Days past by at hindi nag nagparamdam sa akin si Zion. Alam ko nasaktan ko siya sa naging reaksyon ko. Masaya naman talaga ako eh, pero hindi mo pa din maalis sa akin na mabigla at matakot. Buong buhay ko nabuhay ako para i-please ang magulang ko, kuya Troy is their favorite coz' he is the achiever. Hindi naman sa nag seselos ako. Gusto ko lang mapantayan ang achievements ni kuya. I don't want to hurt them dahil sa makasariling kaligayan ko, na maling mali naman. I hurt Zion bigtime, kitang kita ko iyon sa mga mata niya. Pag naalala ko ang araw na iyon mas doble ang saket na nararamdaman ko. Dahil alam na alam ko naman sa sarili ko na mahal na mahal ko siya at hindi ko pinagsisishan ang mga ginawa ko at gagawin ko. Tsaka ayokong maging rason ang pagkakaroon namen nang anak para mahalin niya ko. Simple lang naman ang gusto ko, na sabihin niya na mahal niya ako e, edi' everybody happy. Pero ayokong pilitin siya, gusto ko sabihin niya yun kase yun ang nararamdaman niya.
Napahawak ako sa maliit na umbok nang tiyan ko. Actually two months palang naman ito, hindi pa halata. At hindi ko alam ang gagawin ko kung lumake na ang tiyan ko. Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko, na ii-stress ako sa mga naaisip ko. Ang hirap pala mag kulong sa bahay. Hindi na ako sanay. Nag leave kase ako sa trabaho dahil sa mga nararamdaman ko nitong nakaraan. Mabuti nalang at hindi ako tinanong ni mommy at daddy about it. Nakakapagtaka nga.
Pag kaayos ko nang sarili ko ay tinext ko si Cristine na mag-mall kame. Para na akong masisiraan sa bahay, sabado naman kase ngaun at alam kong off niya. Pagkababa ko ay narinig ko agad ang tawanan nang mga magulang ko. Medyo nag taka ako. Baket sila nandito? Kahit off nila, they spend time sa hospital. Lumake ako na busy ang magulang ko, yung tipong magkakasakit sila pag nag stay sila sa bahay.
"Gising kana!" bati sa akin ni daddy. Lumapit siya sa akin at marahan akong inalalayan. Kahit medyo nagtataka ako ay sumunod nalang ako. Umupo ako sa tabi ni daddy. Nandito sila sa living room. Nagulat pa nga ako nang madaming nakahain na prutas at kung ano ano pa.
"Baket ang daming prutas my?" Tanong ko sabay kuha nang ubas. Ngumiti si mommy at lumapit sa akin.
"Para sa iyo talaga yan Kenneth Shane, pinadala ni Zion." Halos mabilaukan ako sa sinabi ni mmmy. Bigla nalang nanlamig ang kamay ko at pinigilan huminga. I saw my mom staring at my tummy. Shit! mabuti nalang at maluwag na damit ang suot ko ngaun.
"Namumutla ka anak, may masaket ba seyo? may nararamdaman ka ba?tell us?" Sabi ni daddt. Sa paraan nang pagkakasabi niya ay parang may ibig sabihin na hindi ko malaman. Gusto kong sabihin ang totoo pero natatakot ako. What if they ask about the father? ano sasabihin ko? "Hey mom dad! buntis ako! At kasal na ako pero hindi kami pwede kase hindi naman ako mahal ni Zion?"sabi ko sa isip ko. Napailing ako agad dahil duon.
"Wala po dad." maikling sagot ko. Naramdaman ko ang pagtapik ni dad sa balikat ko at mabilis na tumayo at nagbuntong hininga.
"If you need anything baby don't hesitate to tell us. Magulang mo kami Shane, busy man kami pero always remember na mahal ka namen kayo nang kuya mo at lahat nang ito ay para din sa inyo, if you want to tell us something makikinig ako anak. I'm sorry kung hindi ko kayo nagabayan nang maayos nang kuya mo pero tatandaan mo, nanay mo ako, hindi mo ako kaaway anak, I can be your bestfriend if you want, masaya ako at lumake kayo nang maayos. Wala ka nang dapat patunayan pa anak. We are so proud of you." Diretsong sabi niya kaya medyo natulala ako hanggang tuluyan nang tumulo ang luha ko. Niyakap ako nang mahigpit ni mommy. Ang sarap pala sa pakiramdam. Pakiramdam ko kahit ano mangyari ay may kakampi ako. Hinagod ako ni mommy ang likod ko kaya medyo nakalma ako. Nang medyo kumalma ako ay hinawi niya ang takas na buhok ko at isinabit sa tainga ko. Tumayo siya at ngumiti.
