Chapter 2: MEMORY LANE

4.5K 69 0
                                    

Chapter 2:  MEMORY LANE

Natagpuan ko ang mga kaibigan ko sa parehong lugar sa graduate section ng library.Finding them is never really a problem. There are only few places frequented by our group: Library, canteen, o ang lumang stage sa open ground.

                Masyado pang matindi ang init ng araw para tumambay sa stage, at sa mga oras na ito, I’m sure hindi pa sila gutom. Kaya hundred percent ako,nasa library sila. At pag sinabing library, there’s only one particular place.

                “Where were you?” nakataas ang kilay na salubong ni Noelle sa akin. “Hay naku, bakit pa nga ba ako nagtatanong, di pa ako nasanay sa pagiging late ng babaeng ito.”

                Tinawanan ko lang siya saka umupo sa isang bakanteng upuan. “Hindi pa dumating si Rev?” tanong ko. Umiling lang si Noelle. Tahimik kong kinuha ang isang malinis na worksheet sa mesa at sinimulang gumawa ng assignment.

                “May hindi pa kami nasasagutan.Di namin makuha eh.” Nilinga ko ang nagsalita. Si Alexandra.

                “Let me see. Anong number?” binalingan ko ang aklat na inilatag nila sa aking harapan. Alam na alam ng mga ito na nagkakainteres lang akong mag-solve kapag mahirap ang question.

                Nasa kalagitnaan na ako ng seryosong pagko-compute nang dumating si Rev. Ilang sandali ko siyang tinitigan habang papalapit. Perpekto ang hugis ng mukha nito, may mga matang tila laging naka-ngiti. May maliit na dimple sa gilid ng labi. Medyo tabingi ang ilong ng binata, subalit tila nakadagdag lang iyon sa angkin nitong karisma.

                Napabuntung-hininga ako at saka ngumiti ng masigla sa itinuturing kong bestfriend.

                “Pare..” tinapik ni Rev ang balikat ng kaklase naming nasa kanan ko, si Daniel. Tila pinaaalis nito iyon sa upuan.

                “Hayan oh, may upuan sa kabilang side,” tugon ng tinapik at itinuro pa ang silya sa kabilang side ng table.

                “Tol, huwag ka nang humirit, alam mong pwesto ko ang tabi ni Rein.”

                Tuminging tila nagpapasaklolo sa akin si Daniel. Ngumisi lang ako. Kakamot-kamot sa ulo na lumipat ito ng pwesto.

                “Alam na kasi na dun ang pwesto ni Rev, sisingit pa dun, naabala ka pa tuloy. Bleh!”Pinagtawanan pa ito ng iba naming kaibigan.

                “Tapos ka na?” tanong ni Rev na ang tinutukoy ay ang assignment ko.

                “Hindi pa. Nagsisimula pa lang ako. Yung sayo, gawin mo na rin. Malapit na mag-time.”

                “Teka lang,” tinapik niya ako sa balikat. Nang lingunin ko siya, naglalakad na siya palayo sa akin. Natanaw ko si Jean na sinalubong nito. Kumaway pa sa akin si Jean. Nginitian ko naman siya.

                Mabait si Jean.Hindi namin siya ka-tropa dahil iba ang course niya. Pero okay naman siya sa amin dahil mabait naman siya. Simple lang manamit at pumorma, pero maganda. Hugis puso ang mukha at maganda ang hugis ng labi.Mapungay ang mga mata at malimit ngumiti. Sapat lang ang tangos ng ilong at proportioned ang hugis ng katawan.

                I looked away from them. Awts! Hirap naman ma-inlove sa bestfriend..Palihim akong napabuntong-hininga.

                “Hey, hey!”Dumating si Krystel.May dala itong isang haba ng chikito at isang balot ng sampalok candy.

The Accidental Love Wrecker (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt