Chapter 4 : Weirdong Araw ni Rico

336 16 0
                                    

Rico's P.O.V

toooot.... toooooot..... tooooot.... (tunog ng alarm clock yan)

5:30 am na pala... nakakaantok pa.. muli ko na naman naalala yung nakita ko kagabi..

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!

patakbo akong lumabas ng kwarto sa takot na aking nararamdaman. Totoo ba kaya talaga ang nakita ko kagabi? baka bakla lang yun na nakacostume para sa HALLOWEEN.. kaso July pa lang ngayon. Ah! baka sumali lang sa isang contest?! pero parang wala naman akong nabalitaan na may pacontest dito. haaaayyzzzz.... wag mu nang isipin yun Rico! di multo ang nakita mo kagabi! kung multo yun diba dapat di ko sya mabubunggo dahil tatagos sya sakin.... haaaayyyzzz ayoko na ngang isip naloloko lang ang isip ko.

"Oh rico, gising ka na pala.. halika at kumain ka na.. baka malate ka pa" sabi ni mama

opo ma.. (sabay upo sa upuan at kumain.) si papa nga po pala?

"si papa mo? aaahh... anu.. ah nasa anu.... nasa trabaho na"

Trabaho? wala naman trabaho si papa ah.. may trabaho na ulit si papa?!

"ahh... anu-- ahh.. meron na.."

ganun. hehe saan nagtatrabaho si papa?

"ahhh... sa anu... saan nga ba... ahh... sa anu" natatarantang sagot ni mama

ma?! may problema ba?..

"rico, kumain ka na."

ma--

"RICO! KUMAIN KA NA!"

opo.

hala. anu kaya problema ni mama?. at bakit parang kinakabahan sya. anu.. kinakabahan ako.

pagkatapos kumain ay naligo na ko.. binilisan ko ang paliligo kasi natatakot ako.. feeling ko kasi may nakatingin sakin pag nakapikit ako eh.. biliiiiiissss rico!! biliiiissss!!!. pag katapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform sa school at pumasok sa school.

parang ang bilis ng oras.. wala naman masyadong nangyari dahil puro lecture lang naman ang ginawa namin maghapon, pero di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. bakit ganun ang kinikilos ni mama? saka si papa? may trabaho?.. saan? at paano?.. tsk. tsk. tsk. ayoko nang magisip.. masakit sa ulo. hehehe.

pagabi na naman.. tsk. kaasar.. nakakatakot ha. naku.. baka maharang na naman ako ng tambay boys.

"Aba! si boy takot pala to eh. hahaha.. gabi na ah! di mo ba alam na pag ganitong oras lumalabas ang mga multo!!.." sabi ng tambay 1

"oo nga! AAAYAAAN SA LIKOD MO!!!!!!!!!" sabi naman ni tambay 2

Di na ako maniniwala sa kalokohan nyo! mga walang magawa sa buhay. mag bigti na lang kayo!!

 "totoo nga ang sinasabi ko!! nasa likod mu nga!! lumingon ka!!" sabi ni tambay 3

sabing di na ako maniniwa---

"LUMINGON KA!!!!!!!!" sabi nilang tatlo

at lumingon nga ako...

"BOOOOOOOOOOOOOO!" sabi ng babae o lalaking nasa likod ko na nakatalukbong na kumot at puro foundation ang muka.

AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!! (ang nakakabingi kong sigaw)

"hahahahahaha!!!! pano ba yan pare.. panalo ako sa pustahan! hahahaah sabi ko sanyo malakas sumigaw tong si rico boy eh.. hahahahaahah!!!" sabi ni tambay 2

"hahahahahaahah!!!!!! grabe pare!! nakakatawa ang itsura nitong si boy takot!! hahahahaa!!" sabi ni tambay 1

"hahahahaha!!! ayoko ko na!! ang sakit na ng tyan ko kakatawa!!!" sabi ni tambay 3 at biglang umutot

"anubayan pre! ang BAHOOOOOOO!!!!" sabi ni tambay 1

"ang BAHOOOO pre! anu bang nakain mo?! para panis! kadiri ka pre!" sabi ni tambay 2

"grabe naman kayo! sorry naman di ko napigilan eh..." sabi ni tambay 3

samantalang ako ay paiyak na.

"hala ka pare! paiyak na si rico boy! lagot ka!!" sabi ni tambay 2

"hoooy! hindi ako ha! napasali lang ako sanyo ha.." sabi ni tambay 3

"lalo na ako! nautusan lang kaya akong bumili ng suka. yang multo ang may pakana!" sabi ni tambay 1

"aba! bakit ako eh inutusan nyo lang ako ah! akin na nga yung bayad nyo ng makaalis na! hmmmmmppp.!!!" sabi ng nagpanggap na multo..

di na ako makapagtimpi at sumabog na ako!!!

MGA WALANG MAGAWA!!!!! AKALA NYO KUNG SINO KAYO!!! TANDAAN NYO MATATAKOT KO DIN KAYO!!!!!!!!!!!! PARANG GANITO BOOOOOOOOOOOOOOOO!!!! (sabay kunyari nagpanggap na multo)

biglang nanlaki ang mata ng tatlong tambay at ang nagpapanggap na multo na parang nakakita talaga ng multo..

"AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!! MULTOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabi nilang apat, sabay takbo papalayo.

nagulat naman ako sa reaction nila..

hhhhmmm??! natakot agad? effective pala to eh.. aawooo... awwooo....(pinagpatuloy ang pagmumulto-multuhan, hanggang sa umikot ako at nagulat sa nasa likuran ko)

isang matangkad na lalaki-- este bakla pala na duguan at may itak sa ulo.

"Hi! ang ganda ko noh! haha" sabi ng baklang multo

AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!! BAKLANG MULTOOOOOOOOOO!!!!!!!!

"HOOOOOOOOOY!!!!!!! GIRL AKIS!!!!!!!!"

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!!!

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~

Author's note!

hi guys! ayan! nag update agad ako para makabawi naman sa inyo.. hehe..

don't forget to VOTE, COMMENT and be a FAN.

chaRING(On-Going)Where stories live. Discover now