Yvonne's POV
Nandito kami sa SM para bumili ng mga pagkain para kay Kristell. Nagpaiwan muna si Zahaira; ewan ko kung ano ang nangyayari sa kanya, parang wala sa mood. Ang hirap makita siyang ganito, pero alam ko na maraming naglalaro sa isip niya.
"Guys, anong gusto ni Kristell?" tanong ko sa mga kasama. "Kailangan maganda ang mood niya pag bumalik tayo sa hospital."
"Pizza!" sagot ni Alyanna, na palaging nag-iisip ng mga masasarap. "At saka ice cream! Para kahit papaano, makapagpasaya tayo sa kanya."
"Wag yan! Mas maganda kung healthy na pagkain, like this." Ipinakita ni Zielle ang mga prutas at nilagay niya ito sa cart. "Kailangan natin ng balance. Mas mabuti na may nutrients para mabilis siyang makarecover."
Tumango na lang kami.
Gusto kong mapasaya si Kristell, especially si Zahaira din. Sa aming magbabarkada, alam naming silang dalawa ang palaging may problema. Nakakalungkot nga lang kasi wala kami sa tabi nila tuwing may problema sila, tapos pag kami ay may problema, nandoon sila palagi para suportahan kami.
"King ina kasing Yohan na 'yon!" sigaw ko habang naglalakad kami sa SM, naiinis talaga ko sa Yohan na yon kung nandon lang ako nung time na ginawa niya yon sa kaibigan namin ay baka nasapak ko na siya! "Dapat lang na mapatalsik siya! Ang dami na niyang ginawang kalokohan!"
"Totally agree," sagot ni Alyanna, nakasimangot. "I can’t believe he had the audacity to mess with our friends like that."
"Yeah, it's so unfair!" sambit ni Raine. "Sana lang, umalis na siya ng tuluyan at hindi na bumalik."
"Ano, upakan na ba natin ang Yohan na 'yon?" nakangising tanong ni Kaivan, pero ngumiwi naman kami sa ideya.
"Don't," mariin na saad ni Shawn. "Kung gagawin natin 'yon, napatunayan rin ng Dean na tama siya sa sinasabi. Na masama nga ang gang natin."
"Exactly," dagdag ni Zeke. "We need to be smarter than that. Hindi natin kayang magpakita ng violence, lalo na ngayon. Kailangan nating ipakita na hindi tayo tulad ng inaakala nila."
"Yeah, we have to stay united and show them that we're better than that," sang-ayon ni Raine. "We can support Kristell and Zahaira in other ways."
"Like what?" tanong ni Alyanna
"Like organizing a small get-together o kaya, magdala tayo ng mga gifts sa hospital," suhestiyon ni Yvan "Let’s make it special for them."
"Good idea! That way, mas maiisip nila na nandito lang tayo para sa kanila," sagot ni Kaivan, kahit na medyo disappointed na hindi puwedeng makipag-away.
Tss mabuti ay naisip nila yan.
"Hmmmm, tahimik ka ata, Pareng Claude ah," sabi ni Zeke, napalingon kami kay Claude na mukhang deep in thought.
"Yeah, what's up? May problema ka ba?" tanong ni Alyanna, nag-aalala sa kanyang postura.
"Psh, wala, iniisip ko lang kung paano upakan yung Yohan na 'yon palihim," seryosong sabi ni Claude at sabay ngisi.
Napairap na lang ako.
Pagpasok namin sa room ni Kristell, nagulat kami ng maabutan namin ang mga classmate ni Zahaira.
"Yun oh! Wassup!" Tumakbo agad si Kaivan at nakipag-apiran dun kila... ano nga ba pangalan nila? Aish, yung Gab and Chad lang natandaan ko.
"Yieee! Yvan, si Gab and Chad oh!" Panunukso ni Farrah.
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
ActionDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)