boat papuntang Negros.

Una niyang naisip ay ang matalik niyang kaibigan na si Dee. Kabisado niya naman ang numero no'n kaya agad niya nang t-in-ype sa cellphone screen ang numero ni Dee. She pressed the dial button. Huminga siya ng malalim at umaasang hindi abala ang kaibigan sa mga oras na iyon. Nagri-ring ito ngunit walang may sumasagot. Tinawagan niya ulit at sa pangatlong ring, ay sinagot na iyon ni Dee.

"Hello? Sino 'to?" Rinig niyang kakagising pa lang ng kaibigan dahil nga halata sa boses nito. Suminghap siya ng hangin bago magsalita.

"S-Si Dionne 'to, Dee."

"Oh my gosh! Sorry talaga kung napag-iwanan ka namin ng mga kasama natin diyan. Nasa'n ka ngayon? Hinahanap ka na ng Mama't Papa mo, Dionne. T-Tawagan ko ba sila after this? Kumusta ka r'yan? Ayos ka lang ba, ha? Sumagot ka naman, Dionne. Nag-aalala na kami rito," ngumisi naman siya sa mga tanong at litanya ng kaibigan. Para ba naman siyang baliw na umiiyak tapos tumatawa.

"O-Okay lang ako," she was forcing herself to be good, even though she's not. Parang maiiyak pa rin siya pero pinipigilan niya lang. Tumingin naman siya sa gawi ni Panyeng at sinenyasan niya ito na lumabas muna saglit. Sumunod naman ito at lumabas na ng kuwarto. Huminga siya ng malalim. She was trying to compose herself to be okay. Kaya mo iyan, Dionne. Ikaw pa!

"D-Dee?" Mukhang naiiyak na nga siya at bigla niya na lamang naisip iyong nangyari sa bodega malapit sa hardin ng mga Balbuena.

"D-Dee, masakit. Ang sakit sakit." Aniya't humagulhol na ng iyak sa kaibigan.

Lost In Paradise (HSS: Dionesia)Where stories live. Discover now