Kabanata 15

3.7K 61 6
                                    

ARZI

Hindi na kami dumaan sa bahay para makapag palit ako ng suot dahil ginawan nalang ni Hegel ng paraan ang stain sa likod ng dress ko. Nilagyan niya iyon ng alcohol at pinunasan ng wipes. Mabuti nalang talaga natanggal iyon. Konti lang naman din iyon at maliit kaya madali lang din iyong natuyo.

Hawak-hawak niya ang kamay ko nang lumabas kami ng opisina niya. Dahil halos hapon na marami na ang sundalo na narito sa labas at sa field. Napapalingon sa amin ang ibang narito. Ang iba naman nagbubulungan at yung iba inaasar pa si Hegel.

Nagkasalubong namin dito sa hallway ang mga kasamahan ni Hegel. Mukang wala pa nga sa mood si Aera dahil nag-aaway na naman sila ni Evans ngayon. Si Bullet at Miggy naman ginagatungan pa ang dalawa.

"Bossing!" Kumaway sa amin si Miggy.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Hegel sa kamay ko nang makalapit ang apat sa amin.

"Hi…" mahinang bati ko sa kanila.

Nagmamadaling lumapit sa akin si Miggy at may binulong. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Hegel habang nakatingin sa amin pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin.

"Ano, Boss Madame? Umamin na ba si Bossing sayo?" Bulong niya.

Nanlaki ang mata ko. Lumingon ako kay Hegel na ngayon ay masama ang tingin sa aming dalawa. Nahihiya tuloy akong nag-iwas ng tingin at sinenyasan si Miggy na manahimik na lang muna.

"Anong secret 'yan?" Tanong ni Aera, nagpapalit-palit pa ang tingin sa amin ni Miggy.

"Huwag kang chismosa, Aera!" Asik ni Miggy sa kanya.

"Aba fuck you ka talagang siraulo ka, ah!" Nagagalit na sabi ni Aera sa kanya.

Nagtawanan tuloy si Bullet at Evans. Si Hegel naman mukang hindi natutuwa sa amin dahil masama pa rin ang tingin nito.

"So you have a secret now?"

Tumaas ang kilay ni Hege kay Miggy kaya nagtago si Miggy sa likod ko.

"Boss Madame, oh…" nagpapakamping aniya.

"Balak mo pa atang agawan ng fiancée si Captain, Miggy ah?" Nambibintang na sabi ni Evans.

"Ulol, hindi!" Tanggi agad ni Miggy. Umalis ito saglit sa likod ko para sana lapitan si Evans pero natigilan din nang makitang nasa kanya pa rin nakatingin ng masama si Hegel. "Itong si Evans parang bobo!"

"Just admit it, Miggy. What secret do you hide from our Captain?" Si Bullet naman ang nag salita.

"Wala," ako na ang sumagot.

Pare-pareho silang napatingin sa akin.

"Tsk. 'yan ka na naman, Arziana." Ani Hegel.

"Wala naman talaga, Hegel." Pagsisiningaling ko. Hindi ko gustong malaman niya ang tinanong sa akin ni Miggy. Nakakahiya iyon ng sobra!

"Captain Sagrado!" Boses iyon ni Liam sa likod nila Bullet. Nanggaling ito sa field at patakbong lumalapit sa amin.

"Isa pa 'to." Rinig kong sabi ni Hegel habang nakatingin din kay Liam.

"Sino 'yan?" Tanong ni Aera.

"Kakilala ko sa San Diego. Pareho kami ng pinapasukan na kampo." Sagot ko.

Nang makalapit ito sa amin dumiretso ito sa harap ko.

"Buti nandito ka pa may sasabihin sana ako. Can we talk? Saglit lang." Ani Liam.

"Don't tell me sasabihin mo rin na ikaw na ang bagong fiance ni Captain Arziana?" Singit ni Bullet, natawa pa.

"Ekis 'yan! May Justin pa nga may bago na naman?" natatawang sabi ni Miggy dahilan para magtawanan ang mga kasamahan niya.

War Of Destiny (Military Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon