Chapter 28: The Royal Dragons are back

13.9K 587 45
                                    

- Raven Sky Zalvarez's POV -

" Mama... Mama... Gising " hinanap ko naman kung saan galing yung iyak. Nakita ko yung dalawang bata. Umiiyak sila...

Teka...

Ako yan ah, tapos si Rhain. Tinignan ko naman yung iniiyakan nila. Si Mama. Ano bang...

" Mama... Wake up... Wahh sky. Anong nangyayari? Bakit ayaw gumising ni mama " tanong ni Rhain sa batang ako. Ano to? Panaginip? Wala naman ako nung araw na yun ah. Wala ako nung namatay si mama. Nasa party ako nun.

" Rhain... wala na si mama " sabi ng batang ako na nakatitig kay mama. Lalo namang lumakas ang iyak ni Rhain at paulit-ulit na tinatawag si Mama.

Lalapit sana ako kay mama ng may naramdaman akong umaalog sa mga balikat ko.

---

" Oi tama na yang kakaalog mo Dash baka mabali yung buto niyan!" rinig kong sigaw ni Vlad. Oo boses ni Vlad yun... teka... Napabangon ako agad ng maalala lahat ng nangyari.

" Awww... " sabi ko tsaka napahawak sa ulo ko. May benda. May sugat nga pala ako dito. Teka? Nilibot ko yung paningin ko. Pure white ha.

" Oh hindi to langit alam kong mukha kaming anghel " pagmamayabang ni Eion na nasa kanang part ng kama ko. Nakapalibot sakin ang mga dragon.

" Humiga ka muna " sabi ni East na inaalalayan akong humiga. May kulang...

flashback...

bang... bang... bang...

tatlong putok pa ng baril... sunod-sunod.

" Ui Da-Dustin... bi-bitaw na " nangiginig na sabi ko. Nakayakap siya sa akin ngayon...

" Funny. Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko" sabi niya... lalo niyang hinigpitan yung yakap sa akin. Ano to? Bakit ayaw niyang bumitaw.

bang...

isa pang putok ng baril.

" Bi-bitaw na sabi " tinutulak ko siya palayo sakin. What's this?

" Not until your safe " sabi niya. Nakarinig na naman ako ng putok ng baril...

bang...

Pero this time hindi na si Dustin ang tinamaan. Hawak hawak ni Caleb yung baril na nakatutok kay kuyang anay na nakahiga.

" I guess your safe " mahinang bulong ni Dustin. Lalo namang nag-unahan yung luha ko nung bumigat siya.

" Hoy dustin... sh*t ka... limang bala yun t*ng* " sabi ko bago kami mapaupo sa sahig. Nagsilapitan naman silang lahat sa amin na mukhang sobrang nag-aalala. Unti-unti kong naramdaman na bumibigat yung mga talukap ko.

" Take a rest Raven. Our Sun needs to rest " sabi ni Caleb bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

- End of flashback

Hangang doon lan yung naalala ko.

" Teka si Dustin?!" sigaw ko nung nacompose ko na yung sarili ko. Nagsiyukuan naman sila.

" Sayang hindi na ulit maririnig ni Dusteen na tinatawag mo yung pangalan niya " nakayukong sabi ni Dash. Sayang?

Unti-unti ng nangilid yung luha ko. Teka... hindi naman siguro napahamak si Dustin diba?

The Only Girl in School (#wattys2020)Where stories live. Discover now