Day Dreamer 11>> bukingan na

5.5K 158 58
                                    

dont forget to vote, like and be my fan.

salamat 

Day Dreamer 11>>  bukingan na

NATHAN's pov

"IVANNNNNN......"

"IVANNNNNN......"

"IVANNNNNN......"

"AHHHHHHH" sumigaw ako. At biglang napatayo sa kama. Nagulat ako eh. Bigla nalang may pumasok sa kwarto ko at nagsisigaw.

"IVANNNNNN...."

"bakit IVY napano ka??????" si Ivy lang pala. Akala ko nasusunog na ang bahay.

"asan na iyong towel ko."

"anong towel??" iniisip ko kung anong towel ponagsasabi nito. Bakit sa akin niya naman hinahanap. Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang gamit?

"iyong pink towel ko."

"bakit sa akin mo hinahanap?" pink towel

"paano wala sa closet ko"

"so??"

"so na sayo"

"bakit extension ba ako ng closet mo?"

"eeeh Ivan naman eh."

"oh?"

"akin na labas mo na."

"sus hanapin mo diyan." nagkalkal nga siya sa mga closet ko. Grabe siyang magkalkal ha. Parang dinadaan ng ipo2 ang mga drawer ko.

"Eeeeh wala naman eh."

"wala nga sa akin."

"eeeeh ipinadala ko kaya sa iyo ng minsan mag voleyball ka."

"pinadala?" ano ba iyon. Bakit di ko matandaan.

"BAKA WINALA MO"  '__'

"baka..." at nagkibit balikat ako.

Hey!! DAYDREAMERWhere stories live. Discover now