Giana pov.
"Putangina! Anong ginawa nyo sa kaibigan ko?!" Nilibot ko ang tingin ko at agad nag salubong ang kilay ko ng makita kong nakatulala lang sila sa'kin, pero agad din akong nagtaka ng bigla na lang sumipol yung iba atsaka ngumisi.
"Tangina! Hindi lang pala maganda e, ang sexy rin" Agad naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng isa sa mga lalaki, tinignan ko ang sarili ko at agad akong napayuko. Ramdam ko yung pamumula ng pisnge ko dahil sa kahihiyan. Punyemas! Ngayon ko lang napagtanto na naka croptop at short lang pala ako!
"Woah! Hi ganda!" Bati sa'kin ng blue ang buhok.
"Shit! Ang swerte naman ni Collins" Agad kong tinignan ng masama ang nag sabi.
"Hoy! Hindi ko boyfriend si Damian!" Inis na sigaw ko, pero tinaasan lang nila ako ng kilay na para bang nag sisinungaling ako.
"Kung hindi ka shota ni Collins, bakit nung gabi halos gusto na nya kaming patayin?" Agad akong napangiwi sa sinabi niyang 'shota'. Siguro pag naging boyfriend ko 'to at tawag nya sa'kin 'shota' baka masapak ko lang, ang pangit kasi pakinggan e. Parang napulot lang nya sa paligid
Agad na lang akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko "Nasaan si Saito? Ano bang kailangan nya?!" Tangina! Isa pa yun e, papupuntahin nya ako dito tapos wala naman pala sya dito?
"Woah! Chill ka lang ganda"
"Isa kapa e, isa pang tawag mo sa'kin ng ganda sasapakin ulit kita!" Sya kasi yung lalaking sinapak ko nung gabing yun.
"Gago pre, dapat kasi english e...... Hi miss beautiful" Sabi ng isa atsaka nya ako kinindatan, agad na lang akong napahawak sa sintido ko. Konti na lang mauubos na ang pasensya ko.
"Kung hindi mo shota si Collins, edi ibig sabihin single ka?"
"Ano bang pangalan mo? Btw, I'm Asher"
"Alam mo miss ganda, taken na ako....... Pero pwede ko naman hiwalayan e, basta para sayo"
"Mga gago! Tumigil na nga kayo, pag kayo narinig ni Saito basag mga pag mumukha nyo" Agad naman umismid ang iba sa sinabi ng isang lalaki, tinignan ko ang lalaki at masasabi kong mukhang sya lang yung walang saltik sa pag iisip.
"Miss, pasensya kana sakanila, nag bibiro lang sila" Agad akong nag iwas ng tingin ng ngumiti sya sa'kin. Tangina! bakit bigla kong namiss si Denver? Sa section D. kasi si Denver lang yung walang saltik e.
"Ano bang kailangan ni Saito sa'kin? At anong ginawa nyo sa kaibigan ko?!" Inis na tanong ko, pag talaga nakita ko si Saito sasapakin ko 'yon.
"Hindi ko rin alam kung ano yung kailangan ni Saito sayo, atsaka wala kaming ginawa sa kaibigan mo. Tinakot ka lang ni Saito para pumunta ka dito" Naka kamot ulong sabi nya.
"Tangina! Ang lakas rin pala ng saltik ng gagong yun, bakit kailangan pa niyang manakot——"
"If I hadn't done that, would you come?"
"Syempre hindi——S-Saito?" Agad akong napalunok ng bigla na lang may nag salita sa likod namin, at pag lingon ko dun ko nakita si Saito na nag lalakad palapit samin.

YOU ARE READING
pretending to be my brother
Randomwhen giana's twin had an accident, she entered her brother's school, and she pretend to be his brother. but what if, her brother's classmate fall inlove with her?