Chapter 8: The Voice

1.7K 63 9
                                    

Chapter 8 – The Voice

Dahan dahan naming pinaupo si Kronos sa isang stool dito sa may kusina. Napatingin ako sa paligid. Sabi ni Kronos ito daw ang isa sa mga kusina at ang pinakamaliit. Madaming counters at shelves, lahat highlighted ng gold at white colors. May mga magagarang ceramic plates na nakadisplay at mga palayok at kawali na nakasabit.

Namamangha pa rin ako sa mga nakita ko bago kami makarating dito sa may kusina. Pagkapasok namin sa main doors ay sinalubong kami ng napakalaking throne room. Napakataas ng ceiling at ang mga bintana ay stained glass – na merong disenyong mga naglalakihang mga nilalang, marahil Titans. Nakataas ang dalawang thrones, kailangan mong tahakin ang ilang steps bago makarating dito. Hindi kalayuan ito sa itsura ng Mount Olympus ngunit mas malaki ito, sa parehong gilid ng throne room ay nagtataasan at naglalawakang hallways, ang laki nito ay tila labing dalawang kuwartong pinagsama.

“Magiging maayos ka.”, giit ni Kat habang tinitignan ang bali ng paa ni Kronos. “Nandito kami para tumulong.”

Hindi nagsasalita si Kronos, imbis ay nakatitig lang ito sa amin. Napansin ko na puro galos din ang kanyang mukha. At habang patuloy ang pagtitig ko sa kanya ay nakikita ko muli ang kanyang anyo bilang Titan – isang transparent na higante na dinadaluyan ng kuryente.

Madali kong binuksan ang aking pouch at kinuha ang vial na nagsasabing “INSTA HEALING. FOR SINGLE USE ONLY. ISA LANG HA. WAG MAKULIT.”. Napatitig sa akin si Kronos.

“Ano yan? Sino ba talaga kayo?”, bulalas ni Kronos.

“Kailangan mo pa bang malaman? Binili mo kami bilang slaves. Dapat hindi interesado ang isang prinsipeng tulad mo sa buhay ng mga alipin.”, balik ko sa kanya.

“Prinsipe? Huwag mo akong tawaging ganyan. Hindi ako parte ng pamilyang ito. Ayoko ng pamilyang ito.”

“Bago pa sumabog ang teenage hormones mo. Inumin mo ito.”, inabot ko sa kanya ang vial.

Nagtama ang kanyang mga kilay. “Paano ako makakasiguradong hindi lason yan?”

Si Kat ang sumagot sa akin, “Iyong kamahalan. Sa tingin ko hindi naming papatayin ang isang prinsipe sa loob ng kastilyo na punong puno ng mga bantay.”

Umirap na lang si Kronos, kinuha ito mula sa aking kamay at nilagok. Umubo siya at binigay sa akin ang vial.

“Amber at Kat, tama? Sino ba talaga kayo?”

Tumingin ako kay Kat na nanlalaki ang mata. Kailangan naming magisip ng backstory nang mabilisan, talo pa nito ang recitation.

“Kami’y mga ulilang bounty hunters. Nahuli kami ng mga Skowe nang kami’y nasa gitna ng isang misyon. Pero hindi kami pumapatay. Gumagawa lang kami ng mga assignments tulad ng paghuli ng mga magnanakaw o pagpaparusa sa mga kriminal.”, wow, bilis ko no?

“So mga mababait kayo?”, kwestyon ni Kronos habang napapahawak sa kanyang paa, marahil nakakaramdam na ng epekto. “Mga bayani.”

“Hehe. Parang ganun.”, sambit ko.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Kronos, napakapit siya sa kanyang paa. “Teka, nawala – nawala na ang sakit! Anong? Ano itong pinainom mo sa akin?”

“Manggagamot ang nagpalaki sa amin. Isa yang gamot na inimbento niya.”, sabi ni Kat. Magaling din itong gumawa ng kuwento. Bravo sa amin! The new lola basyangs.

“Maraming --”, umubo si Kronos at parang hindi makatingin sa mga mata namin. “Maraming salamat.”

“Ngayong napagaling ka namin, pwede ba naming malaman kung ano ang nangyayari? Kung sino ba talaga si Emma? May nabanggit ka ring Hundred Hands. Tila galit na galit ka rin sa pamilya mo.”

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon