Chapter 65

8.2K 331 35
                                    

Ready na kayo?

Raven Sky Zalvarez's POV

" Ibaba mo yan Skylar." Mahinahong sabi ni papa. Ngumisi naman si Mama.

Totoo nga, marami pa kong hindi alam sa mga tinatawag kong kadugo...

" You know what Vince? I love my twin more than my own life. Totoo na galit sa kanya si Màma! Seven years old kami nung aksidente niyang napaputok yung baril sa ulo ni Pàpa. Kaya galit na galit sila kay Sunshine dahil sa pagkamatay niya. Doon natakot si Sunshine sa baril. Ni hindi nga niya maatim na makakakita ng baril." Sabi ni Mama.

" Alam mo kung gano kahirap ang pagsasanay na binigay nila sa akin para maging assassin? They force me to kill. Nung una panay ang iyak ko sa gabi kada may mapapatay ako, pero dumating yung panahon na wala na kong pakiramdam kada may mapapatay ako. Para lang akong pumatay ng ipis." Lahat kami nakikinig sa mga sinsabi niya. Gusto kong malaman.... Gusto kong malaman kung anong nangyari sa mama ko para maging ganito siya.

Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya...

Hindi...

" Kada iiyak ako, si Sunshine ang kasama ko. Kahit na ilang beses na siyang pinalayas at itinakwil ng pamilya namin, nanatili siya sa tabi ko. Kaya nung sinabi niyang mahal niya si Carter, nagpaubaya ako." Natulala ako sa sinabi ni Mama.

" Nagpaubaya? " bulong ko. Dahil nga nasa tabi ko siya, narinig niya yun at nilingon ako.

" Oo Sky. Nagpaubaya ako. Mahal ko si Carter. Si Carter ang mahal ko hindi ang tatay niyo. " tinignan ko agad si papa at kahit galit ako sa kanya sa pagtatago sa amin ng sekreto, naawa ako dahil sa sakit na nasa mukha niya.

Sobra niyang minahal si mama na kaya niyang pumatay para dito tapos... Tapos ginamit lang siya ni mama.

" Ginamit mo lang ba ko Skylar? " tanong ni Papa.

" Sabihin na lang nating Oo. Ginamit kita Vince para layuan ako ni Carter. Ako ang nagsabi kay Sunshine na magpangap na ako para maikasal sila ni Carter.kung mangyayari yun, sasaya siya kasama ang lalakeng mahal niya at makakalayo siya sa pamilya namin." Sabi ni mama.

" Hindi Skylar... Nagsisinungaling ka." Sabi ni Papa na di makapaniwala sa lahat ng naririnig niya.

" Matagal na kong nagsisinungaling! Ngayon na nga lang ako magsasabi ng totoo di niyo pa paniniwalaan samantalang lahat ng kasinungalingan ko pinaniwalaan mo? Alam mo Vince, naghirap si Sunshine sa England. Sobrang sakit ang naramdaman niya ng nalaman ni Vince na hindi ako si Sunshine. Alam mo bang kakapanganak lang ni Sunshine ng pumunta siya dito kasunod ni Carter? Tinawagan niya ko para papuntahin sa bahay namin sa Tagaytatay. Yun yung araw ng birthday niyo, Rhain at Sky. Kaya hindi ako ang kasama niyo ng araw na iyon. Pumunta ako ng tagaytay pero wala siya doon... Nabalitaan ko na lang na namatay ako sa pagliligtas sa mga anak ko. Alam niyo ba kung gano ako nasaktan noon? " sigaw niya sa huling pangungusap niya. Hindi siya kundi si Tita Sunshine ang promotekta sa amin.

" Namatay siya dahil sa inyo! Hindi pa kayo nakuntento at pati si Carter at ang bunso niyang anak... Pinatay niyo! Mabuti na nga lang at nailigtas ko si Cici bago ang pagsabog..." sabi niya.

" Sinong bunso? " tanong ni Tito Clinton.

" Yung bagong panganak na sangol na iniwan niya, si Aries Bright. Pagkamatay ni Sunshine, ako ang bumalik sa England bilang siya. Kinuha ko yung bata at nag-asawa ulit. Pinalaki ko si Aries na parang ako si Sunshine, tinuruan ko siyang makipaglaban. Ako din ang nagsabi sa kanya na kalabanin ang Mafia Serpyente. " parang yung mga nalalaman ko ata ang papatay sa akin.

" Kaya lang pinatay siya ng mga walang kwentang bata na ito." Sabi niya tsaka tinignan ang Royal Dragons.

" Tama na Skylar. Problema natin to kaya dapat lang na tayo lang ang tumapos." Sabi ni Tito Clinton. Ngumisi naman si Mama tsaka may nilabas na remote galing sa bulsa niya.

The Only Girl in School (#wattys2020)Where stories live. Discover now