CHAPTER 4: SCATTERED THOUGHTS

3.3K 68 0
                                    

A/N: Whenever I use a third person POV (except when obviously erroneous), it means it is someone else' POV, other than Rein's.


CHAPTER 4: SCATTERED THOUGHTS

                Damn! Damn!

                Halos sabunutan ni Rev ang sarili niya habang naglalakad papunta sa smoking lounge. Gusto nyang i-umpog ang sarili sa pader. Napakatanga ko talaga! Tanga! Tanga!

                Bakit ba nya pinahihirapan ang sarili? Bakit kailangang i-associate pa nya ang sarili sa isang taong makapagpapa-alala sa kanya ng lahat ng pangarap na nawala?

                Mariing ipinikit ni Rev ang mga mata. Ngunit nakikita nya pa rin ang babaeng yon sa isipan nya.

                She’s wearing that lovely wedding gown that enhanced the curves of her body, her delicate shoulders exposed; looking so deliciously enticing.

                Lalo niyang idiniin ang pagkapikit ng mga mata. Lalo rin namang nagsumiksik sa isip nya ang babaeng iyon. She smiled the way she smiled at him when they first met- shy, tentative and unassuming.

                Her hair is in that lovely braid, the same way it was braided that night a long time ago when she said that she loves him. And his heart skipped and beat furiously against its cage.

                The mere thought of that night a long time ago made his blood boil. He felt cheated as if he was cheated just last night.

                Kinapa ni Rev ang kaha ng sigarilyo sa bulsa at nagsindi ng isa.

********************************

                Hinanap ng mga mata ko si Rev. Natagpuan ko siya sa smoking lounge ng hotel. Agad na nalukot ang ilong ko sa amoy ng usok ng hinihithit nitong sigarilyo.

                “You’re smoking,” puna ko dito, just in case hindi nya nare-realize kung ano ang ginagawa nya.

                Nagkibit lang siya ng balikat.

                “I know, right.”

                Grr! How can he just shrug it off like that?! He knows how much I despise cigarettes.

                Smoker si Rev nang makilala ko. At araw-araw ko siyang inaaway dahil doon, kaya tumigil na ito noon para wala na kaming pag-awayan.

                Bumalik na pala ito sa paninigarilyo at tila nais pa talaga niyang ipamukha sa akin na wala siyang pakelam kung anong iisipin ko.

                “Why are you smoking?” di ko pa rin talaga napigilan ang sarili ko na makialam.

                “None of your business.”

                “It’s my business, damnit!”

                Pareho kaming nagulat sa ginawa kong pagsigaw.

                Iniiwas ko ang paningin.

                “You really should stop smoking.”

                “Wag mo akong pakialaman. Wala tayong pakialam sa isa’t isa.”

                “May pakialam ako sayo, Rev!”

The Accidental Love Wrecker (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon