CHAPTER 1: THE REUNION

6.3K 89 0
                                    

A/N: Ugh! Hell month (tax season) is almost over. Sana makapag-update ako ng tuloy-tuloy. Anyways, highways, this story won't be too long. Maybe only around 10 chaps. 15 at the most.

I hope you like my main characters. Enjoy reading!

CHAPTER 1: THE REUNION

Marahang-marahan ang ginawa kong pagbubukas sa pinto ng office ni Rev. Ilang minuto na akong nakatayo sa labas nito at nagdadalawang isip. Mukha na akong engot kaya lalakasan ko na talaga ang loob ko. Tutal, kumatok na rin lang ako.

He greeted me with his icy stare.

“What do you want?” Cold. Oh, so cold. Ni hindi nya manlang ako inalok na maupo.

“Ah.. Galing ako sa inyo. Sabi ni Tita Eva, nandito ka kaya pumunta na ako dito.”

“That does not answer my question. Stop beating around the bush. Tell me what you want, then leave.”

Ito naba talaga si Rev? Sya ba yung bestfriend ko noon? It’s been five years, akala ko, mapapatawad nya na ako.Hindi pa rin pala. Ang limang taon naming pinagsamahan sa college, shit, isang gabi lang nawala ng parang bula.

Itinuro nya ang seater sa isang tabi.

Agad akong umupo. Nanginginig na ang tuhod ko. Anlamig ng aircon, pero pinagpapawisan ako ng malapot.Para akong na-principal’s office.

“Rev.. Are you still mad at me? It’s been five years.”

He looked at me. Pinaningkitan nya ako ng mata nyang tsinito.

“What are you?”

“Eh?”

“You think you’re too special?”

“Eh?”

“Five years. Do you think I spent my five years hating someone like you?”

“Uh..Someone like me? Which means..?”

“Tsk, tsk! I don’t feel anything towards you. Nothing, as in NIL. Not even hatred.”

“Oh! That’s great! It means we might still be friends. You’re still my best friend!”

“I said I don’t feel anything for you. That includes friendship.”

Kung kanina nagyeyelo ang tingin nito, ngayon naman, nagliliyab ang kanyang mga mata. Obviously, the guy still hates me. No matter what he says.

“Rev..”

“Shut up. I don’t want to have anything to do with you.”

“Why do you still hate me so much?”

“I don’t.”

“Yes, you do.”

Bumuntong-hininga siya.

“Please just leave me alone. I said I don’t want to have anything to do with you.”

“Because I ruined your life? Hell, Rev, it’s been five years! Can’t you move on?”

Nanggigil sa galit si Rev. Sinugod niya ako at mariing hinawakan sa magkabilang balikat.

“It’s so easy for you to move on, dahil hindi ikaw ang nasaktan. Rein, I trusted you, I loved you, and then, what?? For a night of fun, you threw our friendship away!”

Napalunok ako ng mariin. Naninikip ang dibdib ko. Alam kong nakakagalit yung ginawa ko, lalo na sa point of view nya. Pero kasalanan ko ba na hindi naging understanding si Jean sa kanya? Besides, wala bang tibay yung friendship naming para magawa nya akong patawarin? Kahit pa sabihing dahil sa aksyon ko kaya iniwan ito ni Jean.

The Accidental Love Wrecker (COMPLETE)Where stories live. Discover now