Kabanata 65

6.8K 206 655
                                    

Mine

Kanina pa ako paikot-ikot sa kwarto ni Xai habang nginangatngat ang aking daliri. I am shaking because of nervousness.

"Bakit gusto nya akong matulog sa kwarto nya? Katulong ako dito." Mahinang bulong ko sa aking sarili.

"Mommy, are you okay?"

Napatingin ako sa anak kong nakaupo sa kanyang kama at tila kanina pa ako pinagmamasdan. Nasa kanyang mukha ang pagtataka.

I smile awkwardly. "Okay lang si mommy, anak. Are you, okay?"

Lumapit ako at lumuhod sa harapan nya para haplusin ang kanyang maliit na mukha. She looks so much like me but her nose and lips looks like his father's. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalma ang sarili sa kagalakang makita silang muli.

"Where did you go, mommy? I waited for you for so long." May bahid ng lungkot ang kanyang boses.

Nagbarang muli ang aking lalamunan. Tears pooled my eyes. Siguro ay hindi agad mapapawi ang paninisi ko sa aking sarili dahil sa nangyari. How could I leave this angel behind?

"I-Im sorry, baby. M-Mommy will explain it someday, okay?" I assured her.

Tumango sya at ngumiti. It warms my heart. Pero muling napawi iyon ng maalala ko ang kuya nya. He's with his dad at Kal. Ramdam ko ang galit nya sa akin at hindi ko alam ang gagawin ko para mapatawad nya ako. I want to hug him pero ayokong pilitin sya sa dahil alam kong mas lalo lang syang magagalit pag ginawa ko iyon.

"Uhm, where's yaya Selia and Yaya Wanda's room?" Tanong ko sa anak ko.

Nakita kong nag-isip sya sandali pagkatapos ay bumaba sya sa kanyang kama at hinawakan ang aking kamay.

"It's downstairs, mommy. But I'm hungry." Aniya at hinawakan ang kanyang munting tyan.

Natawa ako at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Let's go? Ipagluluto ka ni mommy." Marahan ko syang hinila patungo sa pinto.

Her room is full of pastel colors specially the pink color. Mayroon itong mini living room na puro pink ang couch at mini table. Mayroon din syang pahabang lamesa sa may tabi ng bintana tulad ng kay Kier pero malinis ito at may lampshade at mga coloring books sa ibabaw. It must be her study table. Her bed is pink and has posts on each corners and her portrait is attached to the center of her headboard. Tila isang prinsesa ang may-ari.

But I guess she's really a princess here. They treat her like a princess and it suits her well.

Bumaba kami at dumeretso sa kusina. Sir Kayden and Kal is nowhere to be found. Siguro ay nasa taas pa sila dahil kahit boses nila ay hindi ko naririnig.

Naabutan kong nag-uusap sila Wanda at Selia sa counter table. Agad silang natigil ng makita kami ni Xai.

"Ma'am." Sabay nilang bati sa akin at agad na tumayo.

Napangiwi ako dahil sa pagtawag nila sa akin ng ma'am. "Uh, tawagin nyo nalang akong Xherry. Nakakahiya naman kung tatawagin nyo akong ma'am e pareho lang naman tayong katulong dito."

Parehong nalaglag ang panga nila sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko sa reaksyon nila. Natawa ako ng makitang ngumiwi si Selia at parang hirap na tiningnan ako.

"Ah, Eh ma— I mean ma'am Xherry—"

"Xherry lang, Selia. Wala ng ma'am." Putol ko sa sasabihin nya.

"Mommy, I'm hungry." Marahang niyugyog ni Xai ang damit ko kaya niyuko ko sya.

"Okay, sweetheart. Ipagluluto kita ng breakfast."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Forever Ends With YouWhere stories live. Discover now