"I'm just waiting, Kenneth Shane." Sabi niya at tuluyan nang lumabas. Nang matauhan ako ay medyo nataranta ako. Nagpadala si Zion nang madaming prutas. My parents talk to me! OMG! alam kaya nila? or praning lang ako? Nakakapagtaka naman kase ngaun lang nangyari sa amin ang ganito. Kahit medyo weird ay binalewala ko nalang. Pero that moment made my day.
Ang dami kong nakain na prutas. Napapangiti pa nga ako kase pinadala ni Zion ito. Should I thank him? paano kung galit pa siya? should I say sorry? bahala na nga.
"Takte naman Kenneth Shane! Ang bagal mo maglakad.." Galit na singhal ni Cristine.
"Buntis ka lang hindi ka na-stroke kaya pwede bilisan nang kaonti?" Natatawa ako habang namumula ang mukha niya sa inis. Oo alam niyang buntis ako even Ericka. Nung araw kase na nalaman ko ito sila agad ang pinuntahan ko. Medyo pinagalitan pa nga nila ako, tama lang daw na nagalet si Zion nasaktan siya sa reaksyon ko eh. And they also said na nasa tamang edad naman na kame at kasal na, pati tuloy iyon ay hindi ko naiwasan sabihin. Kahit gulat na gulat sila ay ako ang pinagalitan nila. Ano daw ba inaarte ko? Kase hindi ako mahal ni Zion? Napaisip pa nga ako nang sabihin ni Cristine na nakikita nila mahal ako at mahalaga ako sa tao, kung ano man daw ang inaarte ko ay nag papabebe lang daw ako. Gusto ko ngang magalit sa kanila noon pero hindi ko maiwasan matawa. The best talaga sila.
Huminto si Cristine sa paborito naming Korean restau. Naamoy ko na ang kimchi na paborito ko sa ngaun. Nagtataka nga ako dati di ko ito feel kainin pero ngaun ay kinahiligan ko. Siguro dala nang sinasabi nilang lihi.
Nagulat ako nang biglang dumating si Tristan. Malake ang ngiti niya habang kay Cristine nakatoon ang mga mata.
"Sorry.. late ako." Hinihingal na sabi niya kaya ngumiti ako. Napabaling pa ako kay Cristine at kitang kita ko ang pamumula nang mukha niya.
"Kamusta kana Kenneth Shane?" Tanong ni Tristan. Nakaupo na kami at magkaharap ang aming posisyon. Nag paalam saglit si Cristine na pupunta sa cr. Ngumiti ako sa kanya habang hawak ko ang menu at naghahanap nang oorderin.
"Ok naman ako Trist, kamusta sa hospital?" Sagot ko. Natoon ang mata ko sa isang pamilya sa gilid namen, magkatabi ang mag-asawa habang sabay silang tumatawa dahil sa kakulitan nang anak nila. Bahagyang saket ang kumirot sa puso ko. Magiging ganito kaya kami nila Zion? Alam ko anytime ay papatak na naman ang luha ko kaya bumalik ang tingin ko kay Tristan.
"Paano mo ba masasabi na binabalewala ka ng isang tao?" Biglang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam saan nang galing ang tanong ko. Pero namimiss ko na si Zion. I feel sorry sa pinakita ko sa kanya. Kung alam lang niya na masayang masaya din ako dahil ako ang nagdadala sa anak niya. Ako ang nanay nang magiging anak niya.
Bahagya ako nagulat nang napatingin ako kay Tristan. Nakangisi siya at nakatihin sa likudan ko. Fuck! Biglang nagtambulan ang puso ko.
"Kapag iniisip mo na mahalaga ka sa kanya, pero ang totoo, hindi naman pala talaga."
"Zion.."
****
Yan na @kristele hehe!tnx for pushing me na bablanko na naman ako. Haha malapit na matapos ito mga 12 or ten chaps nalang. Keep on pushing me:)
may story kase sa utak ko eh nahahati tuloy ang feelings ko.. lols lahat nang nasa work ko tatapusin ko hindi man ngaun basta matatapos iyon.. Pero meron akong bagong ipopost My sweetest downfall soon! Nandun kase utak ko eh asar nga!haha pero i'll finish this muna.. tnx.
-Camille
BINABASA MO ANG
How Can I fall?(COMPLETED)
RomanceSide story of Please Trilogy.. How can I fall "binigyan kita ng permiso na angkinin ako, pero hindi mo ako binigyan permiso na angkinin ka, ang daya, eh." A witty girl Kenneth Shane Villarama fell for a guy who's really inlove with another girl. Sh...