Kabanata 39

14K 330 161
                                    

Again

Hindi ko na masundan ang nangyayari dahil sa sobrang bilis neto. Basta namalayan ko nalang na nasa likod ko na si Kayden at mariing nakahawak sa baywang ko. His eyes were flaring at Vince's. Kung nakakasunog lang ang mga tingin nya ay kanina pa natupok si Vince.

"Delafranco..." Vince's voice were stone cold. Pareho silang naka igting ang mga panga habang nagsusukatan ng tingin.

"Soriano. What. the. fucking. fuck. are. you. doing. here?" Madidiing tanong ni Kayden sa kanya.

"I'm an investor here. Don't you think you're being a bit harsh, Delafranco?" He answered in a playful tone.

"Wag kang ngumisi, gago hindi mo bagay." Matigas na sabi ni Kayden na nagpalaglag ng panga ko.

"Aminin mo nalang na naga-gwapuhan ka lang sa akin." Mayabang na turan ni Vince na tuluyang sumira ng mukha ni Kayden.

Napapikit ako ng makitang pareho silang nagsusukatan. Pag hindi ako pumagitna ngayon ay siguradong magsusuntukan o magpapatayan sila ano mang oras.

"Baby..." Malambing na tawag ko kay Kayden para maagaw ang atensyon nya.

Hindi naman ako nabigo dahil ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon nya. His face also soften as he lower his head to look at me closer.

"What is it, baby?" Concern nyang tanong.

Ngumuso ako at pinigilan ang pagngisi dahil sa lambing ng boses nya.

"I'm hungry..." Sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko. His eyes lowered on my tummy and he caressed it, too kahit nasa harap kami ni Vince.

"Are you... pregnant?" Nakataas ang isang kilay na sabi nya.

Nalaglag ang panga ko at alam kung ganon din ang mga nakarinig sa sinabi nya.

My god! Sa ganitong tensyon ay naisip nya ang bagay na iyon?

"I'm not!" Namumulang sigaw ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkagulat ng mga nasa katabing mesa dahil nasa amin ngayon ang atensyon nila. Mabilis kung itinago ang mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. Nahihiyang sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Kayden. Damn him!

"Is this what you want to tell us, kuya? Magkakaanak na ulit kayo?" Nakangiwing tanong ni Kayla na nasa tabi parin ng nanlalaki ang mga matang si France.

Pero alam kung hindi dahil sa sinabi ni Kayden kundi dahil sa lalaking nakatayo na ngayon sa harap nya.

Nakaharang na sa min ngayon ang likod ni Vince na nakaharap na sa gulat na si France.

"Lia?" Gulat din ang boses na tawag ni Vince sa kanya.

Ng makabawi sa pagkagulat si France ay agad na napalitan ng pagkairita ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Kung kanina ay nasa amin ang atensyon ay hindi na ngayon. Puno ng pagtataka ang mukha ng barkada at kahit ako ay walang alam sa nangyayari sa dalawa.

"It's you! Do you know how much tried to find you? Hindi ka man lang nagpaalam 'nong umalis ka." Halata ang pagkadismaya sa boses ni Vince.

"Tigilan mo ako Vincent, wala akong dapat ipaliwanag sayo." Matigas na sabi ni France na ngayon ay hinila na si Kayla pabalik mesa namin.

Vince immediately followed them kaya mas nagtaka na kami. Did something happened between them?

"Hey..." Kayden's voice interrupted my thoughts. Hindi ko namamalayang kaming dalawa nalang pala ang natitira ngayon dito.

"Baby, interesado ka ba sa kumag na iyon?" Malamig ang boses na tanong nya habang tinatanaw ang kinaroroonan ni Vince gamit ang matalim na titig.

When Forever Ends With YouWhere stories live. Discover now