ARZI
R18"Tumatawag si Major saglit lang, Hegel." Aniko bago tumayo.
"Ayaw ko." Pagtanggi niya sabay hila sa palapulsuhan ko para bumalik ako sa pagkakaupo sa hita niya.
Napanguso ako. "Kailangan ko sagutin ang tawag…"
"Tsk." Umirap siya tsaka tamad na tamad na inabot ang cellphone ko sa lamesa.
Pinanood ko siyang gawin iyon. Siya ang pumindot ng answer button tsaka iyon nilagay sa bandang tainga ko. Hinawakan ko ang cellphone para ako na ang humawak niyon pero hindi niya inaalis ang kamay niya kaya hinayaan ko na lang siya ang mag hawak ng cellphone ko.
"Major?"
["Ano na namang katangahan ang ginagawa mo diyan, Arziana?"] Iyon agad ang binungad niya sa akin. Tunog galit pa ang tono ng pananalita.
Napalunok ako. "Ah kasi po–"
Natigilan ako nang biglang alisin ni Hegel ang cellphone sa tainga ko para itapat iyon sa tainga niya.
"Hey," Ani Hegel. Kunot pa ang noo.
"Hegel…" nag-aalalang sambit ko dahil baka kung ano ang sabihin niya.
Ngumisi ito sa akin bago ako mabilis na dinampian ng halik sa labi.
"It's Hegel. Yeah, yeah, what about Justin? No. I'm still gonna marry your daughter. Yes, uuwi kami sa friday. The wedding is still on, Major." Nangunot na ang noo nito.
Sumulyap siya sa akin. Kinakabahan na ako dahil baka pinag-uusapan na nila ang tungkol sa tawag ni Senador Fuentes sa kanila. Baka nga pinag-iisipan na ni Major na ipakasal sa akin si Justin. Ayaw ko sa kanya ikasal!
"Pag-uwi namin ikakasal kami. Stop calling her. Bahala ka na mag-isip diyan." Aniya tsaka pinatay ang tawag.
Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Nilapag niya ang cellphone ko sa table niya. Aabutin ko sana iyon pero nilayo niya iyon sa akin.
"Bakit mo naman ginawa iyon kay Major?"
"I didn't do anything, Arziana."
Sinimangutan ko siya. "Anong wala? Pinatayan mo siya ng tawag, Hegel. Sinabihan mo pa siya na huwag na tumawag sa akin. Magagalit–"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya na naman ako sa labi. Imbes tuloy na kiligin ako naiinis ako sa kanya. Paulit-ulit niya iyong ginagawa. Dinadampian niya ako ng halik sa labi tapos ngingisi pa pagkatapos.
"Galit ka pa rin? Kiniss na kita, ah?"
"Dinadagdagan mo lang ang inis ko sayo, eh. Alam mo naman kung paano magalit si Major. Galit na 'yon sa akin."
"Galit din ako sa kanya."
Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya. Nasabi niya na iyon kaya hindi ko na mababawi pa iyon kay Major. Kung galit siya sa akin, tatanggapin ko na lang talaga iyon.
"Totoo ba talagang magpapakasal ka sa akin?' tanong ko.
"Yes." Tumango siya pero mayamaya ay napakunot ang noo. "Teka nga, bakit ikaw ang nagtatanong niyan? 'di ba dapat ako dahil ikaw 'tong may Justin at Liam?"
"Wala lang naman sila sa akin, Hegel. Si Justin mabait siya pero hindi ko naman siya gusto pakasalan. Si Liam naman nag propose na siya sa akin dati–"
"What?"
"Si Liam nag propose na siya sa–"
"I heard you, Arziana. You don't have to repeat it." Nagsusungit niyang sabi.
BINABASA MO ANG
War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETED
ActionIn the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so happy being part of it. Coming from a family of soldiers, she had no choice but to join the army even...