CHAPTER 61

4 3 0
                                    

Ara's POV

Sa loob ng dalawang buwan palagi napunta sa bahay namin si Enzo dahi pinapapunta siya ni Lolo, ewan ko ba kay Lolo masyadong nasiyahan sa pakikipag usap kay Enzo, ito naman si Enzo kada-punta kinakabahan dahil nag-aalala daw siya kung anong pag-uusapan nila, natatawa na nga lang ako e.

Minsan pa, nagtatago ako sa likod ng pinto para marinig ang usapan nila. Laging seryoso ang boses ni Lolo habang si Enzo, kabado pero todo sagot naman sa mga tanong ni Lolo, kahit pinagpapawisan na. Natatawa talaga ako kasi halatang gusto na lang ni Enzo na matapos 'yung mga interrogation ni Lolo, pero sa tuwing papapuntahin siya ulit, andyan agad siya, hindi nagpapahuli.

One time, tinanong ko siya....

Flashback...

"Bakit ka ba pumapayag lagi, Enzo? Hindi ka pa ba nagsasawa kay Lolo?"

Tumawa siya, pero halatang alanganin. "Hindi, syempre. Eh, gusto kong mapatunayan sa kanya na seryoso ako sa'yo," sabi niya, sabay tingin sa akin na parang may halong kaba at saya. "Kahit medyo nakakatakot, worth it naman."

Napatitig ako sa kanya, bigla akong kinilig kahit pa natutuwa akong asarin siya. Hindi ko akalaing magiging ganito kalapit si Enzo sa pamilya ko—lalo na kay Lolo.

EndOfFlashback

"HERNANDEZ!"

Napaidtad ako sa gulat ng sumigaw si Miss Veroña, wala sa sariling napatayo ako at napakamot sa ulo, punyemas nakalimutan kong nagkaklase nga pala kami.

"Nakikinig ka ba Hernandez?" Galit na tanong ni Miss, dragona na siya huhu.

"Yes, Ma'am! Nakikinig po!" Medyo napalakas pa ata ang boses ko kaya natawa 'yung mga kaklase ko.

Tiningnan ako ni Miss Veroña ng masama. "Ah, talaga ba, Hernandez? Kung ganon, pakisagot nga 'tong tanong ko..." Sabay hawak niya sa libro at tumingin ng seryoso sa akin. Napalunok ako ng konti—patay, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan namin.

"T-Tanong po?" nauutal kong sagot, hoping na hindi naman sobrang hirap 'yung itatanong niya.

Umirap siya. "Sa susunod, makinig ka ha? Para hindi ka napapahiya." Napayuko ako sa hiya, pero hindi ko rin mapigilang mapahinga ng malalim. Buti na lang hindi nagtanong.

Bago ako tuluyang umupo, napansin ko si Enzo na nakatingin sa akin mula sa kabilang row. Nakangiti siya pero kita ko rin ang kunot sa noo niya, para bang nagtatanong ng "Ano nanaman ba 'yang ginawa mo?"

Nagpilit na lang ako ng ngiti pabalik at napakamot sa ulo. Hay naku, kung hindi lang kita gusto, hindi na talaga kita papansinin pagkatapos ng kahihiyang 'to. Umupo ako, iniwas ang tingin, pero hindi ko rin napigilan na mapangiti nang konti.

"Okay class, get 1/4! Quiz tayo!" anunsyo ni Miss Veroña, halata sa boses niya na seryoso siya.

Napakunot ang noo ko. Quiz? Hindi niya naman sinabi na may quiz! Napatingin ako kay Enzo, na mukhang kalmado pa rin habang may kinukuha sa bag niya.

"Good luck, VP," bulong ni Chad sa akin. Inirapan ko lang siya bago ako kumuha ng 1/4 na papel.

"So, class," panimula ni Miss Veroña habang nakatingin sa amin isa-isa, "I hope nag-review kayo, lalo na sa mga last lessons natin. Ang i-ququiz natin ay nayon natin na lesson at nakaraang lesson."

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now