Kabanata 33

1.2K 27 21
                                    

ARZI

Wala sa sarili akong lumabas ng mansyon at dumiretso sa kotse ko. Hindi ko na nagawang indahin ang natamo kong tama ng baril sa braso dahil bukod sa namamanhid na ang balikat ko namamanhid na rin ang buong katawan maging ang puso ko.

Nakita ko sa side mirror na humabol sa akin si kuya Zandriel kaya agad kong pinaandar ang kotse ko at pinaharurot iyon paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pagod na pagod ang katawan ko. Pagod na pagod din ang isip at puso ko.

Gusto ko lang naman mamuhay ng normal pero bakit ganito ang nangyayari?

Natagpuan ko na lang ang sarili ko dito sa labas ng bahay ni Hegel. Pumarada lang ako dito sa labas ng gate. Yumuko ako dito sa manibela at umiyak nang umiyak. Sobrang sakit sa puso. Parang hinati sa maliliit na piraso ang puso ko.

Paano nila 'to nagawa sa akin? Anong kasalanan ko sa kanila para gawin nila 'to sakin?

Inangat kong muli ang ulo ko. Napatingin ako sa front mirror para tignan ang itsura ko. Magang-maga ang mga mata ko. May tuyong dugo ang ilang parte ng pisngi ko. Yung braso ko naman kanina pa tumutulo ang dugo pero hindi ko na iyon maramdaman.

Pagod na pagod ako. Gusto ko magpahinga.

Napabuntong hininga akong nagpunas ng luha. Nag-angat ako ng tingin sa veranda ng bahay pero halos lumabas ang puso ko sa katawan ko nang makitang nakatayo doon si Hegel habang nakatanaw sa akin.

Muli na namang namuo ang luha sa mga mata ko nang magsalubong ang tingin naming dalawa. Ngayong nakikita ko siya mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit ng sobra. Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko.

Gusto kong magpakampi kay Hegel.

Napapahikbi kong pinatay ang makina ng kotse bago bumaba. Nakasunod lang ang tingin niya sa akin habang walang imik akong umiiyak na naglalakad papasok sa bahay.

Dumiretso ako sa taas para puntahan si Hegel. Yung suot ko kanina nung pinatay ko si Mr. Buentura suot-suot ko pa rin ngayon. Puno ng dugo ang mga kamay ko. Hinang-hina ako pero pinilit ko pa rin maglakad papalapit kay Hegel na walang imik na nakatayo sa veranda habang naghihintay sa pag lapit ko.

"Hegel…" nabasag ang tinig ko.

Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak nang salubungin niya ako ng mahigpit na yakap. Tuluyan na rin akong nawalan ng lakas mabuti na lang yakap-yakap ako ni Hegel kaya nasalo niya ang bigat ko.

Daig ko pa namatayan kung makaiyak. Sinisigaw ko na ang sakit na nararamdaman ko at hinahayaan lang ako ni Hegel gawin iyon. Nakayakap lang siya sa akin ng mahigpit.

"Mga hayop sila!" Sigaw ko. Halos mahirapan na akong sabihin iyon dahil sa matinding pag-iyak. Tumitig ako sa mga mata ni Hegel. "M-Mga halimaw sila…" nagsusumbong kong sabi.

"What did they do to you?" Tanong niya. Nananatili pa rin ang kalmadong tono.

Hindi ako nakasagot. Umurong bigla ang dila ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak habang titig na titig sa mga mata niya.

Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko hanggang sa bumaba ang tingin nito sa braso kong kanina pa walang tigil sa pagdudugo.

Ang kanina niyang kalmadong reaksyon ay biglang nandilim ngayon. Hinawakan niya ako sa braso at galit akong tinignan.

"Who did this to you?!" Tanong niya, halos mapainda ako sa sakit dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Hegel," pilit kong inalis ang kamay niya. "Masakit…"

Binitawan niya iyon nang marealize ang sinabi ko. Umigting ang panga nito at gigil na ngumiti.

"I'm gonna make them pay for hurting you!" Aniya at nilagpasan ako.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon