KABANATA 58

1.3K 27 0
                                    

The Secluded Trails of Deceit
written by : riyanisity


I carefully went inside, only to find him sitting on the wooden floor while both of his arms, including his head, were lying down on the coffee table. Hindi mabilang na bugkos ng mga papel at dokumento ang nasa paligid niya — mula sa itaas ng lamesa, sa mahabang upuan na kaniyang sinasandalan, maging sa ilang parte ng sahig kung nasaan siya.

"Draven..?" I placed all my things on the single couch before I approached him — kneeled by his side. Maingat kong nilipat ang ibang readings niya na nasa lapag at nakapagitna sa'ming dalawa, paakyat sa upuan, bago ko siya kalabitin sa kaniyang braso. "Hey, wake up. Let's go to your room."

His forehead creased when I began tapping his shoulders with my fingertips. "Hmm..."

"Magkakasakit ka rito — malamig 'yong sahig. Tara na, lumipat ka na sa kama."

At first, he remained stubborn. Mas binaon niya pa nga ang kaniyang mukha sa magkakrus niyang siko para iwasan ako. So, I had no choice but to try my best to make him sit down straight. Hinihila ko ang siko niya, inaalog ko ang braso niya, at binubuhat ko paitaas ang ulo niya para magising siya kahit papa'no.

It took a while for me to succeed and for him to finally open his eyes. Nang saglit na nagtama ang tingin naming dalawa, do'n pa lamang siya gumalaw para yakapin ako. Ngayon, sa leeg ko na nakabaon ang kaniyang mukha at katawan ko na ang sumasalo sa bigat niya.

I sneaked my hand in between and held his forehead with my palm. Hindi ko na napigilan pa ang pagkunot ng noo ko nang kaagad na dumampi at dumikit ang init ng balat niya sa'kin. "You're burning hot. What the hell, Draven?"

"Ayos lang ako." He rubbed his eyes, cheek, and even his nosebridge on my skin, "Itutulog ko lang 'to." namamamos na nga ang boses niya ngunit nagawa niya pa ring sabihin 'yon sa'kin.

"That won't do. Come on; lift yourself." I stood up, which made him do the same thing despite his wobbling and weakened knees. "I brought you a soup and some medicine."

Dahil ayaw niyang kumawala sa pagkakayakap sa'kin, kaya naman ay halos mahirapan din kami sa paglalakad papunta sa mga gamit ko. Hindi pa nakatulong ang bigat ng katawan niya na nagpabagal sa'min.

He let out a dry cough. "Anong araw ngayon?"

I picked the paper bag, which contains the prep beef-meat soup, "Wednesday." sagot ko bago naman kunin ang maliit na plastic na may mga lamang gamot sa loob ng bag ko.

"Then you have a class — from morning to night." Lumayo siya nang kaunti, hinawakan ang magkabilang braso ko, at tinitigan ako nang maiigi. "Why are you here?"

"Why do you have to ask? That's not even important." I shoved his hands away before I pulled his left wrist. Kaagad ko siyang hinila paalis do'n at papasok ng kwarto niya. "Anong klaseng girlfriend ako kung hindi kita aasikasuhin ngayong may sakit ka, diba?"

"Ha..? Pero—" Pinagsaklop niya ang kamay naming dalawa, "Bakit ka ba nandito..?" tanong niya habang sinusubukan akong iharap sakanya.

I rolled my eyes. "Just shut up and let me be."

"Teka—" He halted on his spot, froze down on the ground, and pulled himself back from me, which made me face him entirely. Kahit halatang bibigay na dahil sa kaniyang pamumutla, nagawa niya pa ring tumayo nang maayos sa harapan ko. "Kaya ko naman ang sarili ko, Chantria. Hindi mo 'ko kailangang alagaan."

My forehead creased at him. "Don't fucking argue with me now, Draven. I have stuff to settle to after this."

"Wala naman akong sinabing unahin mo 'ko. Kaya nga hindi ko rin pinaalam para hindi ka na pumunta pa rito."

THE SECLUDED TRAILS OF DECEIT '. ruler of fate series l first bookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon