CHAPTER 2

109 38 14
                                    

"Good morning!" Nakangiting bati ko sa Receptionist na nasa labas ng floor na 'yon.

"Good morning! Yes?"

"I'm looking for Ms. Elsie Mae Dagudag for the interview."

Ngumiti muna ito bago nagsalita. "Just go straight on that pathway, Ma'am. Then at the corner, turn right and you'll see the HR Office. Just wait outside for Ms. Dagudag."

Inayos ko ang aking salamin, "Thank you."

Pagkarating ko sa labas ng HR Office ay gan'on na lang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ang pila ng mga sasabak sa interview.

Ang dami. Siguro mahigit sampu. Eh di ako na ang last.

Ang gaganda at ang se-sexy pa. Eh di ako na ang pangit.

Maya-maya ay may babaeng lumabas mula sa HR Office.

"Good morning, everyone! I'm Elsie. The final interview will start in two minutes and when I call your name you just have enter in that door," Itinuro nito ang pinto sa kaliwa nito. "Mr. William, the CEO of this company, will be the one to do the interview so good luck."

Nang nag-start na 'yong interview ay sobrang kinakabahan talaga ako habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko.

Namamawis na ang mga kamay ko't mga paa pati ang kilikili ko sa sobrang kaba. Pero wala akong body odor ha.

'Diyos ko Lord, sana po sa akin niyo ibigay itong break na 'to. Promise ko po sa inyo 'pag ako natanggap dito, kakain na po ako ng gulay 'pag pinipilit ako ni Mamu at tutulong na ako sa mga gawaing bahay.'

"Ms. Bethaly Maligaya?"

"Present!"

"You're next."

Huminga muna ako ng malalim saka nag-sign of cross bago kumatok ng tatlong beses sa pinto kung saan naroon ang CEO.

"Good morning, Sir!" Aniko pagkapasok ko sa loob.

Nakatalikod si Mr. CEO sa akin. Nasa beywang ang kaliwang kamay nito habang ang isa naman ay nasa tenga nito hawak-hawak ang cellphone.

'Wew! Sexy kahit nakatalikod.'

"Yes. I'll be there, Mr. Kim. Thank you," at tinapos na nito ang tawag.

Paupong bumagsak ako sa carpeted na sahig nang humarap ito sa akin.

"What the?!" Agad itong lumapit sa akin. "Are you okay, Ms. Maligaya."

"Waahhh..." sabay kapit sa kaliwang binti nito. "Sir, parang awa niyo na po. Bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon at papatunayan ko sa inyong hindi ako baliw. Na hindi pa ako nababaliw at lalong hindi ako galing sa mental. Nag-jo-joke lang po ako kanina nang sinabi ko 'yon. Maniwala po kayo."

"Get off me," pilit na tinatanggal nito ang mga kamay ko sa binti nito.

"No! Hindi pwede! Hindi talaga pwede hangga't hindi kayo naniniwalang hindi ako baliw."

Subalit dahil malakas ito ay nagawa nitong makawala sa pagkakapit ko at mabilis na lumayo sa akin.

"Waahhh... Sir, please. I'm begging you, huhu..." at pagapang na lumapit dito. "Nagmamakaawa po ako sa inyo. Hindi po talaga ako baliw. Promise po cross my heart mamatay man ang lahat ng baliw sa mental," at pilit inabot ang mga kamay nito.

"Hey, Ms. Maligaya. Are you okay?"

"Huh?"

"I said, are you okay?" ulit na tanong nito.

Agad ko namang ipinilig ang ulo. 'Waahhh... to the highest power degree namang imagination 'yon.'

"I-I'm okay, Sir."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ugly Betchay (On Hold)Where stories live. Discover now