SEXTION TWO

6.7K 43 7
                                    

REMINDER!

Pinapaalala ko po na may mga parte ng kwento na may halong kahalayan at hindi dapat basahin ng mga bata. Pero kung may readers po na nakulangan sa details ng scene na SPG, advance sorry po. Hindi ko po forte ito. Hope you understand!

Thanks and God Bless!

-BitchTheQueen
×÷×÷×÷×
Jayson.

"Ang basura ay basura at hindi dapat lumalapit sa hari."

Umalis si Josh nang galit matapos itulak ng malakas ang Queen Bee. Napa-aww ako nang makita ko ang pagbagsak sa sahig ng reyna ng mga bubuyog.

Binuksan ni Josh nang malakas ang pinto ng Dark Room. Halata sa kanya ang galit.

Lumabas ang Queen Bee na umiiyak at nagsisisigaw.

"You can't do this to me, Josh!" Paulit-ulit nya iyong isinisigaw.

Alam kong mahirap yon dahil sira na ang reputasyon nya. Ang pagiging Queen Bee nya, mawawala na.

"Oh my gosh! Mukhang may milagro na!"

Nagsipuntahan ang lahat ng classmates ko sa pinto ng Dark Room. Lahat ng tenga ay naroon. Pinapakinggan ang tunog galing sa loob ng silid.

"Wag kang mang-asar. Masakit yung ginawa mo," sabi ni April.

Oh shit! This can't be!

Hindi namin masyadong marinig yung mga sinasabi nila. May naririnig kaming mga ungol.

"Ahhh! Shit!" Sigaw ni April.

"Ang sakit. Dahan-dahan lang. Wag mong biglain, nasasaktan ako."

Si April lang ang naririnig ko.

"Sandali lang 'to. Kapag natapos na, okay na. Hindi na masakit. Sasara din yan," yan lang ang narinig ko mula kay Josh.

Tumakbo ako palabas ng room at sinuntok ang pader ng likod ng school. Doon ko binuhos ang galit ko.

Bakit hindi ko sya natulungan? Bakit ko hinayaan na mangyari yon?

Ang gago ko! Minsan ko lang maramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam. Simula nung iniwan ako nung first love ko, ngayon ko lang ulit naramdaman 'to. Pero bakit kailangang maagaw ulit ni Josh si April?

"Gago ka, Josh!"

•••••••••
April.

Nasa pinto parin ako at nakikinig nang biglang bumukas nang malakas ang pinto.

*blag!*

Natumba ako sa sahig. Shit! Ang sakit nun ha! Sinubukan kong tumayo pero napasama ata yung bagsak ko.

"Okay ka lang?" Ewan ko ba kung tanga 'tong lalaking 'to o nagtatanga-tangahan lang.

"Hindi ako makatayo. Sa tingin mo, okay lang ako?" Sarkastiko kong sabi.

Hala! Lumalabas ang bad side ko!

Maingat nya akong binuhat papunta sa kama. Para ko na talagang boyfriend itong lalaking ito. Teka! Wag kang assuming April.

Kinalikot nya ang mga cabinets sa paligid.

"Ano ba ito?! Puro condom at panties ang nandito! Wala bang first aid kit dito? Putcha naman oh!" Halata sa kanya ang pagkataranta.

SEXTIONWhere stories live. Discover now