Special Chapter

1.5K 26 2
                                    

SPECIAL CHAPTER

*

"Bibigirl are you alright? Kanina ka pa hindi mapakali jan?" pano ba naman kasi parang may gusto siyang sabihin ayaw naman magsalita. Natatwa ako kasi she's heading back and forth at yung baby bump niya nakakatuwa ang laki na rin kasi ng tyan niya. Naalala ko tuloy yung nalaman ko na buntis siya.

Flashback

Madaling araw na at naramdaman kong bumangon si Hannahat pumunta siya sa banyo.

"Buwaaaaaaak" I heard from the CR kaya napabalikwas ako. Nakita kong sumusuka siya sa sink lumapit naman ako sa kanya and I caress her back at patuloy pa rin ang pagsuka niya.

"What happened to you?" nagkibit balikat siya at naramdaman kong sumandal siya sa akin at pumikit nakita ko yun sa salamin dahil doon nakahrap ang mukha niya.

"What do you feel Bibigirl, hmnn?"

"Parang binabaliktad yung sikmura ko, nahihilo rin ako." Sabi niya habang nakapikit. Ako na ang nagpunas ng naghilamos sa mukha niya. Naka-angkla lang yung braso niya sa batok at hindi niya talaga kayang tumayo ng maayos dahil nasa akin lahat ng bigat niya.

"Ano ba ang huling kinain mo kahapon?"

"Yung pesto." Yun din ang huling kinain ko pero ayos rin naman ako. Naalala ko kagabi. Tinabla niya yung cabonara ko at pumunta pa kami sa isang restau para kumain ng pesto. Dalawang serving pa nga ang inorder niya. Nakita ko naman na parang nahimamasan siya. Hinawi ko yung buhok na sumasagabal sa mukha niya.

"Okay ka na?" tanong ko at tumango naman siya I hugged her and kissed forehead at binuhat ko na siya sa papuntang kama at inabutan ko siya ng tubig.

At ilang minuto pa naramdaman ko ulit na bumangon siya ng kama at nakita ko sa cr at doon na siya bowl sumusuka at namumutla na.

"I'll bring you to the hospital."

"N-no Vince, I-i-m oka-ay" sabi niya habang nakayap sa bowl

"Y-you're not okay! Dadalhin na kita sa ospital" kukunin ko sana yung susi ng kotse ng biglang humiga siya ulit sa kama.

"K-kaya ko pa. G-gusto ko pang matulog." Sabi niya habang nakadapa.

Nagising ako may araw na. Napansin ko rin wala na si Hannah sa tabi ko, baka nagluto na yun ng breakfast namin. Ganun kasi tuwing umaga siya ang nauunang bumangon para maghanda ng umagahan.

Tumungo ako sa banyo para maghilamos at laking gulat ko ng nakasalmapak si Hannah doon ng walang malay. "HANNAH!" dinala ko agad siya sasakyan at pinahuhurot ito.

Matagal din akong nag-intay sa emergency room waiting area at tinawagan ko na rin sila Mama at Mommy at papunta na rin sila dito.

"Doc is she fine?" I asked

"Are you the husband of the patient?"

"Yes Doc."

"She's fine now. Siguro in few minutes magigising na rin siya."

"Bakit po siya nahimatay?"

"Normal lang yung sa kanya because she's two weeks pregnant." Naestatwa ako sa sinabi niya. I'm GOING TO BE A FATHER!!!

"Mister De Vega, masyadong maselan ang pagbubuntis ng misis mo. As much as possible do not stress her, okay? I also recommend that she'll stay here for a week..Ask the nurses if you still have questions. I have to go now" tinapik niya ang balikat ko at saka umalis.

TVGMMAS (Completed)Where stories live. Discover now