CHAPTER 1

110 37 20
                                    

"Bebe ko, dalian mo na d'yan. Male-late ka na," ang aking gwapong ama na si Antero Maligaya. Isang taxi driver ng sarili naming taxi.

"Nandiyan na po, Papu."

Dali-dali naman akong lumabas sa aking kwarto.

"Bebe ko, God bless sa interview mo ok." Salubong naman ng aking magandang ina na si Ofelia Maligaya. Isa naman itong tindera ng sarili naming karinderya. "Fighting, bebe ko!" with matching fist-pumped pa ng isang kamay sa ere.

"Thanks, Mamu. Fighting!" sabay fist-pumped din.

Syemper (syempre) nakikigaya sa mga Korean. Nakikiuso pa more.

"Aalis na kayo ni Papu, Ate? Sama na lang ako. Bababa lang ako kung saan malapit sa school para tipid sa pamasahe," Tyron.

Ang baby damulag kong bunsong kapatid. Grade-IX pa lang kasi pero ang laking bulas. Bale nine years ang gap namin. Menopausal baby kasi.

"Asus, umandar na naman 'yang pagkakuripot mo," sabay gulo ng buhok nito.

"Aish... Ate naman eh. Sinisira mo ang hairstyle ko," inayos nito ang nagulong buhok.

Napailing na lang ako at lumapit kay Mamu.

"Bye, Mamu." Humalik ako sa pisngi nito.

Nagpaalam na rin si Tyron.

"Ingat, mga bebe ko," Mamu.

"Nand'yan na sila," ani ni Kuya Tucker nang makita kami ni Tyron palabas ng gate ng bahay.

"Ganda ng kapatid natin ah," Kuya Shawn.

"Naman," sabay flip ng hair at ayos ng eyeglasses ko.

Sina Kuya Tucker at Kuya Shawn naman ay ang mga naggagwapuhan kong mga Kuya. Two years ang gap namin sa isa't isa at si Kuya Tucker ang panganay sa aming lahat.

Si Kuya Tucker ay isang Engineer samantalang si Kuya Shawn naman ay isang dakilang tambay. Ito kasi ang napiling "profession" ni Kuya Shawn after he graduated from college... taas nga ng pangarap eh. Tsk!

Paano naman kasi ambisyoso. Aba'y gustong maging artista sa halip na kumuha ng NAPOLCOM Exam dahil graduate naman ng Criminology. Eh gwapo nga daw kasi siya kaya bagay sa kanya ang maging artista. Duh! Feelinggero lang Kuya?

Nakailang audition na kaya ito mula n'on pero ang kapal ng kilay dahil ayaw paring g-um-ive up kahit na ilang beses nang 'di nakapasa. Hindi naman sa nilalait ko si Kuya Shawn, pero parang gan'on na rin, gwapo naman si Kuya no question d'yan kaso nga lang hindi marunong umarte at ang pangit-pangit-pangit umiyak. Yecks!

"God bless sa interview mo, ganda," nakangiting sabi ni Kuya Tucker.

"Daanin mo sa ganda ha?" Kuya Shawn.

"Oo naman mga Kuya," mayabang kong sabi. "Yakang-yaka 'yan. Ako pa," at inayos ko ang aking eyeglasses na hindi naman nagalaw. Marahil ay nakasanayan ko na ito.

Nabaling ang tingin namin sa kotseng huminto sa harapan namin.

Bumakas ang bintana ng kotse sa driver's seat, "Good morning!" nakangiting bati ng lulan nito. "Good luck sa interview mo, ugly Betchay. You need that 'coz I know hindi tinatanggap ang mga pangit sa posisyong inaplayan mo," she smirked at pinaharurot nito ang kotse paalis.

Napaubo kaming lahat. Pinakain ba naman kami ng usok ng sasakyan nito. Tss, yabang!

"What a delicious breakfast," Kuya Shawn.

Agad na lumapit si Papu sa akin. "Ok ka lang ba, bebe ko?" nag-aalalang tanong nito.

May allergy kasi ako sa alikabok.

Ugly Betchay (On Hold)Where stories live. Discover now