chapter 1 : si rico.. ang batang duwag..

863 20 4
                                    

hayz!! ginabi na naman ako.. bwiset talaga tong si sir.. si sir a. ulo ang pangalan nya... ako pa pinaiwan para lang magbura ng blackboard.. kainis!! ang dilim pa naman pauwe sa amin.. ako nga pala si RICO... wala lang, kasing boring ng bagsak kong buhok ang buhay ko..dilang yun, may malaki pa akong kapintasan,..MATATAKUTIN ako..kaya nga natatakot ako ngaun eh..kasi sabi nung tambay boys(kanto boys ng baranggay KATAKOT-TAKOT...) may WHITELADY daw ns biglang tatakbo sa harap mu..kaya dali dali akong naglalakad...

"psssst..."

anu yun? (mahina kong bulong...)

"pssssst...."

sheyt! sitsit ba yun?.. sana hindi multo..

"pssssst..."

hala!! pangatlo na!!!

dali dali akong naglakad... hindi na nga lakad eh.. takbo na!.. nang biglang...MAY TUMAKBONG NAKAPUTI SA HARAP KO!!!.. napaupo ako at nag takip ng isang mata para di ko makita,..(pero bukas yung isa para makita ko..) at....at... NADAPA SYA..

"araykup!"

tama nga ba tong nakikita ko?.. nadapa ang whitelady...pagtingin ko sa kanan ko..nagsilabas ang mga tambay boys! sa may damuhan..

"ang tanga mo talaga pare! okie na sana eh!! takot na takot na tong si ricoboy eh!! waah!! duwag!! duwag!! duwag si rico!!!!"

hindi ako DUWAG noh!! TAKOT lang!! jan na nga kayo! wala na naman kayong magawa eh!! magtrabaho nga kayo para umunlad yang buhay nyo!! at ang BANSANG PILIPINAS!!!!

"gago! alisin mu muna yang takot sa dibdib mo! dun! dun kami magtatrabaho!!"

LETCHE!! makaalis na nga!

dali dali ko kinuha ang bag kong natanggal sa akin nung napaupo ako sa takot..patakbo akong umalis para umiwas na din sa KUTYA ng mga walang kwentang tambay boys sa kanto!!.. habang tumatakbo ako.. rinig ko parin ang tawag nila sakin.. "DUWAG.."

kalat na nga siguro sa buong baranggay katakot-takot ang tsismis na matatakutin ako.. kaya lahat ng tao, lagi akong pinagtitripan..

"BOO!!" sabi ni toto na five-years-old na uhugin..

WAAH!!(sigaw ko!)

"ahahahahaha! takot " sabay singhot sa uhog nya na kulay dilaw..

halos mapaiyak ako... hindi sa takot, kundi sa kahihiyan.. pati ba naman sa batang uhugin.. natakot ako.. ASAR ang nararamdaman ko ngayon, ASAR saking sarili at ASAR sa batang uhugin na sarap BALUTAN NG PLASTIK ANG ULO!! 

naglalakad na lang ako pauwe habang umaagos pa din ang luha ko... di ko na nga napansin yung makakasalubong ko.. aksidente ko syang na bangga....

"EWCTH!! aray KOYA..."

ay sori ko.. (hikbi)..sori po ulit..(naku bakla pala ata to..)

"okie lang..."

derecho na ulit akong naglakad..malapit na din naman yung bahay namin eh..

"oh, RICO.. anjan ka na pala.. kumain ka na ba?" sabi ni mama..

ah.. ma,(lumapit, sabay halik sa pisngi nya..) di na po, tutulog na lang po ako..

"oh! napano ka, galing ka ba sa iyak? napagtripan ka na naman no!! teka nga't pupunt---"

ma, wag na po.. kasalanan ko din naman po eh..

"bahala ka, basta ako anak,.. pag nasakta ka.. maghahalo ang BALAT SA TINALUPAN!!"

hala?!(takip bibig..) action star ka pala ma.. hehehe.. sige ma..gud nyt po! mhuuaw!! (sabay halik ulit..)

dali dali akong umakyat sa kwarto ko, naligo muna ako at natulog na din... naalala ko yung nakabangga ko kanina..tama ba nakita ko?!! may ITAK sa ULO yung nakasalubong ko!! dalidali akong nagtalukbong nang kumot..., nakatulugan ko na ang aking pwesto...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

author's note..

di po ako bakla ha... hahaha!! dami kc nagtanong eh..hindi po.. muka lang po! pero ndi po.. wahahahaha... character lang po yun sa story ko..:)) vote naman po kayo and be a fan na din.. comment is required O_O <--- chura ko.. wahahahah...

chaRING(On-Going)Where stories live. Discover now