Day Dreamer 5 >> Sitting Arangement

6.7K 132 23
                                    

Day Dreamer 5 >> Sitting Arangement

sa school

SAMs pov

Feeling ko nakakapagod ngayong week na ito. Laging madami ngayon customer sa resto siguro dahil pasukan na din.

"Bestie may prob ka?" si Steph andito kami sa SC Office may meeting kami. kulang pa kami sina Mon at Noime.

"Wala naman."

"Bakit mukha kang biyernes santo.?"

"Kulang sa tulog lang siguro."

Tapos hindi na niya ako kinulit.

inaantok naman ako. Lagi nalang ako kulang sa tulog. Laging madaling araw nalang kasi kung umuwi ako eh. Madami kasi iyong customer. Kahit pinapauwi na kami ni Mina nahihiya naman akong unang umuwi. Kaya tinutulungan ko na sila para sabay sabay nalang kami lahat umuwi.

Ano ba iyong mabangong iyon..... siningut singut ko agad. naamoy ku na dati iyon parang candy.

Nakapatong kasi kamay ko sa mesa at ang ang ulo ko naman nakapatong sa mga kamay ko. At nakapikit ako.

singut pa din ako ng singut. Sino kaya may pabango ng ganon. Hindi naman si bestie parang panlalaki naman iyong amoy.

"Sam gising na. Andito na silang lahat." si bestie habang bumubulong sa may left side ko. Sa right side kasi ako nakaharap eh.

Tinatamad pa ako gusto ko pa matulog eh.

"Bestie" bumubulong pa din si Steph tapos kinakalabit ako sa pisngi. Weird naman nasa may left side si steph ah paano niya ako nakakalabit sa pisngi.

Hey!! DAYDREAMERWhere stories live. Discover now