CHAPTER 21.

317 5 0
                                    

CHAPTER 21.

Tahimik lamang ako habang pinagmamaneho ako ni kuya dan.

"Baka mabastos ka diyan sa suot mo masiyadong maikli" saad nito sa akin na kinakunot nang noo ko.

"Hindi naman maikli yan okay lang naman tiyaka wag kanang magsalita okay I don't want your opinion lalaitin molang naman ako" masungit kong saad.

"Ang sungit.. Porket ang ganda ganda" nakangising saad nito sa akin inirapan kolang siya.

Nang makarating na ako sa mansion ni summer kung saan gaganapin ang birthday party niya ay nalula talaga ako.

Maraming nakaparadang magagarang sasakyan na halatang galing sa mayayaman.

At kahit nasa labas pa ako ay kitang kita kona ang mga lights sa loob tumatagos pa ito sa labas rinig korin ang music galing rito.

Nagmadali akong pumunta sa gate at hinarangan ako nang guard.

"Invitation card ma'am?" Saad nito sa akin.

"Here" ngiting saad ko sabay bigay sa kaniya ang invitation card tumango ang guard at pinapasok.

Pagkapasok ko sa mansion ay medyo nangangapa pa ako kung saan ako pupunta.

Ang daming mayayaman na tao tela kamag-anak ni summer meron ring mga classmates namin at mga galing sa school.

Luminga linga ako para hanapin sila summer at winna pero hindi ko sila mahanap.

Ngumuso ako nang mag beep ang phone.

Winna:

Asan kana?

Agad naman akong nagreply.

Pinky:

Nasa pintuan palang.

Winna:

Okay puntahan kita diyan.

Naghintay ako nang ilang minuto hanggang sa makita kona si winna with her long fitted dress.

She look gorgeous.

Nang makita niya ako ay dali dali siyang lumapit sa akin.

"Tagal mo naman kanina kapa hinahanap ni summer" saad nito sabay hila sa braso ko

Medyo madaming tao kaya nababangga namin ang iba.

Agad naman kaming nakarating sa paround na mesa at may limang upoan.

Nakita ko doon si summer na nakaupo with a man beside her may isa pang lalaki na hindi ko kilala.

"Summer andito na si pinky" saad ni winna na kinatingin sa akin ni summer.

"Ahhhh, my friend buti pinayagan ka" saad nito sabay lapit at yakap sa akin.

"Happy birthday ang ganda mo" ngumiti ako.

She wore a blue ball gown with Cleavage may pacrown pa sa tuktok nang ulo.

Napakasavage niyang tingnan pang Disney princess ang atake.

"Ayy nako alam konayan salamat ikaw nga ang ganda mo eh" balik nitong puri sa akin.

"Hindi kaya" ngumuso ako.

"Sige na umupo kana by the way kilala mona ba ang dalawang lalaking yan?" Saad nito sa akin umiling naman ako.

"Yang katabi ko kanina boyfriend ko si Jeo ang isa naman ay si Drake boyfriend ni winna" saad nito sa akin.

"Hindi niyo naman ako ininform na required pala magdala nang boyfriend" saad ko sa mga ito nang-aasar lamang silang ngumiti.

"Akala mo naman may madadala ka wala kangang boyfriend" saad ni summer sabay humagikhik inirapan kolang siya tiyaka umupo.

Adopted By A Dangerous MafiaWhere stories live. Discover now