Chapter 14

1.7K 80 30
                                    

Bossing

"Strawberry Milk?"

Tumingala ako sa taong naglahad ng strawberry milk sa harapan ko. Nginitian ko siya at kinuha ang strawberry milk na nasa kamay niya. Umupo siya sa tabi ko at humiga, natawa naman ako sa ginawa niya.

We're now having a 30-minute break, kaya naman naisipan ko muna umupo. Ni-retouch na din ni Luna ang mukha ko kaya umalis na siya kani-kanina lang, busy daw kasi siya sa pangunguha ng mga autograph ng mga artista.

Sila Eliana ay bumalik muna sa van niya kasi may kakausapin daw siya. Inasar ko pa nga siya kasi baka boyfriend niya yung tumatawag, pero itinanggi pa, mama niya daw.

Sila Isaac at Felix naman ay nasa coffee shop malapit dito sa school. Yung dalawa talaga na 'yon mahilig sa kape, kaya laging hyper. Niyaya pa nga kami, kaso sabi ko ayoko, gusto ko munang mamahinga dito sa puno na nakita ko kanina habang nagsho-shooting kami.

Ang aliwalas dito at ang linis. May small pond pa nga sa gilid nito. Ang linis ng tubig kaya kita ko talaga yung mga isda na lumalangoy. Hindi rin masyadong mainit dito sa ilalim ng puno, ang presko.

Hindi ko nga alam dito kay Seb bakit hindi sumama sa dalawa niyang kaibigan. Sabi niya may bibilhin lang siya. Hindi naman niya sinabi na strawberry milk lang pala ang bibilhin niya.

Hindi ko alam na mahilig din siya dito, no'ng nakaraan kasi banana milk.

About the shooting, we already shot some scenes inside the classroom, corridors, and gymnasium. Halos wala pa sa 30 minutes ng movie yung na-shoot namin. Nakakapagod pero nage-enjoy ako makatrabaho sila.

Ang saya nila kasama. Ang mga acting na ginagawa namin para sa movie ay parang natural, parang kung paano kami kapag hindi uma-acting.

Sa takot namin, except kay Seb na mayabang, na magkamali sa bawat scene, ang ending tuloy, wala pang retake at errors na nangyayari sa shooting. Mga takot din pala gumastos, lalo na yung dalawa, ayaw na ayaw manlibre, kaya ginagalingan sa acting.

Tumingin ako kay Seb, na nakapatong ang ulo sa kaliwang kamay niya habang ang kanan ay hawak ang strawberry milk at umiinom.

Natawa ako, kaya napatingin siya sa'kin.

"Why?" tanong niya.

Umiling ako at nagsimula nang inumin ang strawberry milk na binigay niya sa'kin.

"Do you have plans to go to the party later?" tanong niya.

Napaisip tuloy ako kung sasama ba ako sa party mamaya. Kasi nagyaya si Director na mag-party kami since it's the first day. Libre naman daw ni Director kaya maraming sasama, kasama din si Eliana, Felix, at Isaac.

Ewan ko lang sa isang 'to kung sasama.

"Hindi ko kasi alam kung saan."

"Hmm, if I heard them right, a Samgyupsal Restaurant."

"Tara, sama tayo."

Natawa naman siya sa sinabi ko. Bakit? Samgyupsal na 'yon! Matagal na akong hindi nakakain diyan, sana masarap yung kakainan namin. Pero kung ako papipiliin, mas masarap pa rin sa D'King Samgyupsal. Grabe, ang sarap ng enoki doon.

Parang masarap tuloy uminom ng soju habang kumakain.

"Ikaw ba, pupunta ka?" tanong ko sa kaniya. Umupo siya at hinagis yung walang laman na strawberry milk sa malapit na basurahan. Sinamaan ko siya ng tingin pero pumasok naman yung kalat sa basurahan.

Pero paano kung hindi, tsk.

"Yeah, if you're going, then I'm going," sagot niya habang nakangiti.

Napailing nalang ako sa sinabi niya. "Hindi naman pwede na kapag ako sasama, ikaw din."

Beyond the Spotlight (Fine Line Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon