Day Dreamer 9>> mashed potato cravings

6.1K 123 28
                                    

Day Dreamer 9>> mashed potato cravings

Sa Mall World pa din

SAMs pov

After ng madugong payabangan sa dance revo. Edi nagutom din sila. Hay patay na naman.

Naglalakad lakad kami habang nag hahanap ng makakainan. Actually SILA ng makakainan. Nauuna sina Lee at Nathan. Tapos kaming apat nina Steph, Mon at James sabay sabay.

"Sa Aristocrat na lang tayo." si Steph. Napatingin kami sa kanya. Except kina Lee at Nathan parang may sariling mundo ang dalawa eh.

"Ayoko  dun parang pang oldies" si Mon

Tama Mon pang oldies nga don. Tsaka can't afford pa as in.

"Eh saan naman ang alam mo??" si Steph

"Sa MCdo masarap iyong fries doon."

"Hala pati pagkain napaka isip bata mo talaga."

Pareho lang naman silang isip bata eh.

"Barrio Fiesta nalang." sabi naman ni James. Isa pa ito eh. Wala ba silang alam na simple lang at mura pa???

"Ayoko nga doon." si Steph

Tama Steph umayaw ka lang ng umayaw hanggang sa umuwi na tayo. Hahaha

"David tea house na lang tayo." si Lee. Kasali pala siya dito. Sana hindi na lang siya sumama.

"Ayoko doon." si Steph ulit.

"Puro ka nalang ayoko ha. Edi ikaw pumunta ka sa aristocrat." si Mon

"Hindi bro dapat sabay sabay tayo. First time natin kasama si Miss President di ba." si James

"Tama saan mo ba gusto Sam???" si Mon

Tumingin silang lahat sa akin.

Hey!! DAYDREAMERWhere stories live. Discover now