Post
"Ano ba naman 'tong fyp mo, Seb," natatawa kong sabi habang pataas na kami ng floor sa elevator. Hawak ko ngayon ang cellphone niya dahil ako raw ang magvivideo sa kaniya. Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi kunin 'yong phone niya.
Naisipan ko na lang silipin ang TikTok account niya habang nag-aabang na makarating na sa condo ko.
Pero putek, ano ba 'tong mga napapanood ko? Puro Dinosaur theories.
Scroll ako nang scroll, tapos ayun, may video pang naghuhukay para makakita ng buto ng Dinosaur. Kanina lang, may animated na T-rex na naglalaban, T-rex versus T-rex. Hindi ko napigilang matawa.
Napatingin siya sa akin, natawa na rin. "Haha, why? I like Dinosaurs, they're cute," sagot niya.
Dinosaurs? Cute? Para mo na ring sinabing cute ang mga multo. Hayop.
Umiling na lang ako, tumango, wala naman akong magagawa kay Seb. Pero seryoso? Mahilig siya sa Dinosaurs? Ang random, 'di ko talaga in-expect.
Pagdating namin sa tapat ng condo ko, napahinto ako. "Where do you want me to film you?" tanong ko.
"Wherever you like," sagot niya. Kaya naman naghanap ako ng magandang lightning para mas okay ang kalabasan ng video. Pumili ako ng spot na hindi masyadong maliwanag pero hindi rin madilim, sakto lang.
"Ano palang kanta ang gagamitin mo?" tanong ko habang inaayos ang framing ng camera.
Hindi ko talaga alam, at hindi ko rin naman natanong sa kaniya kanina nung tinuturuan niya ako sa steps.
Kapag si Seb biglang mag-Chris Brown, papakalbo talaga ako.
Seryoso.
Pero syempre, biro lang.
Malay mo mag-Chris Brown nga, marami namang dancers na 'yun ang choice of song. Pero imagine, kung mag 'Wet the Bed' si Seb? Damn... parang hindi ko kayang isipin na si Seb, yung refined na Seb na 'to, eh kakaldag sa harap ko.
Teka, ang random naman no'n.
"Ah, I actually don't know the title of the song." Kumamot siya sa batok, halatang hindi rin siya sure. Kumunot na lang noo ko, medyo napailing. Typical Seb, hindi ko na nga alam kung bakit nagugulat pa ako.
Lumapit ako sa kaniya, tiningnan kung alin 'yung tunog na gagamitin. Kinuha niya ang phone niya, nag-scroll ng konti, tapos binalik sa akin ang cellphone. Pumwesto na siya, ready na para mag-start.
"Sign ka kapag ready ka na," sabi ko habang inaayos ko ang camera angle. Tumango siya at umayos ng pwesto, lumayo nang kaunti para mas sakto sa frame. Nang makita kong nag-sign siya, pinindot ko agad ang record button.
Habang nagvivideo ako, nakita kong nagsimula si Seb, hindi ko naman alam 'yung choreography no'ng sinasayaw niya kasi hindi naman niya pinanood sa'kin.
Pinanood ko naman ang bawat galaw ni Seb habang sumasayaw siya.
Seb led with a smooth sway of his hips, a playful energy pulsing through each step. His hands moved in sync, sliding effortlessly across his body, while his feet tapped the ground in quick, sharp motions.
The dance had a fun, bouncy rhythm, with each step seeming to echo the beat of the song.
But Seb made it look so easy, kahit hindi ko alam 'yung sayaw, pero base sa nakikita ko ngayon, hindi rin madali 'yung mga steps.
Pinapanood ko siyang gumalaw, trying to capture every angle nang maayos. He added a bit of a head nod, sabay galaw ng hips in sync with the beat. Hindi talaga nawawala yung sharpness ng bawat step niya. May ilang beses na napapalunok ako, hindi ko alam kung dahil sa galing niya o dahil siguro sobrang namamangha ako kay Seb ngayon.
BINABASA MO ANG
Beyond the Spotlight (Fine Line Series #1)
RomanceIt all began when the actor Elysian Raziel Villanueva was given the chance to get a role in the most anticipated movie, where he met Liam Sebastian Alvarez, his co-actor and the male lead, who made his life go beyond special or rather, beyond the sp...