29 [FULL EPISODE]

4.6K 87 5
                                    

#TheBrokenMansGame

IKADALAWAPU'T SIYAM NA KABANATA

Mag-isang naglalakad sa gilid ng daan si Anton. Pauwi na siya ng bahay. Nasa loob ng kaliwang bulsa niya ang kaliwang kamay nito habang bitbit naman ng kanang kamay niya na nakapatong sa kanyang kanang balikat ang bagpack na kanyang dala-dala.

Napatingin si Anton sa kalangitan. Malalim na ang gabi. Napangiti siya ng makakita ng mga nagkikislapang mga bituin na nagkalat rito. Bigla niyang naalala si Harold. Pakiramdam niya kasi, si Harold ang bituin sa kanyang buhay, nagbibigay kinang at liwanag sa palagay niya'y boring niyang buhay.

Bumalik ang tingin ni Anton sa nilalakaran. Muli na naman siyang napangiti ng maalalang tinanggap ni Harold kanina ang kapeng ibinigay niya rito. Ang kape na siya mismo ang nagtimpla. Sigurado siya na natikman nito hindi lang ang sarap ng timpla ng kape niya kundi pati ang kalakip na pagmamahal na ibinuhos niya rin doon. Pakiramdam tuloy niya, para siyang isang teen-ager na sobrang saya kasi tinanggap ng crush niya ang regalo niya.

Biglang napalingon si Anton sa kanyang likuran. Wala naman siyang nakitang tao na naglalakad maliban sa kanya. Napailing-iling siya at itinuon muli ang paningin sa dinaraan. Guni-guni niya lang siguro iyon. Pakiramdam kasi niya, may sumusunod sa kanyang paglalakad.

Nagpatuloy lamang sa paglalakad si Anton. Hindi naman siya natatakot na siya lamang ngayon ang naglalakad. Hindi naman ganun kadilim sa lugar na nilalakaran niya dahil maraming street lights na rin siyang nalalagpasan na siyang nagbibigay liwanag sa daan.

Lilingon na sana muli si Anton sa likuran dahil talagang nakakaramdam siya na may sumusunod sa kanya ng biglang...

BOOGSHHH!!

Isang palo ng isang matigas na bagay ang kanyang naramdaman na pumalo sa bandang batok niya kaya naman halos mapaluhod siya sa sakit nun. Naibagsak niya tuloy sa lupa ang dalang bagpack at napaluhod siya sa lupa.

Titingin na sana siya sa kung sino man ang pumalo sa kanya ng bigla namang may tumadyak na malakas sa kanyang katawan mula sa harapan kaya napahiga naman siya sa lupa. Namimilipit na nga sa sakit ang kanyang likuran, pati ang harapang bahagi ng katawan niya ay nasaktan na rin. Napapikit tuloy siya ng mga mata dahil damang-dama niya ang sakit.

Ididilat na sana niya ang kanyang mga mata ng may biglang dumagaan sa kanya at isang suntok sa mukha at naramdaman niya. Doon ay napadilat siya, nakapalibot sa kanya ang tatlong lalaki na hindi niya kilala kung sino. Mga mukhang sanggano sa kung saan. Nakita niya ang isa na may hawak pang tabla na kahoy na siya yatang pinampalo sa kanya. Malalaki ang mga katawan ng mga ito at mga walang mukha, in short, mga panget.

Itutulak niya sana ang lalaking nakadagan sa kanya para makatayo siya at makalaban na rin ng bigla muli siyang suntukin nito sa mukha. Halos mapaliko ang mukha niya sa kaliwang bahagi dahil sa lakas ng suntok sa kanya nito. Malalaki kasi ang mga katawan kaya mukhang hindi rin niya kakayanin na labanan ang mga ito. Mag-isa lang siya, tatlo ang kalaban niya.

Pinilit niyang itinulak ang lalaki na nakadagan sa kanya at nagtagumapy naman siya na maitulak ito ng malakas kaya napahiga rin ito sa lupa. Tatayo na sana siya para lumaban rin kahit papaano ng biglang may tumadyak naman sa likuran niya na naging dahilan para naman masubsob ang harapang bahagi ng katawan niya sa lupa. Nararamdaman na rin niyang may dumadaloy na dugo mula sa gilid ng kanyang labi.

Hindi pa nakuntento 'yung sumipa sa kanya ng bigla na naman siya muli nitong tinadyakan kahit na nakasubsob na siya sa lupa. Isang tadyak pa muli. Halos hindi na tuloy niya magamit ang natitira pa niyang lakas para lumaban.

Pamaya-maya, biglang may humawak sa collar ng suot niyang puting polo na hindi na maputi dahil sa sobrang dumi na niya at halos masakal siya dahil bigla nitong hinila nag collar para makatayo rin siya. Ngayon, nakatayo siya habang nakahawak naman sa collar niya ang lalaking may hawak ng tabla na kahoy. Nakatingin ang mga galit nitong mata sa kanya at nakangisi.

THE BROKEN MAN'S GAME [UNCUT!](PRIVATE CHAPTERS)Where stories live. Discover now