18

6.1K 88 4
                                    

#TheBrokenMansGame

IKALABING-WALONG KABANATA: IKAW AT AKO


(WARNING: RATED SPG... CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS... STRONG PARENTAL CONTROL IS ADVISE... THEME: SEX)

"Ah Sir... ay este... Harold... Hindi naman ito ang daan papuntang kumpanya mo huh... Saan tayo pupunta?" tanong ni Anton kay Harold. Nakaupo ito sa passenger seat ng kotse habang si Harold naman ang nagda-drive. Ito kasi nag nagpresinta na mag-drive ngayon.

Napalingon sandali si Harold kay Anton at kaagad ring ibinalik ang tingin sa daan.

"Basta..." sagot ni Harold sabay ngiti.

"Pero... Hindi ka ka ba ngayon papasok sa opisina?" tanong pa ni Anton. Akala niya kasi ay papasok ito ng opisina dahil sa nakasuot naman ito ng corporate attire.

Napailing-iling si Harold. "Hindi... Huwag kang mag-alala, nakapag-paalam na rin naman ako na hindi muna ako makakapasok ngayon... Si Henry na muna ang bahala doon..." sabi ni Harold.

Hindi na lamang muli nagsalita si Anton. Tumingin na lang ito sa labas ng bintana.

Naramdaman ni Anton na biglang hinawakan ni Harold ang kanang kamay niya gamit ang kaliwa nitong kamay. Napatingin siya dito. Nakangiti ito sa kanya.

"Gusto kong maging malaya tayong gawin ang mga nais natin... Gusto kitang masolo ngayon kaya... Magde-date tayo..." sabi ni Harold.

Nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Anton dahil sa pagtataka.

"Date? Kailangan pa ba nating gawin iyon?" tanong ni Anton.

Tumango si Harold. "Oo naman... Normal lang naman sa mga magkasintahan di ba na mag-date? At ngayong magkasintahan tayong dalawa... Gusto ko na mag-date tayo. Kahit hindi naman tayo normal na magkasintahan sa paningin ng iba... Para sa akin... Normal pa rin tayo at pwede rin nating gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga babae at lalaki na nagde-date... Kagaya nitong gagawin natin..." sabi ni Harold at nakangiti.

Napangiti na lang rin si Anton. Pinisil nito ang kamay ni Harold na nakahawak sa kanyang kamay. Nakatitig siya sa mga mata nito.

'Dapat ko na nga bang kalimutan ang lahat at sundin ang itinitibok at isinisigaw ng puso ko? Dapat ko na nga bang kalimutan ang nais kong paghihiganti sayo? Dapat ko na nga bang tanggapin sa sarili ko na ito na ang kapalaran ko? Ang umibig sayo ng tuluyan?' mga tanong ni Anton sa kanyang isipan.

"Baka naman matunaw ako sa titig mong 'yan..." sabi ni Harold ng hindi nakatingin kay Anton pero nakangiti.

Napangiti si Anton. "Hindi ko naman hahayaan na matunaw ka..." sabi ni Anton.

"Pero nakakatunaw naman kasi ang titig mo kaya hindi ko maiiwasang hindi ako matunaw..." sabi ni Harold.

"Eh di hindi na kita tititigan... Baka mamaya malusaw ka pa... Mawawalan pa ako ng boyfriend..." sabi ni Anton.

Bahagyang natawa si Harold. "Alam mo... Hindi bagay sayo magsalita ng ganyan... Lalaking-lalaki kasi ang itsura mo tapos..."

"Ano naman kung lalaking-lalaki ako? Eh sa ito ang gusto kong sabihin sayo..." sabi ni Anton ng may ngiti sa labi. "Ikaw nga diyan... Lalaking-lalaki ang itsura mo pero napaka-sweet mo pagdating sa akin... Dapat sweet ka pagdating sa babae..." sabi pa nito.

"So gusto mo... Mas sweet ako sa babae kaysa sayo?" tanong ni Harold.

Napangiti si Anton. "Hindi ah... Siyempre mas gusto ko na mas sweet ka sa akin at wala ng iba pa..." sabi ni Anton.

THE BROKEN MAN'S GAME [UNCUT!](PRIVATE CHAPTERS)Onde histórias criam vida. Descubra agora