CH-9 I Understand You... Seph

331 38 1
                                    

[SEE THE PICTURE/GIF ABOVE ^_^]



CHAPTER 9


SEPH's POV



"Seph, gising na. May pasok pa tayo."


Nagmulat ako ng mata nung narinig ko yung pagtawag sakin ni mama suho sa labas ng pintuan ko.


"Lalabas na mama suho."


Sinubukan kong bumangon pero parang nakaramdam ako ng sakit ng katawan. Ang init naman.


"A-ah aray!" pinilit ko ring bumangon pero nahilo ako bigla kaya napaupo ako sa kama ko.


"Sige Seph hintayin ka nalang namin sa kusina." Narinig kong lumakad paalis si mama suho.


Pinilit ko pa ring tumayo sa kabila ng pag-ikot ng paningin ko.



Nako naman, mukhang ako naman ngayon ang magkakasakit ah?



Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas, pagpunta ko sa kusina nandoon na yung ibang kumakain ng almusal. Yung iba sakanila nakaligo na.


Naniningkit yung mata ko na nanlalabo. Feeling ko umiikot yung paningin ko.


"Oh seph? Kain na." kuya luhan


Tumango nalang ako. Nakahawak ako sa kahoy ng kusina.


"Nakaharang ka sa daanan. Alis, kakain na ako." napatingin ako kay kai na nasa likod ko habang hindi ko parin inaalis yung pagkapit ko sa gilid.



Tsk!


"Hoy?" Tsss ang ingay nitong lalaking to.


Sinubukan kong umurong pero umikot nanaman ang paningin ko kaya na-out of balance ako. Naramdaman ko nalang na hawak-hawak ako ng mga braso ni kai.


"H-hoy? Kung inaantok ka pa duon ka sa kwarto mo. Abat hindi na nag-abalang pumunta sa kwarto?"


Grabe kung may lakas lang akong magsalita tatalakan ko rin tong lalaking to. Eh nahihirapan nga akong gumalaw, sobrang sakit rin ng ulo ko. Piling ko masusuka ako.

The Group of 12 Hot CommonersWhere stories live. Discover now