SEXTION ONE.

10.6K 36 0
                                    

REMINDER!

Pinapaalala ko po na may mga parte ng kwento na may halong kahalayan at hindi dapat basahin ng mga bata. Pero kung may readers po na nakulangan sa details ng scene na SPG, advance sorry po. Hindi ko po forte ito. Hope you understand!

Thanks and God Bless!

-BitchTheQueen
×÷×÷×÷×

"She's mine. Back off!"

Oh no! I'm doomed.

"Wag please."

Nagsilayuan ang mga lalaki. May ibang tumakbo. May mga nadapa. Ganun ba sila katakot sa taong ito? O talagang nakakatakot ang isang Josh Frox Young?

Napatingin ako kay Josh Frox. Okay, ang awkward. Hindi ko alam ang itatawag ko.

Umupo sya sa upuan nya na katabi ng upuan ko. Umupo na lang din ako. Di ko na lang pinansin ang chismisan ng mga classmates ko about sa nangyari.

Hindi ko maiwasan na maramdaman ang mga labi nya sa labi ko. Syempre, first kiss ko 'yon. Ang lambot ng mga labi nya at nalulunod talaga ako.

*Kriiiiiing

Nagbell na! Uwian na!

Sa wakas, matatapos na ang kahihiyan ko ngayong araw.

Nakita kong palabas na si Jayson. Tinatawag ko sya pero iniiwasan nya ako. Hinabol ko sya hanggang sa lobby ng school. Tumigil sya at naglabas ng notebook. May isinulat sya sa likod ng notebook. Tsaka nya binaba sa sahig at iniwan.

Kinuha ko naman ito at tinignan ang nakasulat.

Tawagan mo ako.
0948*******

-Jayson

Umuwi ako na may kakaibang feeling. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa first day of class sickness ko o dahil sa Welcome Kiss ko galing sa hari ng Section 6.

"She's mine. Back off!"

Hindi ko alam kung paano ako nakakakilos ng normal matapos yung pangyayaring 'yon. Kung isa akong tipikal na babae na puro love ang iniisip, naku! Baka di ko napigil ang sarili ko at hinalay na yung Josh Frox na 'yon.

Ang problema, hindi ako ganun. Hindi ako puro love. Isa akong typical pero not girl but nerd. Pag-aaral ang buhay ko. Si Marie lang ang kaibigan ko. Buti nga may nadagdag na eh, si Jayson.

Speaking of Jayson, matawagan na nga sya.

[Hello? Sino 'to?]

"Si April 'to. Yung bagong mong classmate," sagot ko.

[Ahh! Hi!]

"Bakit mo nga pala ako iniwasan kanina? Anong problema mo?" tanong ko.

[Si Josh, kapag kanya, kanya. Di mo pwedeng kausapin at lapitan. Especially sa boys. Alam mo naman na ang ugali ng boys ng section 6. At dahil pagmamay-ari ka na nya, di na ako pwedeng makipag-usap sayo SA SCHOOL at kung nasaan man kayong dalawa.]

"Ang OA naman non! So ano nang mangyayari sa akin ngayon na pagmamay-ari na ako ni Josh Frox? Ano bang dapat kong gawin? Sex slave na ba ako?"

[Yung huling tanong, maaaring mangyari 'yon. Kung may pag-asa pa ba? Meron naman. Kapag hindi ka na gusto ni Josh, itatapon ka na nya na parang basura.]

"Basura talaga? Paano ba ako pagsasawaan ni Josh Frox?"

[Magpapanget ka.]

"Grabe naman! Panget na nga ako, magpapapanget pa! Halimaw na ba gusto mo?"

SEXTIONWhere stories live. Discover now