Chapter 14: Aqeela

1.1K 33 0
                                    

CHAPTER 14

Hannah's Point of View

Pagkagising ko nandito na ako sa kwarto di ko alam kung saan to basta kwarto. Nakita ko si Vince nandun sa may couch nagbabasa ng libro, huling naalala ko pinainom niya ako ng pain reliever which helps me a lot dahil nakatulugan ko ang sakit ng likod ko.

"V-vince.."

"Good thing you're awake. Eat" sabi niya sa akin at nilapag ang yung paperbag nasa may gilid niya kanina

"T-thanks.. Nasan tayo? Yung f-field trip natin? A-anong oras na?"

"Eat." Tinignan niya lang ako natememe naman ako dun, nakita ko naman nag-dial naman siya phone niya.

"Yes Tita, she's awake.. Her she is" sabay abot ng phone niya sa akin

"M-ma?"

"Anak naman! Diba sinabi ko naman sayo na mag-ingat ka. Tayo na lang dalawa sa buhay iiwan mo pa ako. Ano ba yan anak, dapat talaga hindi na kita pinasama jan e. Alam mo naman malapit ang disgraysa sa mga graduating. Buti na lang nanjan si Vince. Ano kamusta ka naman? Okay na pakiramdam mo?" kung anong iningay ko mas doble pa sa Nanay ko.

"Ma, okay na po ako. Hindi po ako naaksidente Ma, sumakit lang ang likod ko at kumpleto pa ang katawan ko, huwag na po kayo mag-alala. Mag-ingat po kayo jan. I love you." Sabi ko

"Ikaw talaga bata ka oo, nako! Ibigay mo na nga lang kay Vince!" Inabot ko naman sa kanya yung phone.

Sila na lang ang nag-usap di ko na pinakinggan kasi naman nagutom talaga ako sa byahe at yung gamot na inimon ko for sure tinunaw lahat ng nasa tyan ko. Nangmatapos na ko kumain naalala ko ulit yung field trip.

"Vince pano yung field trip? Hindi ba nila tayo hinahanap? Nasa Ocean Adventure na ba sila? Gusto ko pa naman makakita ng sea lions at dolphins" sunod na sunod na tanong ko

"We're already here in Ocean Adventure" walang ganang sagot niya sa akin

"Talaga? P-pero bat ganito na yung suot ko? I-ikaw nagpalit sa akin?" napatayo naman ako dun, kasi yung suot ko eto yung isa sa mga pamalit sa bag ko, bigla naman ang pasok ni Steph nakabackpack siya at basing-basa ang buhok

"Hannah Brianna! Grabe ka pinag-alala mo ako buti na lang nanjan si Pres" sabi niya habang umupo sa kama ng hinigaan ko.

"Steph, explain her everything" sabi ng cold hearted saka umalis ng kwarto.

"Alam mo ba? Sana ako na lang yung may scolio, ang sweet sa'yo ni Pres, panay ang utos niya sa akin para lang masigurado na safe ka at nasa tabi mo lang siya magdamag" jusko, para siyang kinurkyente habang sinasabi niya iyon.

"Stephany naman hindi biro tong sakit ng likod ko, huwag mo sabihin si Vince nagpalit sa akin?"

"Gaga ako nagpalit sa'yo! Pero seryoso kasi ang swerte mo kay Pres, ikaw lang nakapag-ganyan sa kanya di naman dati ganyan yan e."

"Stephany!!!" bulyaw ko sa kanya

"Eto naman, kinikilig lang e. Oo nga pala, kaya ako nandito kasi tinext ako ni Pres na sabihin lahat sa'yo kung anong mangyayare kahit kaylan talaga yun tamad magsalita kainis!"

"Anong ibig mo sabihin?" pagtataka ko

"Katatapos lang ng fieldtrip, maiiwan daw kayo dito kasi hindi pwede i-refund yung binayad niyo bukas na lang daw kayo makakapanuod ng dolphin show at sealion show....Mag-oovernight kayo dito"

"Te-teka? Alam na ba ni Mama to?"

"Oo tinawagan na ni Vince, nakapag-meeting na din siya, si Principal Silvestre, si Ma'am Paraiso pati yung mga magulang niyo via Skype alam mo naman yun mabilis pa sa alas kwatro kumilos. Kaso lang girl.." sabi niya habang nag-iisip.

TVGMMAS (Completed)Where stories live. Discover now