ONE NIGHT STAND Part 1

24.6K 324 20
                                    

ONE NIGHT STAND


"ANG DI SINASADYANG UNANG PAGKIKITA"

"Kung titigil ka na lang kaya sa pag-aaral, Markie anak?" hinawakan ng Mama niya ang kaniyang braso. "Ikaw ang panganay kaya ikaw ang inaasahan kong makakatulong sa akin. Kung hindi lang ako dinapuan ng sakit, kaya kitang igapang sa pag-aaral mo ngunit sa kalagayan ko ngayon, mukhang hanggang pangarap na lang ang lahat." paulit-ulit na niyang naririnig na sinasabi ng Mama niya.

Huminga siya ng malalim bilang pagtutol. Hindi siya sumagot. Iniabot niya ang dalawang pirasong tableta. Mabilis iyong itinungga ng Mama niya saka naman niya inabot ang hawak niyang baso ng tubig. Pagkainom ng mama niya sa gamot niya ay hinarap naman niya ang dalawang kapatid para tulungan silang magpalit ng kanilang school uniform.

Apat silang magkakapatid. 2nd year High School ang sumunod sa kaniyang babae at nasa Elementarya pa ang dalawa. Grade 1 palang ang bunso nila. Anim na taon nang patay ang Papa nila at lalong humihirap ang kanilang buhay. Isa sila sa mga iskwater na pinapaalis na ng Gobyernong nakatira sa tabi ng ilog. Kahit umaalingasaw ang puno sa basurang tubig ay tinitiis nila. Nasanay na nga din sila sa amoy n'on.

Isa sa pangarap niya ang magkaroon ng magarang bahay para hindi na sila magsisiksikan sa isang barong-barong. Gusto niyang makatapos sa pag-aaral para matulungan ang pamilya. Bilang panganay, siya ang inaasahan ng kaniyang mga kapatid at Mama. Kung hihinto siya, anong matinong trabaho na may mataas na sahod ang papasukan ng kagaya niya? Lalo lang silang igugupo ng kahirapan. Pangarap lang niya ang tangi niyang kinakapitan. Pinaghirapan niya ang kaniyang scholarship sa isang respetado at kilalang-kilala na Unibersidad. Kung sarili lang niya ang kaniyang iisipin, kakayanin niyang itaguyod ang kaniyang sarili habang nag-aaral ngunit dahil may mga kapatid at Mama siyang may sakit na umaasa kaya siya sobrang nahihirapan ngayon. Ngunit sa gitna ng hirap na kaniyang pinagdadaanan, wala siyang balak bumitaw. Hindi siya susuko.

Sumubok siyang pumasok bilang Call Center Agent ngunit full time ang karamihang hinahanap nila. Hindi niya sa ngayon kayang pagsabayin ang full time na maging istudiyante at full time ding maging Call Center Agent. Hindi pa siya nakakahanap ng company na aakma sa kinakailangan niyang schedule maliban sa sinasabi sa kaniya ng kaklase niyang janitorial services agency na pag-aari ng mayaman nitong pamilya. Bilang tulong, bibigyan siya ng maluwang na schedule ayon sa gusto niyang pasok at kung hanggang anong oras lang siya puwede magtrabaho. Iyon ay tulong lang ni Marlon na matalik niyang kaibigan. Mukhang sa kalagayan nila, tatanggapin na muna niya iyon habang wala pa siyang ibang option.

"Kuya, baon ko ho saka yung sa ambag ko sa project namin." typical na iyon sa umaga. ATM siya ng kaniyang mga kapatid at Mama. Mabuti pa ang ATM laging may naipapamudmod na cash ngunit siya, said na said na. Allowance niya sa scholarship niya ang ginagamit nila at sa ngayon, paubos na. Pati gamot ng Mama niya na sa akala niya pansamantalang titigil at magpapahinga sa pagtatrabaho ay pinoproblema na niya kung saan huhugutin.

"Baon mo lang ang maibibigay ko ngayon, yung para sa project mo, saka na kasi wala na ako pamasahe papasok. Subukan kong umutang muna kay Marlon mamaya." Nakangiti niyang sinabi sa mga kapatid niya habang isa-isa niya silang binibigyan ng pera.

Awang-awa siya sa mga kapatid na suot ang mga luma nilang uniporme at sapatos ngunit saan ba siya kukuha ng pambili ng pamalit? Siya man din ay sumusuko na ang kaniyang mga gamit sa kalumaan pero ni wala nga siyang maibili.

Pagkaalis ng mga kapatid niya ay siya naman ang kailangang magmadaling pumasok. Habang naliligo siya at sinasabon ang mukha at katawan ay napapaisip siya kung bakit di niya kaya gamitin ang katawan at kaguwapuhan niya para magkapera. Ilang beses na nga niya iyong binalak. Tumambay na nga siya ng ilang beses sa Mall ngunit kung kailan nandiyan na ay bigla siyang nandidiri. Madalas kasing lumalapit at ngumingiti sa kaniya ay matatandang maperang bakla. Hindi sa nagmamalinis siya. Pera lang naman ang talagang habol niya ngunit hindi pa ganoon katibay ang kaniyang sikmura. Hindi na naman na siya virgin. High School pa lang siya, may karanasan na siya ngunit iyon ay dahil gusto din niya. Dahil may namumuong kakaiba sa kanila ng nakilala niya lang sa facebook. Dala ng kapusukan, pumayag siyang may mangyari sa kanila pagkakita palang nila. Guwapo, maganda ang katawan at mestiso naman kasi ang gagong pinatulan niya. Nag-eyeball lang sila sa isang Mall, nilibre siya ng pagkain saka siya niyaya sa isang mumurahing hotel. Akala niya mauuwi iyon sa relasyon ngunit nagkamali siya dahil ang college student na guwapong iyon ay may guwapo din palang boyfriend. Ibig sabihin, ginamit lang siya sa gabing iyon, pangkamot sa kati. Hindi naman siya gaanong nasaktan ngunit may kurot ito sa damdamin niya dahil bigla na lang itong hindi sumasagot sa text niya at message niya sa facebook. Nagulat na lang siya nang makatanggap siya ng text na tigilan na daw niya ang pagpapadala ng messages sa facebook at text dahil maayos na sila ng boyfriend niya. Guwapo din daw naman siya ngunit ayaw niya sa kasimbata niya. Fuck! Ayaw niya pala sa bata ngunit bakit pa siya nakipagkita at ang matindi, tinikman pa siya. Ngunit ayos na sa kaniya 'yun. Dahil doon, nalaman niya kung ano nga ba talaga ang gusto niya. Dahil sa karanasan niyang iyon, alam niyang katulad niyang lalaki ang gusto at pwede niyang mahalin. Karanasang magagamit niya sa pagtahak niya sa mas masalimuot na buhay ng mga katulad niyang paminta.

ONE NIGHT STANDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt