(Chapter 27)
WARNING:
This chapter contains intense scenes that may be disturbing to some readers. Reader discretion is advised. If you are sensitive to themes of trauma and violence, you may want to proceed with caution.Nakatayo ako habang nakatingala sa kalangitan, ang hangin na dumadaloy sa'kin ay tila may dala-dalang alaala. Napatigil ako nang may biglang lumapit at sinamahan ako sa gilid. Nakangiti siya habang tinanaw na rin ang kalangitan.
"Masaya akong makilala ka, Miss Katarina." Ngiti ni Manong Antonio sa'kin.
Ang kanyang masiyahing ngiti ay parang liwanag na hindi na muling masisilayan. Sa isip ko, naririnig ko pa ang kulitan, tawanan, at masiglang tawa na umuukit sa hangin, na hindi ko na ito muling maririnig pa.
"Magtagumpay man kayo sa laban na ito, tandaan mo na suportado pa rin ako sa inyong pagmamahalan ni Sir Primo."
Unti-unting natunaw si Manong Antonio sa harapan ko. Walang kurap akong nakatitig sa kanya, hanggang sa bigla na siyang naglaho at sumama sa hangin. Nadurog bigla ang puso ko, na realize ko na din kung gaano kahalaga si Manong Antonio sa'kin. Ngunit ngayon, sa gabing ito—
P-Patay na si Manong Antonio.
—
Puno ng dugo ang sahig. Ang mga gwardya naman ay kinuha ang katawan ni Manong Antonio, na para bang isang bagay lamang na walang halaga. Nakatago kami sa dilim, nakaluhod habang tinanaw ang nangyari sa pamamagitan ng maliit na butas, ang mga daliri ko ay nakadikit sa bibig, sinisikap na pigilan ang bawat hikbi. Randam ko din ang panginginig ng mga kasama ko, ang kanilang mga mata ay puno ng takot, pilit na tinatakpan din ang kanilang bibig upang hindi marinig ng dalawang gwardya na nakatago kami dito.
"Wala dito si Miss Freyana," saad ng isang gwardya sa taong nasa labas ng pintuan na hindi namin masyadong namukhaan. May isa pa silang kasama na hindi ko pa nakikita. Nakatayo ito sa labas ng pintuan, habang nakikipag-usap sa dalawang gwardya na pumatay kay Manong Antonio.
Napatingin kami sa isa't isa ni Freyana. Talagang wala na silang ibang hahanapin pa kundi si Freyana lamang. I could see the fear etched across her face, pinagpawisan na din siya dahil sa nangyayari. Gusto kong sumigaw at labanan itong mga gwardya, pero pinipigilan ako ni Joaquin magmula kanina pa. Wala kaming laban dahil may mga armas sila.
Lo siento, Manong Antonio. Wala man lang kaming ginawa.
"Paano na ang bangkay?" tanong naman ng isa pang gwardya sa misteryosong lalaki.
Unti-unting lumapit ang taong nasa pintuan, dahan-dahan din namin itong naaninag sa maliit na butas. Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang pangatlong tauhan na kasabwat ng dalawang gwardya. Napanganga din ang mga kasamahan ko nang makita siya habang kaharap sa dalawang gwardya na hawak ang katawan ni Manong Antonio. Para akong binuhusan ng malalim na tubig nang makita ko ang lalaking hindi ko inaasahan.
B-Bakit? Bakit siya pa?
"Sir Elio! Paano na ang bangkay?" H-hindi ito maaari...
Si Elio ay kasabwat din nila!
"Ano pa nga bang gagawin? Sunugin ninyo ang katawan." Utos ni Elio sa dalawang gwardya.
Bigla akong nanghina at hindi alam ang gagawin. Ang sakit sakit na! Lalo na't marinig ang utos na 'yon galing sa kanyang bibig. B-Bakit si Elio pa?
BINABASA MO ANG
The Girl Who Dared to Dream (The Girl Series 1)
FantasySi Katarina Leponzzi ay isang kilalang manunulat na tanyag sa kaniyang ongoing novel na "Young Hearts," umiikot ito sa kwento ng tatlong magkaibigan na sina Freyana Yuzon, Primo Velarde, at Elio Velarde. Nagkahiwalay sila noong mga bata pa, nang lum...