Chapter 10: This Girl is on Fire

1.7K 58 12
                                    

Chapter 10 - This Girl is on Fire


Sa wakas. Hindi ko malaman ang nararamdaman ng puso ko. Tumatalon ito. Tumatalon sa tuwa. Nagbaback-flip at nagbaback-dive pa nga eh. Si Zeus at Poseidon ay nandito na.

"Guardian!", hiyaw ni Poseidon.

"Poseidon! Tulungan mo si —"

"I got it!", sabi lang ni Poseidon habang palipad sila ng kanyang griffin kila Dominic at Kronos.

May lumabas na tubig mula sa mga kamay ni Poseidon. Parang isang dosenang drum ng tubig at nagpaligo at nagpatalsik kay Dominic paalis kay pasunod, pabagsak sa lapag. Sa kanyang pagbagsak ay sumabog ang tubig at alabok. Napaalis ako ng tingin dahil may tubig na tumalsik sa aking mata.

"Dominic!", rinig kong sigaw ni Rita.

WHOOSH! Bumaba ang griffin ni Kronos. Napakalaking kalahating ibon at kalahating leon. Ngumiti sa akin si Poseidon, ngunit bigla itong napalitan ng gulat.

"Guardian, sa likod mo!"

Mabilis akong lumingon at nakita si Rita na paamba sa akin. Mahigpit niyang hawak ang kanyang espada. Ngunit bago pa niya maitaas ang kanyang armas ay lumipad siya. Oo, pero hindi sa kanyang sarili. May dumagit sa kanya mula sa lapag patungo sa ere. Isa pang griffin at nakasakay dito ay si Zeus. Nakita ko rin ang ilan pang mga griffin na walang sakay na umiikot ikot din sa ere.

"Argh! Pakawalan mo ako!", rinig ko ang nage-echo na sigaw ni Rita.

Ang mala higanteng mga talons ng griffin ay nakapulupot sa kanyang mga balikat. Tumawa si Kronos at nagsalita, "Oh sige!", matapos ay hinaplos niya ang griffin sa batok nito.

"URK!", iyak ng griffin at binitawan nga siya si Rita.

Nagtitili si Rita. Teka, mukhang hindi magiging maganda ang kanyang bagsak. Tumingin ako kay Poseidon.

"Poseidon!"

Tumango ito at pinitik ang kanyang kamay. Sa kalagitnaan ng kanyang pagbagsak ay may globo ng tubig na bumalot kay Rita at siya'y napatigil sa ere. Kinokontrol ni Poseidon ng tubig at unti-unti niya itong binababa. Pumutok ang globo ng tubig nang hindi na gaanong kataas ito at bumagsak si Rita sa lapag, ang tubig ay bumubulwak din kung saan-saan. Gumulong si Rita, basang basa at ubo nang ubo.

BAM! May pagyanig sa aking likod. Si Zeus, animo'y knight in shining armor na nakasakay sa isang griffin.

"Kamusta ka, Hestia.", sabi ni Zeus. "Mukhang nahanap niyo ang mga Titans."

Tama. Tumingin ako kay Kronos na nasa Titan form niya pa rin. Nakatayo lang siya doon na parang nagpapahinga at hinahabol ang kanyang hininga. Tumingin ako sa paligid. Walang malay ang dalawang Hundred Hands, marahil ay tapos na.

"Milady!", lumapit sa akin si Kat. Napansin kong may maliit siyang hiwa sa pisngi. "Ayos lang ho ba kayo?"

"Ikaw ang ayos lang ba? May sugat ka.", banggit ko.

"Wala ho ito. Magaling makipaglaban ang Hundred Hand.", matapos ay tumingin siya kay Poseidon at Zeus. "Ah, mga kamahalan. Mabuti naman po at maayos ka."

"Hehe, cute.", sabi ni Poseidon.

"Mabuti naman at nagawa mo ang responsibilidad mo. Na-protektahan si Hestia. Nakikita ko na nasa isang piraso pa naman siya.", balik ni Zeus sa kanya.

"Teka nga.", sabi ko. "Paano niya nalaman kung kailan kami ililigtas at anong nangyari sa inyo?"

"Parehas kami ng ni-landingan ni Kuya Zeus.", bumaba si Poseidon sa griffin at lumapit sa akin. Kita kong may itim at itim sa kanyang mukha, abo marahil, at mayroon pang mga maliliit na ugat at dahon sa kanyang pantalon.

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon