Chapter 1: A Year After

4.8K 124 19
                                    

Chapter 1: A Year After

Isang tingin ko lang sa blueprints ng design ng renovation ng Mount Olympus ay nagdesisyon agad akong humiga na lang sa kama.

Isang taon na ang lumipas since ng giyera against Hera, yung bitter lang naman na asawa ni Zeus na currently ay nageenjoy sa Tartarus. Huli kong balita ay kumander na ang tawag sa kanya ng mga ka-inmates niya.

At isang taon na rin simula nang malaman kong ako si Hestia. Goddess of the hearth, home, architecture. Mahabang istorya, basta bumaba ako sa aking trono at unti-unti ay nawala ang aking memorya kung sino ako, pati na rin ang mundo, at ako'y naging si Amber. Normal na teenager. Mahilig sa arts. Loner. Hanggang sa nagbalik ako dahil kailangan pala ako ng Olympus...

Sa paghimbing ko ay hindi pa rin ako tinantanan ng mga equations, sizes at mga linya. Badtrip. Isang taon na rin simula nang simulan ang rehabilitasyon ng Mount Olympus. At hindi pa tapos. Dahil maraming gustong ipabago at gawin si Athena. Minsan nga gusto ko na siyang dagukan at sabihin na "make up your mind!" But I know better, baka paduguin lang ni Athena ang ilong ko dahil sa katalinuhan niya. May plano si Athena, ang New Olympus, balak niyang gawing isang city ang baba ng Mount Olympus kung saan ang ilang mga building ay tribute sa mga kinuha ng giyera. Isa na doon ang kaibigan kong si Monsieur Picasso. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ko namimiss ang unanong iyon. Pati na rin si Delphig. Ngayon ang isla ng Mount Olympus ay isa munang maliit na bayan kung saan may mga ilang bahay, ang aking pamilya ay doon muna nakatira.

Marahil tingin niyo ay masarap ang buhay dito, pero ang totoo ay nakakabagot dito sa Olympus. Isipin mong imortal ako, ano na lang ang gagawin ko habangbuhay?

Ang tanging nagpapasaya na lang sa akin ay pagdiskubre sa mga bago kong kakayahan. At syempre ang aking mga kaibigan.

Nang ako'y nagising ay tirik na ang araw. Mabilis akong bumangon dahil tanghali na. Nagsuot ako ng T-shirt, jeans at sneakers. Palagi lang ako ganito, sa aking teenager form. Ayoko sa aking adult form, nakakasulasok. Tila trend na rin ng mga gods dito ang mag teen form. Ewan ko ba. Nagtatanggal ako ng mutang dumating sa may garden. Nasa dulo ito ng Olympus at walang bubungan. Welcome na welcome ang araw para sa mga nakatanim. Naglakad ako patungo sa punong tinanim ko para kay Hades. Hanggang balikat na ang laki nitong Narra tree. Kumuha ako ng pangdilig at pinaliguan ito ng tubig. Pinanuod ko ang puno. At tila na-iimagine ko ang mukha ni Hades, nakangiti.

Matapos ay pumasok ako sa loob ng gazebo. At pinakinggan lang ang huni ng mga ibon. Tahimik ang Olympus ngayon. Karamihan ng mga gods ay nagtratrabaho para sa kanilang araw-araw na mga duty. Ang iba ay marahil tulog pa.

Umalis ako ng garden at mabagal na naglakad sa hallway ng Olympus. Hindi muna ako tutungo sa aking kuwarto. Gusto ko lang maglakad, ang aking mga kamay ay nasa aking mga bulsa. Napahikab ako at napagtantong hindi pa pala ako nagtoothbrush. May tama. Hindi na natapos ang aking paghikab dahil may naramdaman akong napakalakas na hangin sa aking likod. Napatalon ako at lumingon ngunit wala namang kung ano sa likod ko. Isa lang walang laman na hallway. Pero may naramdaman ako, tila may malamig na kamay ang humawak sa aking batok. Malikot ang mga mata ko. Para akong natuod.Naghihintay...pero wala.Wala namang lumabas. Napakagat na lang ako ng labi at nagpatuloy sa paglalakad, ngayon ay medyo mabilis na.

Lumiko at napasigaw. May sumigaw din. Nagsigawan kami hanggang sa namalayan kong si Oracle lang pala ito at walang dapat ikatakot. Tumigil na ako at siya'y sumisigaw pa din, nakapikit pa.

"O.A. na.", sabi ko.

Tumigil siya at natawa."O.A. na ba? Good morning, Hestia."

"Amber.", sabi ko.

"Amber. Right."

Mas lumaki na ngayon si Oracle, halos kasing tangkad ko na siya. Ang buhok niya ay naka-braid, ang kanyang mga mata naman ay itim, na kapag may pangitain o prophecy siya ay nagii-iba-iba ng kulay. Napansin ko rin na madalas magsuot ng salamin ito si Oracle kahit wala naman siyang problema sa mata at cap na may nakasulat na BOSS. Pag tinignan mo ang facegods page niya ay puro selfie niya ang laman. Nagaalala ako para sa kanya.

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon